Press Release
August 7, 2018

TRANSCRIPT OF INTERVIEW ON CHARTER CHANGE WITH DZMM'S TED FAILON

SEN. PANGILINAN: Well, tama po 'yan. In fact, labing-isang hearing na mula nung nagkaroon ng mga resolusyon dito sa Charter change ang mga Senador na naghain. Ang pinakahuli was just a week before the SONA. Humarap sa atin ang Puno committee. Nandoon si Chief Justice Puno. Tuloy-tuloy po ang ating mga hearing. We'll be scheduling a few more. So we are processing it. Pinag-aaralan po natin. At dapat ding maunawaan na nung mula nang tayo ay nag-umpisa, and 10 hearings after, saka lang lumabas ang isa pang draft proposal. And that was only two weeks ago or three weeks ago. Kaya hindi naman pupwedeng dalawang linggo lamang eh sasang-ayunan na ng senador o ng komite o tutulan itong napakahalagang dokumento so we still continue with our hearings. Nagkaroon ng Senate or Senators' caucus tungkol dito at napagkasunduan na hindi dapat minamadali ito at dapat iproseso nang maayos.

TED FAILON: Sir, definitely ho after the series of hearings, magbubuo tayo ng committee report. Ano ho ba ang aming inaasahan po na magiging laman dapat ng committee report tungkol dito?

SFNP: Well, apat na tanong kasi ang ating nilaan sa ating mga hearings. Una, dapat bang mag-Charter change? Kung ang sagot ay oo, paano? Charter change ba through con-con, constitutional convention, o charter change ba through con-ass? Tapos tinanong din natin kung kailangan baguhin ang Saligang Batas, ano dito ang kailangan baguhin? So lahat ng katanungan na iyan, dapat maisagot dito sa committee report na ito. So yun ang magiging laman po ng ating committee report.

Q: Sabi nga po ninyo hindi ito dapat minamadali kasi pinag-aaralan talaga nang masinsinan. Sir, I am tempted to ask you, pwede pong 'di ninyo sagutin. Pero ho kasi may mga kasamahan kayo in the Senate ho na naghayag na ng kanilang damdamin dito. One Senator said na 'cremation' ang naghihintay dito po sa cha-cha issue na ito in the Senate. Kayo po, Senator, ano po ang inyong damdamin tungkol po sa pag-shift natin from unitary-presidential to federal-presidential?

SFNP: Well, kaya nga kailangan nating mag-hearing pa eh kasi hindi maliwanag 'yung sagot eh. Tinanong natin paano popondohan ito. Binanggit ng isang eksperto, at least 55-billion para lang magkaroon ng federal states. Sweldo lang po 'yan. Eh 'yung TRAIN Law, kalahati nung TRAIN Law na nakolektang buwis, eh [INAUDIBLE] billion na eh. So ang tanong, magkakaroon ba ng dagdag na buwis dahil dito at ang sagot ng eksperto, eh wala silang ibang pagkukunan kundi umutang o kaya magkaroon ng dagdag na buwis para pondohan itong magiging halaga. So may paliwanag. Ang sagot nila, may mga regional offices na daw sa mga national government kaya hindi na ganoon kalaki ang halaga. Eh kinakailangan punuin natin ito dahil 'pag hindi maliwanag itong usapin kung saan natin kukinin ang panggastos sa federal states, eh baka magkaproblema ang ating ekonomiya. At 'yan ang ilan sa mga concerns natin. 'Pag hindi po nasagot 'yan, eh paano natin susuportahan ang pederalismo sa ganoong klaseng usapin?

Q: Well said, Sir. Sir, ang sabi po ni House Speaker Arroyo na sila po ay magpapasa ng resolusyon at doon ihahayag talaga na iginagalang nila 'yung separate voting sa isyung ito. What's your take on that, Sir?

SFNP: Well, maganda 'yan on paper. But we have to be vigilant. Kinakailangan maging mapagbantay din. What is to stop any congressman from going to the Supreme Court and questioning the voting separately resolution and telling na dapat voting (jointly) dahil sinasabi ng Saligang Batas, hindi naman sinabing jointly or separately. Sinabi lang, 3/4 of all members of Congress may propose amendments to the Constitution. So iyon ang concern namin. Kung ang batas lang eh kinakailangan separate ang voting, kahit na pagpapalit lang ng pangalan ng kalye eh mas lalo na 'pag Saligang Batas ang aamyendahin. Ang concern ko nga, what will stop any member of Congress to go to the Supreme Court and telling: "Hindi, hindi 'yan voting separately. Voting jointly 'yan. Kaya nga 200 plus congressmen, kahit na wala 'yung mga senador eh pupwede na." Eh 'yun ang mahihirapan tayo dahil sabi nga nila: "Eh wala na. Tapos na ang boksing pagka ganyan."

Q: Senador, ano po ba 'yung probisyon ng batas na assuming po na voting separately, sa Lower House po 290 members po sila doon, kayo po ay 23 ngayon. Ilan pong boto ang kinakailangan para sumang-ayon dito po sa con-ass na ito?

[LINE DISCONNECTED]

Q: Sir, assuming lang po na matulong 'yung con-ass voting separately, ilan po ang kinakailangang boto sa Upper Chamber, so 23 po kayo ngayon, ilan pong boto ang kinakailangan para magtagumpay po itong ipu-push na itong revision ng ating Saligang Batas?

