Press Release
July 14, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon DWIZ's "Usapang Senado" with Ms. Cely Bueno

Q: Kayo po ba ay kontento na sa napagkasunduan sa bicam tungkol sa Bangsamoro Basic Law?

Drilon: Ako'y kontento except for one point. Una, halos lahat ay napagkasunduan na namin. Apat na raw kaming nagdebate, mahigit 12-15 oras kaming nag-usap bawat araw. Pangalawa, ako'y naniniwala na itong nabuong BBL ay sang-ayon at compliant sa Saligang Batas, kaya ito'y ating pinaghirapan talaga. Ngunit sigurado akong may magdadala sa Supreme Court para kwenstyonin ito lalo na yung parliamentary provision. Pero iyon ay pwede naman kaya naniniwala ako that we can defend it. Pangatlo, may mga nagsasabi na ang BBL ay mahina dahilan sa hindi raw sinunod yung nasa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). Hindi po totoo yan. Ako po mismo ang nagsulong na mailagay ang halos 60 specific powers sa Bangsamoro, 60 specific powers are devolved to the Bangsamoro. In terms of government power, mas makapangyarihan ito kaysa sa current ARMM. In terms of resources, mga P60-70 billion ang block grant na ibibigay taun-taon mula sa national government, maliban pa roon sa mga buwis na kanilang ipapataw. Ito po ay 5% of the national taxes. This is on top of the IRA na ibibigay sa bawat province. Malaki po ang kabuuang kapangyarihan at resources. Kaya ako ay naniniwala na may pag-asa ang kapayaapan kapag na na-ratify itong BBL.

Ngunit may isang issue lang: ang kahirapan sa ARMM. Kung titingnan, four of the top five na pinakamahirap sa buong bansa ay nasa ARMM, ayon sa pag-aaral ng Ateneo School of Government. Bakit? Sa pag-aaral ng Ateneo ito ay dahilan sa dynasty. Iyan ding apat na probinsiya na iyan ang may pinakamatinding dynasty sa ARMM. Ngayon during the deliberation in the Senate, ating isinulong na ilagay yung napagkasunduan na rin naman sa batas reforming the Sangguniang Kabataan. Ngunit hindi tinanggap ni Senator Zubiri. Ang nangyari lamang, yung anti-dynasty na inilagay ay applicable lamang sa Bangsamoro parliament. Ibig sabihin, hindi sakop yung gobernador at mayor kung saan nandoon ang dinastiya, na dapat ay ipinagbabawal.

Kaya ibig ko sana ay ilagay yung katulad provision sa SK. Kasi yung inilagay ay it will not serve the purpose. At pagdating sa bicam ayaw din pumayag ng House contingent, kahit doon sa weak na provision na inilagay. Kaya out of disgust, ang sabi ko sige alisin n'yo na lang, wala namang kwenta yan, it's a very weak provision.

I don't think that there will be any improvement on the lives of the people in the ARMM because of these dynastic practices. On that point, I have my doubts whether poverty, ang kahirapan ay matutugunan dahil sa hindi po isinama yung anti-dynasty. Ako po'y naniniwala na habang hindi natin pinagbabawal yung dynasty, mahihirapan yung pag-asenso ng ekonomiya sa ARMM.

Q: Toothless po ito pagdating sa kahirapan?

Drilon: Oo, tama iyan toothless.

Q: Disappointed po kayo sa puntong ito?

Drilon: I'm not very optimistic that BBL can effectively address issues of good governance.

Q: Ano pa po ang pwedeng gawin?

Drilon: Kung mayroog anti-dynasty bill na maipapasa, iyan ay applicable sa lahat. Kung mailusot, iyan po ay iiral sa Bangsamoro.

Q: Masasaklaw din nito ang Bangsamoro?

Drilon: Masasaklaw din. Hindi naman sila ibang bansa.

Q: Marami po ba kayong isinulong na ibang provisions na na-retain?

Drilon: Marami namang na-retained. Yung sinasabi nilang shared power, ang sabi ko magkakagulo lang. Ano ba talaga ang ibibigay nating kapangyarihan sa Bangsamoro, kaya ang ginawa para maiwaasan ang confusion sa huli ay nag-enumerate na lang ng powers na pwedeng ibigay sa Bangsamoro.

Q: Ang Pangulo pa rin ang commander in chief?

