Press Release
July 22, 2018

Sen. Bam's expectations from President Duterte's SONA (Transcript of media interview)

Inaasahan natin sa SONA babanggitin ng Presidente iyong mga solusyon ng gobyerno sa mga totoong problema ng taumbayan.

Matagal na nating tinutulak na kailangan na pong aksiyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ang patuloy na kahirapan ng ating mga kababayan.

Pupunta ako bukas para marinig kung ano ang mga gagawin ukol sa mga isyung ito. Sana naman, banggitin ang solusyon sa problemang ito ng ating mga kababayan.

Q: In particular ba senator, mayroon kayong susuutin or gagamitin, or issue or any kind of protest?

Sen. Bam: Wala naman, iyong usual na barong tagalog. Walang gimik bukas.

I think ang taumbayan pagod na rin sa gimik. Ang hinahanap nila ay solusyon sa mga totoong problema ng taumbayan.

Matagal ko nang sinasabi na ang pagsuspinde ng TRAIN Law, kailangan nang gawin. Ang pag-rollback ng buwis na nakapataw sa ating petroleum products, kailangan nang aksiyunan.

Ngayong July, tumaas na naman ang inflation natin. Lahat ng ginagawa ng gobyerno upang itigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin, walang gumagana, kung mayroon man silang ginagawa talaga o hindi.

Ang taumbayan natin, ito ang pangunahin na gustong marinig. Kung paano iibsan itong mga problema ng ating kababayan, especially iyong mahihirap nating kababayan.

Sana, ito ang bigyang pansin ng ating Presidente at bigyang pansin ng ating gobyerno.

News Latest News Feed