Press Release
September 10, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: Hindi ibinigay ang findings sa naging analysis doon sa Singapore do'n sa data recording?

Sen. Grace Poe: Para sa akin, at least malinaw naman na sinabi nila na kailangan nilang kausapin ang piloto mismo ng Xiamen Airlines, pati ang gumawa ng eroplano na 'yon. Kasi talaga namang ang mga bagay na 'yan dapat kino-konsidera rin. Malinaw naman ang sinabi natin do'n sa CAAP na kailangan nilang ibigay ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa lalong madaling panahon. Ngayon, ito ang mga importanteng bagay: unang-una, na ang Xiamen ay magbabayad. Tumaas na, hindi lang P33 million, nasa P70 plus million na ang kanilang multa dito. Pangalawa, kailangan din nating pagusapan na dito kung ano na ang dapat gawin ng airport para kung saka-sakaling may mangyaring ganito--at sana wag naman--na hindi na maulit ang paghihirap ng mga pasahero.

Unang-una, sabi ko dapat ang crisis management team nila ay magtipon-tipon kaagad kasama ang mga airline representatives kapag may nangyaring ganito. Ang mga airlines, naipapangako natin na magbibigay ng tamang abiso sa mga pasahero kung hindi matutuloy ang mga flights at magbibigay ng pagkain at danyos. Importante na 'yan ay natalakay natin at sila mismo ay nagbigay ng kanilang commitment dito.

Q: Kino-consider ni'yo ba na mag-conduct ng executive briefing or session?

Poe: Hinihintay natin na dumating ang international counterpart nitong kailangan nilang imbestigahan, meaning, ang representative ng Boeing at ang piloto na nagpalipad ng eroplano na 'yun. Tapos, do'n sa kanilang findings, hindi nila maisisiwalat muna sa publiko ito dahil sa international protocols kasi alam mo naman kailangan din tayo ay compliant dito kasi ang ibang airlines ay baka mag-hesitate rin. So kung kinakailangan, ipapatawag natin sila para sa isang executive meeting kasi na-adjourn na itong hearing na ito dahil kailangan na nating magbigay ng rekomendasyon sa committee report.

Q: So last na 'yan?

Poe: Last na ito for this. Tapos committee report na.

Q: Ito na ba ang nakikita niyo na recommendations?

Poe: Siyempre, kailangang pumirma muna ang ibang miyembro ng committee. Ito ang mga nakita natin, oo, may pagkukulang ang mga airlines at ang airport management dito. Malaki ang pagkukulang nila. Marami ang naperhuwisyo, pero sa ating committee report ilalagay natin ang rekomendasyon na unang-una inamin naman din ng General Manager ng airport na may mga bagay na hindi nila nagawa na dapat nilang nagawa. Importante naman ay naging tapat sila doon; hindi nila na-convene kaagad ang crisis management team na kasama ang mga airline representatives kaya nagkagulo-gulo ng coordination; number two, ang mga contractor na dapat nagtanggal ng eroplano na 'yon ay medyo matagal bago sila nagpunta doon; number three, ang uncoordinated flights. Ilalagay natin lahat 'yan sa committee report. Pero moving forward, ilalagay din natin sa committee report ang magandang naging diskusyon natin sa airport modernization. Ngayon malinaw na sa atin dahil ang maganda dito ay nag-attend ang Secretary of Finance at sinasabi niya na ito ang mga bagay-bagay na dapat i-konsidera at sinabi ng DOTr Secretary na by December mayroon na silang desisyon sa: number one, sa Bulacan airport at number two, sa consortium na magrerehabilitate ng NAIA. Malaking bagay po 'yan kasi doon sa Bulacan airport pa lamang po ay ilang milyong pasahero ang madadagdag na mas makakagaan sa ating mga pasahero. Ang rehabilitation po, until 65 million passengers po ang magiging capacity ng NAIA, so malaking bagay. Hindi na siguro magsisiksikan doon sa mga terminals.

Q: So wala nang mga delayed flight?

Poe: Hindi naman natin masasabing walang delays pero at least may pag-asa na maging maayos.

