Press Release
September 12, 2018

Sen. Bam on NFA issue, high prices of goods and destabilization
(Transcript of Sen. Bam's television interview)

Q: Senador, there was so much suspense leading up to yesterday's interview, before the interview, what did you expect to happen? What did you expect that he would say?

Sen. Bam: I expected na bibigyang pansin niya ang dalawang pinakamahalagang isyu ng dating bayan, which is iyong presyo ng bigas at presyo ng bigas.Unfortunately, medyo kulang ang nabanggit diyan. Parang inin-suspense pa tayo kasi sinabing pag-uusapan pa daw ng economic managers. Para sa akin, ito ang pangunahing isyu na kailangang tugunan. To be honest, I was hoping na sasabihin niya na ipo-postpone na niya ang pagtaas ng buwis ngayong Enero, which of course, we started to call on a few months ago, and lately mas dumadami na rin ang lumalabas at nagsasabi na kailangan nang i-suspend ang pagtaas ng buwis ngayong Enero.

Q: Instead of inflation, ang pinag-usapan mostly ay destabilization, iyong opposition, na sinasabi raw nila na may sabwatan na ngayon. Dati kasi sinasabi lang ay is just the Liberal Party. Ngayon may sabwatan na ang Liberal Party, the opposition, iyong critics, Magdalo at even the Communist Party of the Philippines.

Sen. Bam: Alam mo, hindi na ito bago. Matagal nang sinasabi na may sabwatan, may destabilization. As we've said early on, ang pinaka-pinagsasabwatan namin ngayon, ang problema ng mga tao pagdating sa ekonomiya, pagdating sa bigas, pagdating sa pagtaas ng presyo ng bilihin. People come up to me and said, Sen. Bam, ano magpi-people power na ba tayo. Sabi ko, hindi ho, that's extra-constitutional, at kapag gagawin natin iyan, baka mas magkagulo ang bayan natin. I always tell people, palapit na ang eleksiyon, let's vote in more members of the opposition.

Ipakita natin iyong galit natin, ipakita natin ang pagpoprotesta natin, sa eleksiyon po natin ito gagawin. Hindi na po ito bago, tuwing may problema ang adminstrasyon, ang tinuturo lagi ay oposisyon. Itong destab, late 2016, nagsimula na iyong ganitong klaseng usapin. If you remember, dahil sa destab, kaya natanggal si Vice President Robredo sa Gabinete. Natawag pa akong terorista ni former Sec. Aguirre noong nagkaroon ng Marawi. Every time na may matinding problema ang administrasyon, imbes na hinaharap ang problema, tinuturo ang ibang tao. Dalawang simple lang, Magdalo at komunista, iyan dalawang grupong iyan talagang magkaaway iyan. Hindi ko maisip na magsasama ang rightist at leftist, sa totoo lang.

When it comes to the opposition, ang totoong nangyayari, nagko-consolidate ang oposisyon. Pero hindi siya para maging destabilizing. Ginagawa iyan para magkaroon ng malakas na boses laban sa polisiya ng administrasyon na nakakasama sa mga tao. Ano iyong nakakagulo sa atin, iyong patuloy na pagtaas ng presyo, iyong pinipilahan mo ang NFA rice, iyan ang totoong destabilizing sa ating bansa. Iyan sana ang dapat binigyang tutok kahapon.

Q: For the record, walang call for people power, na pumunta sa kalsada, at least coming from the Liberal Party?

Sen. Bam: Well, pumunta sa kalsada para magprotesta, which of course, matagal na nating ginagawa sa ating bayan bilang isang demokratikong bansa. Pero iyong magpatalsik, o coup de etat, iyon po walang talagang ganyang klaseng pag-uusap. In fact, we've been very clear from the beginning. Kung mayroon tayong resistance o opposition, gawin natin siya through Constitution, gawin natin siya through Constitutional means. Again, iyong palapit po, in less than three weeks time, magpa-file na kami ng aming certificate of candidacy. Sana mailagay natin, kung talagang andiyan ang pagpo-protesta, ipakita natin siya sa election.

Q: Nagkaroon ba kayo ng conversation ni Sen. Trillanes in the last week at ano ang pinag-uusapan niyo?

Sen. Bam: Nakakaawa talaga si Sen. Trillanes. Kasi iyong basehan ng pagtanggal ng kanyang amnestiya, obvious naman na gawa-gawa lang. I guess this is the beauty of social media, within 30 minutes na lumabas ang proclamation, mayroon ka nang clip na nagbibigay siya ng application form at nanunumpa siya sa admission of guilt. Agad-agad, napalpal agad ang proklamasyon na iyon. The question now, and I guess ito rin ang nakikita nating pushback mula sa AFP at saka sa korte, itong proklamasyon na ito na mali naman talaga ang basehan, factually wrong at klaro iyong ebidensiya, may testimonya na mayroong application at panunumpa sa admission of guilt, magbubulag-bulagan ba ang mga institusyon na ito? Hindi.

So I think this is really why, makikita natin na hindi nangyari ang madaliang pag-aresto kay Sen. Trillanes kasi ang basehan ng proklamasyon nito, mayroon talagang problema.

Q: (Inaudible).... Ito nga ang ini-expect ng maraming tao, na pag-uusapan iiyong pagtaas ng presyo ng bilihin, pagtaas ng presyo ng bigas. Ngayon lang itong si Jason Aquino, sabi niya, gusto niya...

Sen. Bam: Thank you, salamat Lord na nangyari ito. Sana po palitan na siya.

Q: Is that enough?

