Press Release
December 5, 2018

Transcript of Ambush Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On President Duterte approving the implementation of the fuel tax.

SP Sotto: During that time naintindihan ko yung situation dahil during that time, mataas yung presyo ng langis, tumataas pa so ang iniisip is wag na muna iimplement. Pero eto ngayon, sunod-sunod ang rollback, ang laki ng rollback, ang itataas lang, P2.50, nasa mga P10 yung mga rollback na. Kaya hindi nakakapag-taka na okay lang na idagdag na. Ngayon, ano ang may diperensiya, kung titingnan mo? Tingnan nating mabuti, wag lang yung basta naka-ano agad. Tingnan nating mabuti, nagtaas na ng presyo yung kung sino-sino, mga profiteers, mga kung ano-ano at yung ibang negosyante, legitimate or not. Sinasabi nila, "hindi, kasi tumaas yung presyo ng langis eh." Tumaas ang petrolyo, tumaas ang gas, so tinaas nila yung presyo nila. Nag-rollback, ang laki ng rollback, nag-rollback ba sila? Hindi. So in other words, ginagamit lang nila. Ayan, sigurado yan, ieenforce yung laman nung batas para sa 2019, sasamantalahin na naman nila yan, sasabihin "tataas yung presyo namin." Nag-rollback nga eh. Ang laki nga ng binaba, at ang prediction ng Department of Finance, mas bababa pa ang presyo. Magro-rollback pa. Talagang kung tutuusin, kung neutral naman ang kaisipan mo, at hindi ikaw kasama nung mga profiteers na tinatawag, maintindihan mo na okay lang na itaas talaga, kasi bumaba dapat. Sila, dapat, yung mga nagtaas ng presyo ng mga commodities at kung anu-ano, dapat ibaba nila ngayon.

Q: (Unclear)

SP Sotto: Oo, dapat. Nakalimutan ko ngang i-take-up sa Department of Trade kagabi yun, pero pwede pa naman dito sa Department of Finance, pwede pa natin kausapin sila tungkol diyan.

Q: (Unclear) kasi gusto pa rin nila isuspend yung increase ng excise tax. Kailangan bang magkaroon ng meeting between DBCC and mga senators?

SP Sotto: With us, nasa kamay naman ng mga economic managers yun, kahit ano pa ang opinion namin. It does not matter, we already passed the law nung pinasa namin yung batas na yan meron bang kumontra sa kanila? Wala, hindi ba? Bakit ngayong mag-eelection, biglang may naka-kontra? Tingnan mong mabuti. Binaba, ang laki ng ni-rollback. Pa-rollback pa.

Q: Naiintindihan ninyo yung pagbabago ng stand ng palace?

SP Sotto: Naiintindihan ko. I would have done the same thing if I were in their shoes. Pero, ang gagawin ko, tatargetin ko itong mga nananamantala. Tinaas nila nung nagtataas daw, kahit na yung epekto sa kanila hindi naman talaga direct ang epekto, pero ginagamit nilang palusot. Maliwanag yan, palusot. Ngayon, ieenforce yan ng 2019, nagpapalusot na naman sila, kahit naka-rollback ng malaki ang presyo? Dapat ibaba nila, or at the very least, wag na sila mag (unclear).

Q: The usual magbababa sila ng presyo tapos sa January magtatas na naman?

SP Sotto: Itataas na naman nila? Sobra naman yun. Yung mga ganung klase, ang mga pinahihirapan, taong-bayan. Yung mga yan, hindi pa namamatay, sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno.

Q: Sir sa second reading approved na yung draft federal charter sa House?

SP Sotto: Wala kaming time para itake-up. Sana inapura nila ang budget para pwede namin itake-up yan.

News Latest News Feed