Press Release
July 18, 2018

Sen. Angara's Statement on the BICAM-Approved BBL

Naniniwala po tayo na ang nilalaman ng BBL na aprubado ng bicam ay naaayon sa Saligang Batas. Ito ang natatanging hakbang para sa wakas ay magkaroon na ng katuparan ang layunin nating maresolba ang mga 'di pagkakaunawaan nang sa gayon ay umusad ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro region.

Umaasa tayo na sa sandaling mapagtibay ang panukalang ito ay masasaksihan na natin at mararamdaman na ng mga kababayan natin sa Mindanao ang tunay na kapayapaan at pag-unlad sa kanilang rehiyon na ilang dekada nang binabalot ng sigalot.

News Latest News Feed