Press Release
November 30, 2018

ANGARA: STATEMENT ON DBCC'S RECOMMENDATION TO PROCEED WITH OIL EXCISE TAX HIKE

We recognize that international prices of petroleum have been going down and will continue to decline in 2019. This led to seven consecutive weeks of price rollbacks, with pump prices of gasoline and diesel decreasing by P9.85/liter and P8.40/liter, respectively.

However, these oil price reductions have to be felt by Filipino families. Hindi po dito dapat nagtatapos ang rollback. Dapat sundan din ito ng rollback sa inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin. Dapat lang na gumalaw rin pababa ang mga presyo ng bilihin sabay sa paggalaw ng presyo ng petrolyo.

Bukod dito, wala pa rin tayong natatangaap na impormasyon na buong-buo nang ipinatutupad ng gobyerno ang social mitigating measures, partikular na ang unconditional cash transfer, pantawid pasada at mga diskwento. Sinigurado na ang mga ito ay nasa batas para protektahan ang kapakanan ng pamilyang Pilipino.

Bago pagdesisyunang ituloy ang pagtaas ng excise tax, kailangang siguruhin na bababa na ang inflation at buo nang matatanggap ang mga ayuda.

News Latest News Feed