Press Release
July 31, 2018

Transcript of Ambush Interview with Senate President Vicente Sotto III

Q: On the hearing on alleged irregularities in the 2016 elections

SPVS: Maraming inputs na nakuha tayo doon para sa Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation ni Senator Koko Pimentel. Marami rin tayong leksyon na natutunan pero hindi makukumpleto yun kung hindi pa rin magkakaroon ng technical working group at hanggang hindi sinasubmit nitong Commission on Electioms ang mga hinihingi namin.

Hopefully kung maisubmit nila in time for a technical working group to look over it, kung ano yung mga remedial measures na pwedeng gawin ng committee, para hindi na maulit yung mga doubts nung 2016 at dito sa 2019 at huwag na aag-aabot ng 2022, na meron pang mga doubts na ganun. Katulad nga ng nasabi ko sa kanila kanina, the operative word was "doubts," they keep on insisting na "doubts" lang daw, hindi pwede yun.

Ang eleksiyon, yun lang ang panahon dito sa bansa natin na pantay ang mahirap at mayaman sapagkat tigi-tig-isang boto lang lahat tayo. Pagkatapos ay magiging doubtful? We cannot afford any doubts when it comes to elections. Yun ang punto namin, so later on hopefully a technical working group would be able to flesh this out.

Pag sinubmit na ng Comelec yung mga hinihingi natin, then makikita natin talaga kung ano ang tama doon sa brining-up ko sa privilege speech ko because I am very sure na marami doon sa mga binanggit ko ay accurate. Ngayon, if you ask me kung ano ang assessment ko sa hearing kanina, parang either hindi sila handa - I am talking of both Comelec and Smartmatic - either hindi sila handa, hindi nila alam ang isasagot, or ayaw nilang sumagot. Ganun ang dating sa akin sa mga issues na nabring-up.

Q: Sir naestablish ba kanina na may doubts doon sa integrity ng 2016 elections?

SPVS: Oo, hindi masagot. Hindi mabigyan ng malinaw na explanation, lumalim lang lalo ang mga duda.

Q: On the possibility of presenting sources in the hearing

SPVS: Pag sinabi ni Senator Pimentel na dapat iharap, ihaharap namin. Kasi akala nila nung una, ang source ko si Atty. Glen Chong. Walang kinalaman si Atty Chong sa speeches ko. He was there to fortify. Ang nangyari nacomplement niya yung sinasabi ko at nabigyan ng layman's approach yung mga binanggit ko sa privilege speech ko.

Q: On the TRAIN 2 being proposed by the executive branch

SPVS: Kasi puro lang mga haka-haka ang naririnig natin sa TRAIN 2, mas marami tayong naririnig din na hindi magandang reaction hindi lang ng mga kababayan natin, kundi pati mga nasa business community, kesa doon sa TRAIN 1. So yung explanation doon sa TRAIN 2, hindi naman natin naririnig. Ngayon early this morning noong I was listening to the explanation of Undersecretary Karl Chua, malinaw na magiging beneficial ito baliktad doon sa maaaring effects nung ibang portions ng TRAIN 1 kasi marami ring mga provisions sa TRAIN 1 na makakabuti talaga, pero merong hindi maganda ang reaction at binibintang nga natin na part of the inflation was because of that.

Dito sa TRAIN 2, mukhang makikinabang talaga dito yung mga small and medium enterprises kaya malaking bagay ang maibaba ang binabayaran nilang taxes na mangyayari naman kaya mas malakas ang magiging negosyo nila. Mas malaki ang income nila. Yun namang rationalization ng tax incentives na binabanggit ng nakahiwalay na bill meron talaga doon sa loob ng TRAIN 2 at yung ilang daang bilyon na pinakikinabangan ng malalaking korporasyon na hindi naman naibibigay sa atin, sa bayan, sa coffers ng gobyerno, dito mairarationalize at maisasaayos dito sa TRAIN 2, yan ang dating sakin ngayon. So para magkaroon ng mas malinaw na pagdedebate at paguusupan, ifile ko sa Senate to. Ififile ko yung version bukas. Ireview ko lang ngayon ang tomorrow I will be meeting with Usec. Chua at pag malinaw na, I will file it tomorrow.

