Press Release
July 31, 2018

Sen. Bam on jeepney modernization and 2019 elections
(Transcript of media interview)

Q: Napag-usapan po sa hearing kanina yung about sa jeepney modernization so ano po yung tingin niyo dun?

Sen. Bam: Kailangan kasi i-recompute ng gobyerno yung scheme na binibigay nila sa ating mga jeepney drivers at operators. Kung nacompute mo to ng maayos, makikita na masyadong mataas yung pang araw-araw na kailangang bayaran sa bagong sasakyan. Handa naman yung jeepney sector natin na mag modernize. In fact, gusto talaga nila yan. Ang hindi lang nila kaya ay masyadong mahal ang mga binibigay na option sakanila.

Ang request natin sa DOTR ay pakirecompute, habaan ang terms ng pagpapautang, at babaan ang interest rate para yung binabayaran ng jeepney drivers at operators ay katumbas ng kanilang boundary.

Kung gusto talaga natin magmodernize, kailangan magbigay ng isang scheme na kaayaaya sa kanilang hanapbuhay. Yung binibigay na scheme ngayon ay doble ng kanilang boundary, edi wala na silang kikitain dyan. Sa tinaas pa ng gasolina at diesel, ubos na ubos na ang kanilang kikitain.

Ang jeepney sector, handa naman silang magmodernize. Ang request lang nila ay huwag naman gawing imposible kasi mahihirapan talaga ang kanilang hanapbuhay. Right now, the ball is in the court of DOTR, irecompute nila at hanapan ng paraan upang itong bagong mga sasakyan at engine ay posible na bayaran ng ating jeepney drivers at operators. Iyon ang pinakamainam na solusyon kung gusto talaga nating magmodernize ang ating jeepney sector.

Q: May mga ibang senators na may fear na magkaroon ng dayaan sa 2019 elections. Ano po ang insights niyo doon?

Sen. Bam: Syempre ayaw natin ng dayaan. Nangyayari yan in many different ways. Mahalaga ang bawat eleksyon dahil kung ang ating eleksyon ay maayos, ang tiwala ng bayan ay nandyan. It's important na matuloy ang mga hearings natin at matukoy ang mga posibleng nangyayaring hindi maganda. Siguraduhin natin na yung nangyayaring eleksyon ay malinis. Syempre, kaming nasa oposisyon, natatakot kami dyan (sa dayaan) kasi dehado kami. But we are hoping that we can have a clean and credible election on 2019. At sana, matuloy ang eleksyon!

News Latest News Feed