Press Release
November 14, 2018

Sen. Bam on the suspension of TRAIN Law's 2019 tax on petroleum

Ito'y tagumpay ng mga Pilipinong matagal nang humihiling ng tulong sa matinding pagtaas ng presyo.

Nagpapasalamat tayo sa Presidente at sa kanyang economic managers sa pag-aksyon sa isyu na matagal nang daing ng mga pamilyang nahihirapan sa taas ng presyo ng bilihin.

Inaasahan namin na ito'y senyales ng pagiging bukas ng pamahalaan sa tuluyang pagbasura lahat-lahat ng buwis sa petrolyo na pinataw ng TRAIN Law.

Patuloy po natin bantayan at itaguyod ang hangaring ito sa Senado.

News Latest News Feed