Q: Ma'am ang P72 million, 'yun ay sa MIAA lang, may separate pa bang sisingilin ang CAAP?

Poe: Sabi ng CAAP maaaring may makita pa silang ibang mga penalties pero sa ngayon 'yun ang nakikita nila. Pero hindi pa kasama do'n--'yun ay sa airport pa lamang. 'Yung CAAP, iba pang penalty 'yun. At saka alam ni'yo 'yung 60 plus ang coordinated flights, at least 30 plus ng mga uncoordinated flights na 'yon, magbabayad ang mga airlines ng P5,000 per passenger seat na multa for the uncoordinated flights which will be an additional revenue of a little less than P40 million.

Q: May suggestion kayo na gamitin 'yun for passenger facilities, may commitment ba?

Poe: Sabi ko kay GM Monreal na ang perang kinikita ng airport ay dapat maramdaman din naman ng pasahero na bumabalik sa kanila. Hindi puwedeng dapat revert lang lahat sa national treasury 'di ba? Kasi ang gobyerno, hindi naman dapat kumikita talaga dito. Dapat ang gobyerno ay nagbibigay ng serbisyo. That's paramount. Sabi naman niya, tumatango-tango siya. But I know that the responsibility of that, in terms of feeding the passengers if there's a delay, really rests on the shoulders of the airline operators.

Q: On Senator Trillanes

Poe: Alam mo tama rin naman at ako'y nagpapasalamat at sinusuportahan ko ang liderato ng ating Senate President. Dapat naman talaga ay patas rin sa batas 'di ba? Mabuti naman ang ating Pangulo ay nagbigay ng pronouncement. Intayin natin ang desisyon ng korte pero siyempre para sa akin nakakagulat din naman ang padalos-dalos na desisyon na pupunta dito ng wala naman ding warrant 'di ba, noong umpisa. Tama rin naman ang sinabi ng ating Senate President.

Q: Pabor ba kayo na nag-set ng guidelines na bawal na muna dito ang pag-conduct ng misa, 'yung pagpunta ng mga supporters kasi nga medyo nakakagulo?

Poe: Nando'n naman sila sa labas 'di ba? Siyempre, 'yun nga ang sinasabi ko--patas kung ano ang papayagan mo sa isa. Ano ba ang makakayanan ng Senate pagdating sa operations? Siyempre 'yun ang desisyon ng Senate President. Basta malaya ang pamamahayag. Marami naman talaga tayong mga pinapayagan na mga gano'n. Pero siyempre, bilang kasamahan, ako'y nakikisimpatiya rin naman dahil hindi naman porke't nagdesisyon ang isa--wala namang final decision ang korte tapos gano'n.

Q: How do you assess ang nangyayari kay Senator Trillanes? What is your take on it?

Poe: My take on it is it's a bigger test, also for our due process, democracy and institutions. It's important that there should be independence in the three branches of government and I think that it's right for the Senate President to be able to assert the dignity also of the Senate. On a personal level, siyempre kasamahan mo 'yan, kahit papaano, nakikisimpatiya ka. Buti na lang sinabi ng Pangulo na intayin natin ang Korte dahil talaga namang dapat gano'n ang proseso sa demokrasiya.

Q: Pero sobra na bang napo-politicize ma'am?

Poe: Oo, kasi 'yun nga, simbolo siya ng kung ano ang nangyayari sa ating bansa 'di ba, so kung ano ang makikitang magiging hakbang sa kanya, lahat 'yan ay magkakaroon ng epekto sa ating pamamalakad. Unang-una, kung nagkaroon ng desisyon sa kanyang amnesty, hindi lang naman siya ang apektado, lahat ng nabigyan ng amnesty ay gano'n. Hindi lang sa coup d'etat kundi ang general amnesty 'di ba? Kung sino pa ang nabigyan ng amnesty, magkakaroon ng kuwestiyon tungkol sa genuineness ng mga dokumento na 'yon 'di ba. Baka later on balewala na ang epekto ng mga amnesty na gano'n.

News Latest News Feed