Press Release
October 8, 2018

Recto transcript on PUV modernization hearing

Hearing on PUV modernization chaired by Senator Grace Poe

8 October 2018

Senator Recto : Ito (PUV modernization) napag-usapan noong nakaraang budget hearings last year. Ilang taon na ba natin pinaplano itong modernization?

LTFRB Delgra: 2017 po iyon, sir. Ang target natin in 3 yrs ay lahat ma-modernize natin. Of course there are challenges but yun po ang target natin.

Senator Recto: So napag-usapan natin noong 2017 at sinabi natin noong panahon na yon na mahirap pilitin ang lahat. Tama? At palagay ko lahat ng taong nandito ngayon ay naabala. Meron bang sangayon dito sa kwartong ito sa mga panukala ngayon ng DOTR?

Audience: Wala!

SENATOR RECTO: Not a single one. At bakit kaya? Dahil sapilitan at di maliwanag na napag-isipan. Una, ang pagka-alam natin dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina at spare parts, pagbagsak ng piso, tumataas ang costs ng lahat ng jeepney drivers and owners. At laging ang problema ay ang kabagalan ng LTFRB na magtaas ng presyo ng pamasahe. Laging huli.

Pangalawa, itong jeepney modernization program, matinding gastos yan. Pinipilit natin silang bumili ng mas mahal na sasakyan na di naman nila kayang bayaran. At may subsidy na P80,000 na napakaliit kumpara sa presyo (P1.8 million).

Delgra: We try naman po to explain, nakikipag ugnayan po sa kanila. Alam naman po nating di ito magagawa ng 1 araw o 1 taon. Talagang tinatanggap namin na kailangang pakinggan ang kanilang hinaing. Yung tungkol sa UV tinitingnan namin na baka pwedeng maging ligal na rin yung mga kolorum. Ginagawan natin ng paraan yon.

SENATOR RECTO: Sigurado kung tataas ang cost nila dahil sa bagong sasakyan, tataas rin ang presyo. Ipapasa mo rin yan sa mananakay. Bakit hindi na lang gawing voluntarily? Bakit kailangang sapilitan? Dun sa may gustong mag modernze ng fleet, may programa kayo, pwede nyo gawin iyon and let the market decide. Kesa sapilitan, mandato. Bakit hindi pwedeng voluntary? Tingnan natin kung saan sasakay ang mga tao. Tao ang papiliin natin kung gusto nyang sa electric vehicle sumakay dahil malinis sa kapaligiran. Willing ba syang magbayad ng mas mataas? May option iyung mananakay.

Delgra: yung 3 taon pong transition period dyan po sana natin makikita yung nais ng mga pasahero.

SENATOR RECTO: Hindi. Ang transition period (nyo) sapilitan pa rin yon. Gagawin natin sa 3 taon. Bakit hindi na lang, halimbawa, introduce it na lang in areas na gusto nila. Merong mag-i-invest, halimbawa. Let them compete.

Delgra: Hihingi rin po kami ng tulong sa inyo because may mga panukala tulad ng Clean Air Act na kailangang maging epektibo ngayong taon.

SENATOR RECTO: Iba naman yon. Standard yon. Ang trabaho nyo is to provide the standard at yung makakapasa don, di kailangang electric vehicle, basta pumasa sa emission test, walang problema. Ngayon ang pinipilit nyo ay electric vehicle.

Delgra: Hindi naman ho. Actually totoo yung nararanasan nyong pagkakaintindi kasi marami sa ating kababayan hindi nakikita yung standards dapat ng modern jeep.

SENATOR RECTO: Ang tanong ko ganito: meron na ba ngayong prangkisa na inisyuhan nyo sa bagong sasakyan, whether electric or hindi? (Yes.) Meron naman. Ilan bang ruta meron tayo nationwide?

Delgra: I think we need to ... kailangang himay-himay ang prangkisa kasi karamihan don sa mga prangkisa...

SENATOR RECTO: So hindi nyo alam ilang ang ruta ngayon?

Delgra: Alam namin. Sa franchises umaabot sya ng close to 160,000. But a number of these franchises run the same route. Since the question is about the routes, pwede namin kunin yan from the database...

SENATOR RECTO: So until now di ninyo alam. Simpleng tanong lang yon. Give me a rough estimate. 10,000 ruta ba yan?