SFNP: Well, ang ating interpretasyon kasi, at base sa interpretasyon ng ating constitutional commission, it has to be 3/4 of 24. Therefore, 18. You need 18 senators to agree sa mga proposed amendments para ito ay maisumite bilang tanong o proposed amendment sa isang plebesito.

Q: Ayun, ganoon po karaming senador ang kinakailangang bumoto pabor dito pong voting separately. Senador, sabi nga po ninyo, hindi kinakailangang madaliin, mag-hearing pa ho tayo dito, pakinggan pa ho ang lahat ng anggulo at kaisipan dito. Senator, ang filing po ng certificate of candidacy is Oktubre na at Mayo na po 'yung midterm election. 'Yun pong kaisipan, Senator, na kasi ang gobyerno ngayon ay gugugol ng pera ng bayan at panahon din po ng ating mga opisyales para po sa information dissemination na mag-federalism. Hindi ho kaya marapat na lamang na medyo maaga-agang sentensya dito sa punto ng, 'di ba, kung ano ang boto ng Lower House, ano ang boto ng Senado, para kinalaunan sentensyahan na 'to para we can move on kung ito ho ay, 'di ba?--para maaga din po. Kasi kung hindi ho papabor ang Senado dito, wala tayong plebesito na pag-uusapan, 'di ho ba? Wala. Walang plebesito. Tama po, Senador?

SFNP: Yes, walang plebesito bago ng May 2019. Pwede namang mag-plebesito ng May 2020. Bakit naman kinakailangan bago mag-eleksyon? 'Yun ang ilan sa mga nalikom din natin na mga punto de bista. Kasi sampung buwan na lang eh. Tapos isasabay daw sa eleksyon. So habang pinipili natin 'yung mga kandidato para sa senador, para sa Congress, para sa gobernador, mayor, itinatalakay din natin ang charter change. Paano natin mapapalalim ang unawa at pasya ng ating mga botante kung minamadali at kinakailangan isabay sa eleksyon. This is really very, very difficult considering na napakahalaga. Biro mo, base doon sa proposal na draft federal Constitution, wala nang probinsya. 'Yung federal states base doon sa hearing, ang federal states pwedeng mag-abolish ng mga munisipyo at pwedeng mag-create ng mga munisipyo. Tapos ganoon? Magulo eh. Ibig sabihin wala na lahat nung probinsya. Lahat ng probinsya ma-aabsorb na ng bawat states. Ah, teka muna, ito ba ay gusto ng taumbayan? Eh 'pag minamadali natin sa loob ng sampung buwan, paano tayo magkakaroon ng maliwanag na pag-unawa dito sa mga masalimuot na mga probisyon na ito?

Q: ...Ito lang po naisip ko, kaso kung ito ho naman ay hindi papasa sa kasalukuyang Senado, sa komposisyon ngayon ng Senado, hindi kaya maaga na dapat sentensyahan niyo na po ito by way of a resolution saying na hindi kayo magko-con-ass, hindi kayo papayag dito para po matigil na po itong usapin na ito and we can move on sa ilan pang mga problema ng bayan?

SFNP: Well, may punto 'yun, 'no? Dapat magandang magkaroon na ng position ang Senate. Pero, 'yun na nga eh. We are concerned really and I think, you are right, siguro dapat by October may position na tayo dito or earlier dahil kung talagang gahol na sa panahon, in fact, ang isang mungkahi eh dahil napakasalimuot kung saan kukunin ang funding? May buwis ba na dagdag ito? May apat na panibagong Supreme Court-etc. Baka siguro dapat constitutional convention na lamang dahil kung decision 'yan, ay hindi pupwedeng though con-ass. Magkaroon na lang tayo ng con-con, ang taumbayan pa ang mamimili kung sino 'yung gusto nilang kandidato, kung sino ang kanilang delegado sa constitutional convention, maidedebate pa nang husto 'yung mga mungkahi para sa pagbabago ng Saligang Batas, eh 'di mas maayos. There is greater participation. May punto iyon. Kung ganoon din lang eh baka mas mainam, the committee wraps up its findings, its recommendations, and take it from there. Bukas naman tayo riyan. In fact, we were looking for another two or three more hearings before we do that. Tutal, 'yun na nga mag-o-October na.

Q: Oo nga po, kasi nga po din 'yung pagod lahat, gastos lahat tapos sa bandang huli, hindi nga po ito makausad doon sa con-ass pa lang po, ano? 'Yun din po ang aking iniisip po dito. Well, anyway, sige po. Salamat po sa inyong panahon at talagang itong bagay na ito kinakailangan pong ngayon pa lang din po, pag-usapan na para at least anuman po ang maging damdamin, kasi po may mga survey na po na inilalabas, SWS, Pulse Asia, sa damdamin ng taumbayan para po at least kayo po ay makapagdesisyon hango din po sa pulso ng bayan.

SFNP: That is right. Sige, makakaasa po sila at talagang kasama po 'yan sa ating committee report itong mga findings ng polling firms sa sentimyento ng ating mga kababayan sa Charter Change.

Q: Salamat po, Senador. Mabuhay po kayo. Thank you.

SFNP: Maraming salamat at magandang umaga po sa kanilang lahat.

News Latest News Feed