Press Release
July 3, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Interview dzMM with Ted Failon

Ted Failon: Magandang umaga po sa inyo, Sen. Grace Poe, ang vice-chairperson po ng committee on public order and dangerous drugs at chairperson ng committee on public services po naman in the Senate. Good morning, Ma'am.

Sen. Grace Poe: Magandang umaga po, Manong Ted, at sa lahat ng nakikinig, magandang umaga po.

Failon: Thank you, Ma'am, sa inyong pagsagot this morning. Sen. Grace, we saw this coming right? You saw this coming, ito pong sa Mahindra. Go ahead, Ma'am.

Poe: Oo, 2014 pa, Manong Ted, 'di ba naghearing pa tayo kasi ang Mahindra, parang mahina nga, so 'yun ang naging kuwestiyon natin. Imagine, ang kalaban nila noon, Ford at Toyota, na ang presyo ay halos pareho lamang, tapos wala naman silang track record sa Pilipinas, 'di ba? Pero parang 'yung terms of reference po, ibig sabihin kung ano 'yung magiging qualifying document, ay parang napaboran itong Mahindra kaya nagtaka din tayo na bakit sila ang nanalo ng bidding.

Failon: 'Yun nga po, and then we also made a report on this. Kayo po ay isa po sa ating mga resource persons sa atin pong ginawang episode. Ma'am, eto na ngayon po 'yung COA report, kanya pong pinatutunayan 'yun pong mga pangamba po ninyo noong mga panahon na iyon. Ano po ang inyong balak na gawin dito, Ma'am Senator?

Poe: Unang-una, gusto nating ibigay muli sa COA 'yung aming mga findings o 'yung nakita namin dito lalo na't napatunayan na sa ilang taon na maraming sira itong Mahindra. 'Yun nga, 'yung kapasidad, tapos 'yung palaging nasisira. Alam ninyo, sa Republic Act 9184, mayroon talaga doong clause na nakalagay na dapat may retention amount o may iniiwan na pera ang supplier para kung may problema na ganito ay ma-refund nila ang ating bayan. Tingnan natin kung ito ay kanilang natupad at mayroon talagang kinimkim ang PNP sapagkat iyan ay importante na kasama doon sa kontrata bago nila ito pinayagan. Huwag nating kalilimutan 'yung nangyari dito na parang pinaboran ang isang kumpanya na hindi naman napatunayan na mayroong magandang serbisyo sa ating bansa. Wala ngang mga service center iyan, ginamit lang ang Kia na parang default service center para sa Mahindra kaya nga kung titingnan ninyo, ang nagiging pattern, ewan ko kung sino ang common denominator ng DOTC at saka ng DILG na para bang napapaboran ang ibang tao na wala naman talagang kapabilidad na tumugon sa mga pangangailangan na makakabuti para sa mga ahensya.

Failon: Are you going to file a resolution to investigate this officially, Ma'am? Para mapatawag natin ang lahat ng responsible dito.

Poe: Opo, alam ko marami na tayong naiinis dito sa mga deals na ito pero huwag nating kalilimutan na ang mga hearing na ito, nagiging basehan rin ng kaso katulad din ng nangyari sa MRT, naging basehan din iyan ng Ombudsman. Napatawag natin si Gen. Purisima dahil isa siya [sa sangkot] doon, kailangan nating ipatawag 'yung namuno ng DILG sapagkat hindi naman--ganito kalaki, P1.8 billion--hindi naman maaaprubahan iyan ng PNP kung hindi po iyan pinaboran din ng DILG. Tapos makikita natin, kung tatanggapin lahat ni Gen. Purisima ang pagkakasala dito o ang pagkakamali o mayroon siyang ituturo na nag-impluwensya sa kanya para aprubahan ito.

Failon: At saka DBM, ito daw ho 'yung nanguna nga din po sa bidding, Ma'am. Sila po ang nangasiwa dito. Sige po, Ma'am, so ang balik po ng Kongreso ay sa July 23 pa. Ngayon po ay July 3 pa lamang. Do we see this hearing coming before the start of the third regular session?

Poe: Gusto ko sana nga before kasi ito'y pressing issue, 'di ba marami ngang nasisirang mga PNP vehicles, 1,475 'yung kailangan natin. Uunahin ko lang muna 'yung isang hearing namin sa TRAIN sa Cagayan de Oro para doon sa tulong sa mga drivers at saka doon sa unconditional cash transfer, tapos baka ma-schedule natin ito the week before magbukas ang SONA po.

Failon: Sige, Ma'am, aabangan po namin iyan. Kami po ay gumawa na po dito ng ilang episode and we would like to make a final episode this coming-pati po yung aming resource person po dito nagtago lang po ng kanyang pagkakakilanlan sa takot po na siya ay balikan pero kanyang ipinaliwanag kung paano po nagbago nang nagbago ng terms of reference hanggang sa eventually lahat sila ay disqualified na at isa lang po ang kuwalipikado.

Poe: Nagiging pattern po talaga iyan. Sige po, Manong.

Failon: Aabangan po natin, Ma'am, kami po ay magcocover po dito. Gagawa po tayo ng isa pong follow-up story po sa kasong ito. Salamat po ng marami. Mabuhay po kayo, Ma'am, thank you.

Poe: Maraming salamat din po.

News Latest News Feed