Delgra: Could be more.

SENATOR RECTO: 100,000?

Delgra: Less.

SENATOR RECTO: So ilan na ngayong ruta ang may sinasabi na nyong eletric vehicle o euro 4?

Delgra: I think we need to distinguish that from the initial implementations that we are giving out franchise under this program, from the existing po. Kasi po there are 2 components...

SENATOR RECTO: Ang tanong ko ilan iyung ruta ngayon that you introduced these new vehicles?

Delgra: Kasi these are two separate data e. The data that we are saying about the franchise that we have awarded is under the modernization program. It does not form part of the number of routes that you are asking.

SENATOR RECTO: Sa madaling salita, ilang ruta ang merong bagong sasakyan na sinasabi nyo?

Delgra: Eto po - 29 routes covering 1,041 vehicles.

SENATOR RECTO: So 29 routes. San sumasakay ang mga tao? Dun sa 29 routes na yon meron ding luma (vehicles) o puro bago lang?

Delgra: Meron.

Senator Recto: E di hayaan nyong pumili ang mga tao kung saan sasakay. Yun ang puntos ko. Gusto ko lang malaman kung sa bago nyong in-introduce, namamatay ba yung isa, nabubuhay yung isa. Dun kayo mag concentrate sa tingin ko. Let the market forces determine. Kesa sapilitan, gawin nyong voluntary. At matira matibay ang mangyari. Halimbawa, di naman natin inisip itong Uber at Grab. Pumasok na lang iyan. Merkado ang nag determine nyan. Willing silang magbayad ng mas mahal kung kinakailangan. Tama? E ba't di ganon din ang gawin natin sa jeepney? Hayaan natin na yung market ang magdetermine, kesa sapilitan.

Yan ang problema sa pag-iisip ng gobyerno. Lahat sapilitan. Standard pwede. Certain regulation pwede. Pero kung sabay-sabay nyo gagawin lahat iyan, ang timing pa natin ngayon napakasama - mataas ang inflation rate, mataas ang langis, hindi naia-adjust yung presyo - then you will introduce something new again. Sinasabay-sabay nyo. Kailangan mag corporation, kailangan mag cooperative. Sapilitan lahat, kung hindi tatanggalan namin ng prangkisa. Laging sapilitan. So why not do it market-oriented? Introduce it and let the public decide kung saan sila sasakay. Wag pipilitin. Yung mga may kaya at gusto nila ng ganon, pabayaan nyo.

Lizada: After having heard the transport leaders before and after hearing Senator Bam na may proposal syang 5 yrs transition, while the board is complete here, I am suggesting that we finish the route rat(ionalization) first and then for those who would like to drop and substitute on existing routes, in line with what you are saying, sir, go ahead and drop and substitute. Pag nandyan na ho ang route rat, then we comply with your transition kuwan ninyo. So at least the public can see ano yung hitsura ng jeep na modernized na magaan at hindi mabigat sa operators.

SENATOR RECTO: And finally, ang challenge dito ay pabawasin din ang presyo. Maraming panukala dito sa Senado. In fact, in previous congress naipasa natin yan, hindi lang nag Bicam dahil tinigil ng executive - yung electric vehicle act. Halimbawa, gawin nating wala ng franchise fee pag itong sasakyan ang gagamitin. Hindi sapilitan; may insentibo. Pag ginawa ito locally, walang excise tax, walang vat. Maraming pwedeng gawin. Una kayo sa prangkisa, pag ganito ang sasakyan mo, libre na ang parking sa MOA. Mga ganon. Mag isip tayo ng insentibo para mabawasan ang presyo. That way pwedeng bilin ng merkado.

Itong bagong excise tax on vehicles pag electric zero ang excise tax, pag hybrid 50% cheaper. E di ganon din ang gawin natin sa mga jeeps at bus. Gawa tayo ng incentives para mabawasan ang presyo. Dun sa P1.6 M, kung tatanggalin mo lahat iyon (taxes), magkano ang ibababa ng presyo ((ng modernized PUV)? Iyan ang pag-aralan ng DOTR. Mag usap kayo ng DOF. Kasi may mga ganyang panukala na dito. Iyan ang tingnan nyo para mabawasan ang presyo ng sasakyan.

News Latest News Feed