Press Release
October 16, 2018

Transcript of Sen. Nancy Binay interview
16 October 2018
Senate

Question: So ma'am ang sabi ninyo pagdating ni former VP Binay ire-resolve, pero mukhang hindi na-resolve?

Senator Nancy Binay: I think i-base na lang natin doon sa naging pahayag ng aming ama, ng dating Vice President Binay na kumbaga papabayaan na lang niya ang mga kababayan namin sa Makati mag-decide kung sino doon sa dalawang kapatid ko ang pipiliin nila.

Question: Wala kayong nakikitang risk na maglaban sila?

Binay: Risk in what sense?

Question: Iyong sa mayoralty race. Baka may makalaban pa sila?

Binay: Hindi ko alam kung may kalaban pa sila.

Question: Would that divide the family?

Binay: Syempre, ang hirap ng dynamics namin ngayong pamilya. But, number 1 siguro priority naming magkakapatid is to isolate kids doon sa away na nagaganap, hindi naman, iyong problema namin na kung pwede sa level na lang namin magkakapatid at huwag nang idamay iyong mga magpipinsan, so I think iyon ang isang dapat pagtuunan din ng pansin.

Question: Tutulong ba kayo sa kampanya ng either one of them?

Binay: Mahirap eh. Kasi 'di ba mayroon din naman akong pinagdadaanan. So at this point may laban din naman ako so dapat mag-concentrate muna ako doon sa pinagdadaanan ko.

Question: But you're closer with Junjun, ma'am?

Binay: Yes, I'm closer in the sense that we've spent more time together.

Question: So more likely na siya ang makakasama mo?

Binay: Hindi ko pa alam. Ayoko pang isipin. Basta unahin ko muna siguro iyong sa akin kasi mas mahirap iyong sa akin dahil kailangan ko libutin ang buong Pilipinas eh. Tignan natin pagdating ng campaign proper. Iiwas muna ako. Tutal naman ang bahay namin malapit sa Maynila eh, so madali akong tumawid.

Question: May worry ka ba about sa senatorial race na maraming known personalities ang makakasabay ninyo?

Binay: Syempre, dapat palaging nandoon ang kaba. Advice nga sa akin ng tatay ko noong 2013 dapat daw, one should be running scared all the time. So I guess ganoon pa din ngayong 2019.

Question: But are you more confident this time around compared to 2013?

Binay: Hindi pa rin. Hindi pa rin. Kasi 'di ba nakasalalay sa akin kung mananalo ako eh. Hindi naman nakasalalay sa akin kung mananalo ako eh. Nakasalalay doon sa mga botante. So, ang hirap basahin. Malalaman mo lang yan on election day. Ang magagawa ko lang is to introduce myself, to tell the people kung anong gusto kong gawin sa kanila,at the end of the day sila pa rin ang magde-desisyon.

Question: Wala kang ikakampanya doon sa dalawa para neutral?

Binay: Actually kasi dahil medyo complicated nga iyong nangyayari, parang lahat kami nagi-iwasan pag-usapan. Kumbaga parang katulad ng batas walang IRR itong pagdadaanan namin pagdating ng campaign period.

Question: Malaking dilemma ba iyon sa part ng parents n'yo?

Binay: Oo naman. Iyon na nga eh, pwede din na nga namin i-isolate ang parents namin doon sa nangyayari sa aming magkakapatid, but kasi, magulang sila, and ako, alam ko kung gaano kahirap kapag may anak kang hindi nagkakasundo. Sa case ko nga mayroon akong kambal eh. So hindi ko pwedeng gamitin na, 'di ba usually kapag sasabihin mo na iyong panganay, magbigay ka na lang, or magbigay ka doon sa nakatatanda, pero sa case ko na twins halos magkapareho lang sila so I know iyong dilemma na pinagdadaanan ngayon ng magulang namin.

Question: Wouldn't it be easier kung nag-decide na lang si VP between the two, or hindi talaga siya ganoon?

Binay: Alam mo, kapag doon sa aming magkakapatid, he will always leave it up to us to decide for ourselves. Nandoon lang siya para magbigay ng payo. Firsthand experience ko iyan noong tumakbo ako ng 2013. Never niya sinabi sa akin, "o, ikaw ang tatakbo." Lagi lang niyang sinasabi na, "sigurado ka ba, gusto mo talagang tumakbo? Kasi hindi pwede na papasok ka diyan na hindi buo ang loob mo, hindi buo ang puso mo sa pagpasok sa pulitika. So ganoon lang siya sa aming magkakapatid. It will always be up to our decision.

Question: Pero parang hindi pa kayo nagkaroon ng family meeting?

Binay: Noong Sunday nagkita-kita lang kami. I think sinabi din naman ni Mayor Abby na hindi siya nakasipot pero nakapag-usap naman sila noong gabi. So Sunday lunch magkakasama kaming nag-lunch.

Question: You're going up against Imee Marcos, Bong Go, nakikita n'yo ba na mas mahirap ang laban next year kumpara last 2013?

Binay: Ako kasi ang mindset ko laging mahirap ang laban eh. So kung ano siguro iyong pinagdaanan ko noong 2013 iisipin ko na ganoon pa rin ang pagdadaanan ko for 2019. Pero kasi noong 2013 we were part of the opposition. So hindi ko alam pagdating ngayon.

Question: (inaudible)

Binay: Hindi ko pa napag-aralan pero siguro same, halos pareho lang siguro ng ginawa ko noong 2013 kasi in a way parang tried and tested formula.

Question: Na-finalize n'yo na ni Sen. Sonny ang coalition ng UNA at LDP?

Binay: Hindi pa kasi 'di pa kami nagkikita kasi nga naging busy kami pareho doon sa kani-kaniyang partido namin kasi nga may kandidato din kami na kailangan ayusin. Pero this week baka magkita na kami.

Question: (inaudible)

Binay: Oo nga ang dami na naming luha, ang dami ng luha na 'to. Gusto ko nga paggising ko, pwede, matutulog na lang ako ulit.

Question: Gusto n'yo panaginip lang iyon, all the things about you?

Binay: Padamihan kami yata ng luha (laughs). Pero iyan, kaming magkakapatid.

Question: (inaudible)

Binay: Hindi na iyon eh, 'yong issue. Syempre may mga ibang tao na kailangan mong isipin. Kumbaga iyong mga taga-Makati, what will be best for them so it's not, technically nga kailangan mag-sacrifice sa family para magkaroon ng choice iyong taga-Makati kung sinong pipiliin nila.

Question: (inaudible)

Binay: Ay hindi ako nakikialam. Mabait akong ate hindi ako nagdidikta.

News Latest News Feed