Q: (unclear)

SPVS: Hindi walang lumalapit sa akin, narinig ko lang talaga yung conversation nila ni Ted Failon. Eh maganda yung explanasyon, mukhang malinaw, sabi ko nga, ah aba kapag ganun mas beneficial pa ito.

Q: On the need for TRAIN 2, given the passing of TRAIN 1 already exists

SPVS: Hindi eh, yung TRAIN 1, nuong umpisa pa lang, meron nang talagang mga issues regarding doon sa parteng yoon kasi kailangan baiwiin yung ibinigay na campaign promise ng president na below P300,000 ang income per year ay wala nang babayarang income tax eh. Yun talaga ang main thrust ng TRAIN 1 eh kaya lang maraming kinabit para mabawi yun, diba?

Dito iba ang dating dito, dito malinaw na malinaw na dalawang mabigat na puntos ang natutuon sa provisions nila, so kapag nakita ko na yaan talaga ang kalalabasan niyan, I will file it tomorrow and that will give the chance to the Senate Committee on Ways and Means to (unclear) it at maeksplika mabuti hindi lang sa atin pati sa mga kababayan natin.

Q: On reports that the business community might move away from the country due to TRAIN 2

SPVS: Sabi lang yun, unang una kung kumikita ka dito, yung mga investment mo dito maganda naman dito, bakit ka aalis? Kumikita ka naman. Magkakaroon ngayon ng mga ibang players dito sa atin. Q: Confident ka naman po ba sa explanations ng DOF panel on the need for TRAIN 2?

SPVS: Palagay ko, naipaliwanag ng mabuti at malinaw na makita natin.

Q: On the NPC's role given the reorganization of the House leadership

SPVS: Sa ngayon I think they are still sorting it out kasi karamihan ng mga NPC ay sumapi sa bagong majority pero yung PDP-Laban, technically PDP-Laban pa rin yung leadership ng House. So unless there are movements in the very near future, siguro they will just have to flesh them out

Q: On the possibility of the Nationalist People's Coalition joining with the Hugpong ng Pagbabago of Davao Mayor Sarah Duterte

SPVS: Hindi namin napapagusapan sa NPC. Kasi the NPC is a national political party, I think regional party yung binabanggit ninyo.

Q: On the reports of Senator JV Ejercito considering joining NPC?

SPVS: Yes oo, nagusap na kami. Inaayos ko na yung schedule ng aming pagsusumpaan ninya. Baka isabay na namin si Lito.

Q: (unclear)

SPVS: Okay lang yan.

Q: Pero nagkaroon na po kayo ng initial na paguusap.

SPVS: Yes nagusap na kami initially. Si Senator Lito Lapid, also.

Q: Sir matagal na po kayo sa politika. What do you feel ang mangyayari sa PDP-Laban given the upcoming elections?

SPVS: It is a matter of consolidation. Kung magcoconsolidate yung real PDP-Laban members, magiging matibay pa rin ang partido nila. Kasi marami na kasing sumama pagkatapos manalo ni President Duterte, maraming sumama sa PDP-Laban sapagkat yan ang partido ng presidente. Pero marami din namang solid talaga doon, na talagang PDP-Laban nationwide. Kung magcoconsolidate lang yun, mananatili yun,

Q: Masyado po bang maaga yung mga problema given na wala pang midterm elections?

SPVS: Hindi naman. Sa totoo lang medyo expected na yan, kasi one year to go before the election eh. Sa mga nakaraang panahon, ganoon talaga eh one year before the elections, lumalakas ang alon. Depende yan, mahirap sagutin kung bakit.

Q: To clarify, ininvite niyo po ba si Senator Manny Pacquiao to NPC?

SPVS: Inimbita ko.

Q: Sir kalian po nangyari yung usapan sa Malaysia po ba?

SPVS: Hindi medyo matagal na yung usapan, mga a few months ago.

Q: Sino pa po ba yung nagcommit? Bukod po kay Senator JV Ejercito at Lito Lapid?

SPVS: Pwede pag-aaralan. Kapag sinabi ko naman na pwede, pwedeng hindi o pwedeng oo.

Q: Sir aside from Senator JV Ejercito and Lito Lapid, may nagcommit na po ba?

SPVS: Ayoko na muna banggitin yung iba kasi nakakahiya, hindi confirmed eh. Wag na, baka masubo eh maipit pa.

News Latest News Feed