Press Release
July 2, 2018

Sen. Bam on the killing of Tanauan City Mayor Antonio Halili

Nakikiramay tayo sa mga naulila ni Mayor Halili at sa mga kababayan natin sa Tanauan.

Mariin nating kinukundena ang lahat ng karahasan at patayan na nangyayari sa ating lipunan.

Nakakabahala na talaga ang tumitinding karahasan sa ating lipunan. Kaliwa't kanan ang patayan kahit sa harap ng maraming tao.

Wala nang pinipili ang nagiging biktima. Opisyal ng gobyerno, pari, tambay wala nang ligtas sa panahon ngayon. Wala nang ligtas kahit saan, kahit sino.

Kailangan nating magsama-sama upang labanan ang kultura ng karahasan, para sa ating mga anak at para sa bayan.

News Latest News Feed