Drilon: Tama po iyan at ang PNP ay national in scope. Ang regional director ay nasa ilalim ng national director.

Q: Hangga't wala po yung anti-dynasty provision, yung mapaunlad ang Bangsamoro, diskumpyado po kayo?

Drilon: Tama po iyan.

Q: Ngayon po ira-ratify iyan sa opening ng session?

Drilon: Tama po iyan at wala namang masama roon. I will no interpose any objection kung matapos namin nang tama ang BBL. Sa katunayan, sa susunod na Martes titingnan namin finally yung clean draft at iisa-isahin namin ulit. We have July 17, 18, at 19, to still continue to refine it. It will be sent for ratification by both houses on July 23.

Q: On the issue of territory

Drilon: Sa akin, mas constitutionally-acceptable yung sa House version. Politically, the President said it is his preferred provision. Kaya both on political and constitutional grounds, sinusuportahan ko yun.

Q: Tiwala po kayo na makakalusot ito sa SC?

Drilon: Sa akin makakatayo ito. Sinabi ko kanina ang magiging sentro ng kaso diyan yung parliamentary system.

Q: Mayroon na po ba kayong kopya ng draft Constitution na isinusulong nina dating CJ Puno?

Drilon: Hindi pa po. Kahapon tumawag sa akin si SP Sotto at sinabing natanggap na nila. Ngunit ang sabi nga, maraming diskusyon rito. The cat is out of the bag, ika nga. Cha-cha is being pushed in order to postpone the election in 2019 (no-election), dahilan sa mga 84 congressmen ay hindi na pwedeng tumakbo dahilan sa term limit. Ang Cha-cha, ang purpose nito ay no-el. Bantanyan po natin. Yung elected officials can be replaced by the President after the term of officials expire by June 30, 2019. Kung walang halalan, anong mangyayari? Kaya lahat iyan ay i-appoint ng President dahilan sa walang holdover. Ang mainit na debate ay kung may holdover ba o wala, dito sa ating Saligang Batas, ang termino ng officials ay mag-expire sa June 30,2019. Kung i-postpone, anong mangyayari on July 1, 2019.

Q: So, mag-appoint?

Drilon: Mag-appoint iyan. Nangyari na po iyan doon sa ARMM, ako po yug nagsulong ng batas dahilan sa dapat ay i- synchronize yung election ng region with the national, kaya na postponed ang election. Ngayong habang nag-expire na yung term ng incumbent, nilagyan natin na mag-appoint ng interim ARMM governor, kaya si Gov. Hataman yung na-appoint. Ito po ay nadala sa SC at ang kapangyarihan ng pangulo na mag-appoint ng mga officials na nag-expire ay pwede po. Kaya iyan ay mag-appoint talaga ang Pangulo kung pagdating ng June 30, 2019, even senators at congressmen.

Q: Kayo po ang unang nagbulgar na itong Cha-cha ay pwedeng term extension. Anog yung pwedeng gawin para nga magkaroon ng term extension?

Drilon: Hindi po pwede na mawala ang election kung walang batas. Kaya ipipilit po iyan na magkaroon ng batas to postpone. Kung i-postpone iyan, on June 30, 2019, ang tanong, mag-expire ang termino, anong mangyayari? Kailangan ma-appoint.

Q: On Charter Change

Drilon: Unang-una, kailangan bang baguhin ang Saligang Batas ngayon. Sa survey, halos 7 sa 10 Pilipino ay ayaw nilang baguhin ang Saligang Batas, at dalawa lang sa 10 ang nagsabi na "oo, pwede nating baguhin"; ang isa ay hindi alam.

Sa tingin ng taumbayan, yug kahirapa, criminality, ekonommiya, ito muna ang dapat nating tugunan rather than amending the Constitution. Iyan po ay dapat nating tingnan. Noong March 2018, ang nagsasabi na huwag amyendahan ang Constitution ay 64% at ito ay tumaas ng 67% noong nakaraang buwan.

Q: On Cha-cha

Drilon: Ang unang tanong, magkakaroon kami ng hearing this July, ang tanong, ano ba ang ating pagdedebatehan? Unang-una, kailangan bang baguhin? Paano ba babaguhin? Is it through con-con or con-ass? Kung con-ass, dapat ba ay joint o separate voting?

Marami pa tayong dapat tingnan at pag-aralan nang husto. Sa ating survey na lumalabas, mas nakakarami, 7 out of 10, ang sinasabi na huwag nating baguhin ang Saligang Batas.

