Press Release
July 23, 2018

AMBUSH INTERVIEW | NO-EL | HOUSE LEADERSHIP CHANGE | SENATE OF THE PHILIPPINES

(start of recording)

SEN WIN: I think, first of all, yung pino-propose ni Speaker Alvarez na 'no-el' (no election) created a lot of controversies and a lot of doubts in the minds of the legislators. I think, nagkaroon talaga iyon ng hindi magandang epekto kaya ngayon ay may mga pag-uusap na pagpapalit ng liderato. Q: So sa tingin niyo po ba Sir, matitigil na ang issue about no election sa change ng House leadership?

SEN WIN: I think kapag napalitan ang leadership ng House, yung pag-uusap ng 'no-el' ay matitigil na rin.

Q: Do you think Sir, masi-stir papuntang economic direction knowing who GMA is? SEN WIN: Well, lumabas ngayon sa Pulse Asia Survey na top three concerns ng ating mga kababayan na gustong i-address ng administrasyon ay economically related-ang pagtaas ng presyo, pagdami ng trabaho, so ang sinasabi ngayon ng taong-bayan, tapos na ang war on drugs, war on poverty naman dahil ito ang nararamdaman naming. So kung si Congressman, former President GMA ang mauupo, being an economist, mabibigyan ng malaking focus ang ekonomiya rather than 'no-el'.

Q: So it's a good development just in case Sir?

SEN WIN: I think, yung 'no-el' ay bad development eh, so dapat talagang maalis sa isipan ng ating mga kababayan na ginagawa natin itong 'no-el' para mapahaba ang ating kapangyarihan. Hindi iyon tama, dahil ang kailangan ng ating mga kababayan ay labanan ang pagtaas ng presyo at dapat ay mas maraming trabaho.

Q: Are you also among those na ayaw ng charter change?

SEN WIN: I'm willing to listen, I'm willing to study it, mas magandang pag-usapan ito para mas matutunan nating mabuti pero hindi pwedeng madaliin dahil kung mamadaliin natin, maraming mga bagay na hindi natin mapag-uusapang mabuti. Importante na mapag-usapang mabuti, maintindihan ng ating mga kababayan dahil sila rin ang maaapektuhan nito, this is not about us-the Senators and the Congressmen, this is about the Filipino people kaya kailangang maintindihan nila kung ano ang pinag-uusapan na pagbobotohan na charter change.

(end of recording)

News Latest News Feed