Press Release
August 16, 2018

Sen. Bam on the 1st death anniversary of Kian delos Santos

Mabagal ang galaw ng hustisya para kay Kian at wala pa ring katarungan para sa libu-libong mahihirap na Pilipino na patuloy na pinapatay ng mga Death Squad.

Ilan pa ba ang kailangang mapaslang bago natin makita na ang lipunang dumadanak ang dugo ng mahihirap ay puno lang ng pagdurusa at hindi makalilikha ng maliwanag na bukas?

Huwag sana tayong maging manhid sa patayan at karahasan na nangyayari sa ating mga lansangan.

Matuto tayo mula sa kabataang Pilipino na pursigido sa bawat hamon at hindi nawawalan ng pagmamahal sa kapwa. Kapit lang! Ituloy natin ang laban.

News Latest News Feed