Sen. Bam: It's a good start. Iyan po magandang simula. By the way, nagtawag tayo ng kanyang pagbitiw, March of 2018, ganun na po katagal na pinagbibitiw si NFA administrator Aquino dahil sa gross mismanagement. Noong Marso, nag-hearing diyan sa agri, 18 months iyon na pinayagang ma-deplete ang buffer ng NFA. Nawala ang NFA sa merkado. In Zamboanga, I was there last week, pinag-uusapan namin iyong biglang tumaas sa P70 plus per kilo ng commercial rice. Nangyari iyon, dahil five months walang NFA sa kanilang palengke. Kapag wala kang NFA sa palengke, tataas talaga ang presyo ng commercial rice. Kung gusto nating bumaba ang presyo ng commercial rice, kailangang may presensya ng NFA rice sa merkado.

Ano nangyari? Nag-import pero di naman ito na-distribute nang maayos kaya nagka-bukbok. Nandito na sa ating bansa ang bigas, di naman ito naibahagi nang maayos. Clearly, from the time na pinayagang mawala yung buffer stock 'til the time na nag-import at hindi naman na-distribute, may gross mismanagement talaga na nangyari. Ngayon, panahon na na maglagay ng mga tao na kaya gawin ang trabaho nila. Kung kaya nilang gawin ang trabaho nila, makikita natin na magkaka-prisensya ang NFA at bababa ang presyo ng commercial rice. Then you'll see a correction in two to three months. It's very important na maglagay tayo ng mga taong may kakayanan dun sa trabahong kailangang gawin sa bigas.

Q: Sabi mo "it's a start", ano ang iba pang pwedeng gawin ng administrasyon na tugon para hindi naman masyadong umaray ang tao?

Sen. Bam: Dun muna tayo sa issue ng bigas, wala ka namang nakitang krisis in the previous 6 or 7 years. There have been times in our country na naging maayos naman yung patakaran ng NFA. There have been times in our country na ok naman na hindi ka pumipila at hindi ka nira-rasyunan ng NFA rice. We just need to go back to a situation kung saan ang mga tao ay ginagawa yung trabaho nila. That's really the most basic thing - ang pinaka-simpleng sagot sa problemang ito. Pinayagan ng liderato na magkanda-leche-leche tong NFA: bumaba ang buffer stock ng zero days, nag-import na at hindi naman mag-agree kung paano at kanino mag-iimport, eventually napilitan mag-import pero di naman ma-distribute. We just need to go back to a situation na maglagay ng tao na kayang gawin ang trabaho nila. Slowly, but surely, we will get to a situation, gaya ng mga nakaraang taon, na may presensya ang NFA rice at bababa ang presyo ng commercial rice.

Q: Kanina sabi mo that you are expecting the president to propose or order a price freeze or price control. Kailangan ba ng national emergency or declaration of that sort?

Sen. Bam: I'm hoping na babalik tayo dun sa corrections natin sa Train Law. The basic correction we need to see is nung tinaas ang buwis sa diesel, gasolina, at kerosina, nagdomino effect ito sa iba't ibang produkto sa merkado. Lahat ng produkto sa merkado, may epekto dyan ang diesel at gasolina. Now, ano ang hinaharap ng taong bayan? In a few months, pagpatak ng January 1, 2019, magtataas nanaman po ng diesel at gasolina. This is part of the 2nd round of Train 1 na akala ng mga tao iyan ang Train 2. Hindi pa iyan yung Train 2, ibang usapin pa yun. This is still part of Train 1. Three round iyan ng pagtaas sa presyo. Sabi ko, baka second round pa lang, knock-out na ang taumbayan dahil dito.

Q: Nasaang round na tayo ngayon?

Sen. Bam: We did the first one in January 1, 2018. The second round is coming January 1, 2019.

Q: So may 3rd round pa ng pagtaas?

Sen. Bam: Yes, in 2020.

Q: Tapos may Train 2 pa na nakapasa na sa Kamara?

Sen. Bam: Naiiba pa ang pinag-uusapan ng Train 2. Itong pagtaas noong January 2018, nakita natin ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakatindi talaga. Yung magsasaka sabi sa amin noon, "Senator, yung fertlizer namin dati 750-800php pero ngayon 1,100-1,200php na." Yung maggu-gulay naman, "Nabubulok na po ang gulay namin kasi walang bumibili ng gulay." Kahit ang mangingisda, ang taas na rin ng kanyang benta dahil wala na syang mahuli at ang mahal na ng kanyang expenses. Ang laki ng epekto nito sa taumbayan. Ano ang pwede nating gawin? Unang-una pwede nating isuspend ang pagtaas ngayong Enero. Kung aminado tayo na ang inflation ay matinding problema ng ating bayan, bakit tayo gagawa ng isang bagay na magpapataas pa lalo ng inflation at magpapataas pa ng presyo ng bilihin. Malapit na ang Enero kaya kailangan na tayong magdesisyon tungkol dito. Pangalawa, yung tinaas ngayong taon, kahit sabihin mo na yung bulk niyan ay mula sa world market prices na pagtaas, dinagdagan mo pa rin dahil sa Train Law. Ang dinagdag na iyan ay nakatulong pa rin yan sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Kailangan rin talagang bawiin ang 2018 increase. This is the Bawas Presyo Bill na hinain natin at kailangan natin ng suporta ng taumbayan na suportahan ang panawagan na huwag nang itaas ang buwis ngayong Enero at i-rollback ang lahat ng buwis na idinagdag sa diesel at gasolina ngayong 2018.

Q: Maraming salamat sa inyo, Sen. Bam.

News Latest News Feed