Press Release
July 26, 2018

Ambush interview of Senator JV Ejercito

July 26, 2018

SJVEE- Well kasi unang-una yung rational kung bakit ako sumuporta dito, nung umabot ng isang daang milyon ang populasyon natin, naisip ko na marami naman dyan na may kakayanan, gusto ring maglingkod kaya lang talagang wala silang makinarya, wala silang pangalan, wala silang means para mahalal, kaya hindi sila makapag silbi. So, yun lang ang ano ko, I've always believe that the power with the economic or political should be share, wala dapat monopolyo yun ang rational.

Q- Sir san dapat mag simula ang pagbabago? Ilan per family?

SJVEE- Kung gagayahin yung sa SK Reform Law kasi po ako ang introduce dun, ng anti-political dynasty provision hanggang second degree, kaya nga sabi ko kung naging successful tayo dito sa SK Reform Law kasi first time itong anti-political dynasty na ma-apply into law under the SK Reform, so kung maging matagumpay tayo dito maging successful tayo dito, then we can pursue it to the bigger political spectrum. Hanggang second degree.

Q- Sir klaruhin ko lang, isa lang kada bawat pamilya ang dapat?

SJVEE- Well dun sa SK Reform Law within the same jurisdiction. Halimbawa, ikaw ay governor may isang governor tapos hindi ka pwedeng walang dapat tumakbo bilang official sa within the same district kung saan ka bumoboto, kasi you'll be exercising un due advantage kasi mag eexert ka nng influence bilang mayor or governor. So within the same dapat magkahiwalay kayo ng distrito.

Q- Sir ano yung sa bill niyo sa National?

SJVEE- Well yun ang mahirap talaga, kung baga saklaw naming lahat pero ayun dun sa batas basta magkaiba kayo ng distrito. Pero dito sa National ang pinag-iisipan natin kung pwedeng dalawa, kung pwedeng dalawa, compromised na hanggang dalawa. Like in our case siguro matatanong niyo na rin, halimbawa sa senado nagkaroon ng kami magkapatid, nagkaroon din ng magkapatid na cayetano, pamilya. Ang sa akin lang hindi naman dahil, ayoko naman sabihin dahil meron kaming hidwaan pero naisip ko lang sa dalawangpu't apat siguro naman dapat isa lang sa pamilya. Kasi parang hindi rin maganda tignan na dapat kami kinatawan o representative ng taong bayan hindi naman representative ng pamilya.

Q- Sir ilan po ang magkamag anak ang pwede sa national? Sa senado isa lang pwede parang ganun?

SJVEE- Oo dapat isa lang, ayon sa batas dapat pamilya ang dapat mag decide pero dapat isa lang.

Q- Pero yung dalawa applicable halimbawa isa Senator isa ibang position?

SJVEE- Ayan ang pag-uusapan pa, siguro yan yung detalyeng pag-uusapan pa. kasi dito s ask reform law nakinis na yan, as long na hindi magkapareho ng distrito, governor, congressman, mayor, so dito siguro dito natin ia-address yung issue pag national official ka, paano ang magiging sistema nito. Siguro yun pa ang pag uusapan pa.

Q- Sir anticipate ko na yung sasabihin ng iba. Parang, why are you pushing for this knowing you benefitted as well for being part of a political family?

SJVEE- well admittedly I come from a political family political dynasty, kaya lang nung umabot ng 100 milyon yung kamakaylan lang yan nung 2012, 2013 na umabot ng 100 milyon ang population natin, sa tingin ko ano lang, naging prinsipyo at paniniwala ko na we should share, we should give chance to others, kasi sabi ko sa 100 milyon siguro marami ang may kakayanan din, gusto ring maglingkod kaya lang walang pangalan, walang makinarya, walang means, so yun lang. hindi ako kasi naniniwala na dapat hindi mag monopolyo ang political family sa political dynasty sa mga position.

Q- Sir clarification lang, yung pagdating sa local wala pa kayong position kung ilan ang dapat ang nasa local kasi usually doon nagsasabay-sabay eh.

SJVEE- Ang naalala ko lang sa sk reform basta as long as na hindi kayo pareho ng distrito or ng locality kasi doon nagkakaroon ng, nakakapag exert ng, ayaw natin yung undue advantage, kasi kapag ikaw naka position halimbawa governor ka, mayor ka, may tumakbong konsehal or anything lower sympre pagkamag-anak mo pag pareho kayong distrito, pareho kayong probinsya meron kang advantage kasi magagamit mo yung position mo eh, so kung magka-iba kayo ng probinsya, magka-iba kayo ng distrito, or magka-ibang bayan yun ang mas papayagan pa. dito naman in our case kung bigger political spectrum na, lalo na sa national official ito siguro yung dapat pang pag-usapan kung ano yung magiging mechanics.

Q- Sir diba ano yun, sorry sir, I take your case na lang like for example, mom niyo is nasa local San Juan, kayo nasa national, father niyo is nasa Manila yung iba rin konsehal, hindi bs ganun din yun, you limit the opportunity, iba't ibang area nga lang?

