Press Release
November 13, 2018

Pahayag ni Akbayan Senator Risa Hontiveros ukol sa status ng ratified Expanded Maternity Leave Law

Una, hindi pa naisa-submit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ratified Expanded Maternity Leave Law. Kung kaya ang batas ay nasa pangangalaga pa ng lehislatura.

Dahil dito, at resulta na rin ng konsultasyon sa mga advocates, ating kinokonsidera ang ilang komento ng Department of Finance (DOF) ukol sa batas. Amin muling ire-review ang batas upang lubusang tiyakin ang kahusayan nito bago ipadala sa Executive branch.

Napakahalaga ng batas na ito kaya importante na madinig ang panig ng lahat. Buo ang aming kumpiyansa at paniniwala na ito ay malalagdaan ng Pangulo bago matapos ang taon.

News Latest News Feed