Q: Kahit itong si Sen. Lacson, na nagsabi ngayon under 1987 Constitution pwede yung devolution na gustong gawin sa Federalism?

Drilon: Tama po iyan. Dito po sa BBL, ang nagawa natin i-enumerate ang kapangyarihan na pwede, ay mga 60 items; pangalawa, 5% ng national taxes ang ibinibigay sa kanila in addition to IRA. Tama po ang sinasabi ni Sen. Lacson na kahit sa lilalim ng 1987 Constitution ang devolution ng kapangyarihan at salapi ay pwedeng gawin without changing the Constitution. Hindi ko alam kung ilan sa amin has fully appreciated Federalism. Halimbawa, in federalism you will rely less on the national government. Eh, paano po yung mga mahihirap na probinsiya? Sa pag-aaral ng iba, three regions lamang - ang NCR, Region 4 at Region 3. Yung tatlong regions na iyan ay may sapat na yaman in order to stand on their own. Maraming imponderables, ika nga.

Drilon: Mga pito sa bawat 10 Pilipino ang walang alam tungkol dito sa Pederalismo. Parang toothpaste ito, kapag nailabas na hindi na pwedeng ibalik.

Q: Possible po ba na ang isumiteng report ng komite ni Sen. Pangilinan ay walang pangangailangan sa Cha-cha?

Drilon: Depende po iyan kay Sen. Pangilinan at sa members ng komite. Ito po ba ay napag-usapan na komit.

Q: Sa July 25, magpapatawag daw po ng caucus si Sen. Sotto, itatanong kung dapat daw i-prioritize ang Cha-cha? Bilang dating Senate President, ano po yung advice n'yo?

Drilon: Sa akin, sundin natin ang sistema ng patakaran sa senado. Mayroon tayog komite. Marami na hearings ang ginawa ang komite - yung sa panahon ko mayroong dalawang hearingst at lima narito kay Sen. Pangilinan. Sa Miyerkules, magkakaroon din ng final hearing. Let the committee system work. Let the committee draft its report and route it to its member. At saka dahin sa plenaryo para pagdebatehan at kung hindi magkasundo sa plenaryo, siguro saka pa lang magkaroon ng caucus.

Q: Yung mga plano na no-el, i-cancel yung election, parang remote possibility?

Drilon: Mahirap sabihin ang possibility, kung possible o hindi dahilan sa supermajority (laughs). If we will be deliberate about it, dahilan ito'y hindi ordinaryong batas, na once every 30 years ire-revise, huwag nating madaliin dahil mayroon pang mga problema na kailangan nating bigyan ng pansin.

Q: May apela po si dating SP Nene Pimentel na huwag nang pag-usapan yung no-el para hindi matakot yung taumbayan na magraratipika nito?

Drilon: Alam mo, tama iyan. Inevitably, kung magkaroon ng certificate of filing of candidacy, ang term ay 6 years sa mga senador, three years sa congressmen at local officias. Kung matutuloy ang hahalalan, ang problema ng administrasyon ay, what will govern? Kaya ang ibig nilang gawin ay itulak itong federalism para ma-postpone ang election.

Q: Divisive daw po itong isinusulong na federal constitution?

Drilon: Ganoon talaga ang nature ng halalan at pagbabago ng Saligang Batas, ngunit tayo'y isang demokrasya, magkakahiwalay tayo sa halalan ngunit pagkatapons nito tayo'y isang bansa. It is divisive in the sense na sana po ay ibang issue ang ating pag-usapan kung saan nagkakaisa tayo. Halimbawa yung mga batas na magbibigay nang maayos na buhay sa ating kababayan.

Q: On the PNP's rejection of SP Sotto's request to allow Sen. De Lima to conduct hearings

Drilon: Ang pinagbasehan po ni Sen. Sotto ang treatment kay Sen. Trillanes when he was in detention, bakit ngayon hindi na pwede?

Q: Recently tinanggap na ni VP Robredo yug pagiging leader ng opposition at pagkatapos non ay sinabihan siyang incompetent ng Pangulo.

Drilon: Maaga pa pulitika na. I have deatt with her. Yung puso niya ay para sa mahirap, nandoon sa mga nasa laylayan ng ating bansa, kaya siya po ang most qualified to lead the nation kung sakali.

News Latest News Feed