SJVEE- In my area, as along as sabi ko nga kasi ang talagang nakaka exert ng talagang influence, halimbawa yung mga local officials, halimbawa governor ka or mayor ka, hawak na hawak mo yung distrito mo eh, pag may tumakbo pa siyang kamag-anak kung baga undue advantage sa kanya kasi naka upo ang isang kamag-anak. So yung sa national yun ang dapat nating pag-usapan pa, siguro pag nagtuloy pa ang hearing tungkol dito, kung ano yung mga pwedeng gawin para mga safe guides para hindi nga mag exert ng undue advantage.

Q- So okay lang kung magkaka-ibang lugar?

SJVEE- Oo kasi pagpareho, halimbawa governor ka, may tumakbong mayor na kamag-anak or board members or councillors may impluwensya ka kasi hawak mo lahat, iba eh, iba yung power ng local eh, ng local chief executives. As compared sa national official na kahit na kami po ay national official iba pa rin, iba pa rin yung control ng local chief executives sa mga lugar nila.

Q- Sir paano yu, yung nandito sa committee report na ini-insponsoran niyo eto na yun second degree? Affinity and consanguinity

SJVEE- Yes, hanggang second degree. Pero pag uusapan pa naman yan. Pero parang nagkakaroon ng compromised nag uusap usap doon, medyo matagal na eh, naudlot lang to kasi nung unang gumulong yan sa house meron pang isang compromised two at a time kaya nga tawag nila dynastwo pero we will explore again kung ano na po ang status dun sa house kasi parang this will be the first time in history na umabot ng, unang una na take up sa committee level umabot na ata sa plenary so probably at least kahit papaano parang first time na umusad sa ganitong level itong anti political dynasty. Historically, talagang under committee level lang ito ngayon umabot na sa plenary sa house.

Q- Sir tamang sabihin kasi sabi ni Senator Drilon parang very lightly na papasa ito sa senate within the year? Possible daw yun with the support ng mga kasama niya?

SJVEE- Well, palagay ko mas malaki ang chansa dito siguro sa Senado, sa house pero although you have to give it to them umabot na sila sa plenary sabi ko nga nun nandun ako, hinding hindi nga lumalagpas ng committee level yan eh, so atlis mukang nagkakaroon na, na oopen up na rin ng iba about idea. So ako kahit yung mga katulad kong political family, political dynasty kung baga open na rin sila, tinatanggap na rin nila, siguro yung compromised na lang kung saka-sakali talaga ang mga dapat na pag usapan kung hanggang saan.

Q- Sir may number ka kung ilan ang mga senador na supportive dito?

SJVEE- Sa ngayon wala pa, hindi ko pa alam pero by, in coming months dahil napag uusapan na rin ito, malaman natin sa usap-usapan malalaman naman natin

---

SJVEE- Mas sensitibo sa pulso ng taong bayan, kung ang anti-political dynasty suportado at susuportahan ng nakakarami in a survey. Very very sensitive karamihan sa Senador sa pulso, iso kung to'y supported ng marami ayon sa survey, palagay ko susuportahan ito ng marami talaga.

Q-

SJVEE- hindi pa naman, inaasahan ko rin yun, kasi baka isipin ng marami, na kaya mo lang ginagawa yan kasi ayaw mong mag sabay kayo ng kapatid mo. Hindi naman sa ganun, pero talagang nung umabot ng 100 milyon ang ating populasyon talagang naisip isip ko na marami ang gustong magsilbi, maraming may capability, may kakayanan, kaya lang walang pangalan hindi sila mahalal, so it's just a anti-political dynasty is giving opportunity, equal opportunity to everyone who wants to serve. Yun lang, siguro baka iba ang isipin ng iba, yun po ang paniniwala ko that's why I introduced sk reform law dati political dynasty provision filed into law, ako po ang nag introduce niyan. Sabi ko na lang kung maging maganda talaga ang feedback, maging maganda ang resulta then we can pursue it for a bigger political spectrum.

Q- Sir Bakit delikado pagka concentrated yung power ng isang pamilya sa isang LGU as supposed to hiwa-hiwalay likes in your position, yung meron sa senate, meron sa manila, meron sa san juan, anong pagkakaiba kung baga.

SJVEE- Well yung sakin unang-una, nabibigyan din natin ng chansa ang iba, nangyayari kapag ang LGU magkakamag-anak parang nagiging tingin ng tao tuloy parang public corporation na, so ang sa akin lang minsan mayor, vice-mayor magkakamag-anak, parang hindi fair, maganda pagbigyan naman natin yung ibang pamilya, hindi naman pwedeng i-monopolize natin ang kapangyarihan eh, hindi naman pwedeng sila lang ang may kakayanan, yun lang yung sakin na giving equal opportunity to everyone by pushing anti-political dynasty

News Latest News Feed