Press Release
December 12, 2018

Sen. Bam on Martial Law extension (Transcript of media interview)

Sen. Bam: Magandang umaga po!

Q: Ano po ang magiging posisyon niyo sa kahilingan na i-extend ang Martial Law sa Mindanao?

Sen. Bam: Sa panghuling extension noong nakaraang taon, nagvote na ako ng "No".

Q: Ibig sabihin, maging sa inyo, napatunayan niyo na mapayapa ang Mindanao at hindi na kailangang i-extend pa ang Martial Law?

Sen. Bam: Unang-una, ang kailangan ngayon ay rehabilitation, peace and order, at good governance. Hindi na kailangan ng Martial Law para dito. Kaya yun gawin kahit hindi magdeclare.

Ang nangyayari pa, ang Martial Law ay nagiging karaniwan. Klaro naman sa paggawa ng ating Konstitution na special declaration iyan o extraordinary, hindi ito dapat ginagawang pang araw-araw.

Kapag mayroong bakbakan gaya nung nangyari sa Marawi, tama lang na madeclare ang Martial Law pero kapag tapos na po ang bakbakan, dapat nili-lift o tinatanggal na rin ito.

Q: Pero hindi po ba gamitin ito, ang Marital Law o Emergency Powers, para himukin ang lahat ng mga gabineta at mga ahensya para magtrabaho ng doble to uplift itong nasalantang lugar na ito?

Sen. Bam: Hindi kailangan ng Martial Law para diyan. Ang kailangan lang ay leadership at political will. Naging dikusyon na 'yan sa AFP - na itong pagkakaroon ng good governance, peace and order, at rehabilitation, hindi na kailangan ng Martial Law. Ang kailangan ay gawin ng mga ahensya ang mga trabaho nila. Iyon ang kailangan ngayon.

Again, ang Martial Law, noong binuo ang Konstitusyon natin ay tinatawag lang kapag talagang grabe na yung sitwasyon. E ngayong humuhupa na ang mga issue at masasabi nga na successful ang operations nila, dapat tinatanggal na ito.

Kung ang rason kasi ay may Martial Law tayo habang may grupo na nandyan at may banta sa violence, palagay ko baka hindi na matanggal ang Martial Law kasi nandyan na ang mga grupong yan.

Ang tanong natin: Ano ba talaga ang standards niyo para i-lift ang Martial Law? Hindi rin naman malinaw para sa amin kung ano ba ang batayan kung paano ito tatanggalin. Kung ang rason nila ay para magkaroon ng peace and order, at rehabilitation, ang sagot naman ng iba sa amin ay iyan ay dapat pangkaraniwan. Hindi na kinakailangan ng Martial Law para sa rehabilitation.

Q: Senator, nabanggit niyo kanina na naging maayos naman ang performance ng AFP habang umiiral ang Martial Law ngayon. May difference ba sa utos ng executive sa hanay ng militar kung walang Martial Law vs. walang Martial Law?

Sen. Bam: Yung lumalabas kasi ay talagang "psychological effect" lang talaga ang pinaka-batayan. Yung pinag-usapan namin, pagdating naman sa kapangyarihan, kaya naman nilang gawin kahit walang Martial Law. Yung check point, curfew, at increased presence, pwede naman lahat gawin kahit walang Martial Law.

Ang tanong ngayon is really more of a legal issue. Hindi nga operational ang concern namin. Unlike in the past, ang concern namin ay yung pang-aabuso o pagmamalabis. Ngayon, ang tanong ay yung paggamit ng kapangyarihan na ito. Ito ba ay kinakailangan pa o hindi na? Kasi ang tingin namin, kaya naman nila gawin ang trabaho nila kahit walang Martial Law.

Ang nagiging problema ngayon, baka ngayon kaya lang nilang gawin ang trabaho nila kapag may Martial Law. Yun ang magiging problema kasi naging pangkaraniwan na. Again, gusto lang naming ibalik sa depenisyon ng Martial Law sa ating Konstitusyon na ito ay tinatawag lang kapag ito ay extraordinary o may aktwal na bakbakan na nangyayari na on-going gaya ng nangyari sa Marawi.

Q: Baka naman may mga compelling factor yung Martial Law para kumilos ang militar na may kinalaman sa peace and order?

Sen. Bam: Well, yung mga sinabi naman nila, yun din naman ang mga nangyayari dati. Yung mga bakbakan o engkwentro, yun naman ay nangyayari in the past 20-30 years. Again, hindi lang pwedeng threat. Kailangan ay aktwal na may bakbakan na nangyayari. Yun ang strict definition ng mga gumawa ng ating Konstitusyon.

Q: Hindi kaya parang gusto ring palabasin ng Malacanang na this is for the prevention?

Sen. Bam: Again, hindi puwedeng prevention e, kasi actual ang nakalagay sa salita sa ating Konstitusyon. And again, kaya naman nilang gawin ang prevention kahit wala ang Martial Law kasi iyong calling out powers nandiyan naman, iyong curfew, iyong checkpoint, practically lahat ng mga ginagawa nila, magagawa naman nila kahit walang Martial Law. Ang tanong na lang siguro, kung ang presensiya ng Martial Law kung ito po ba'y ginagawa nang pang-araw-araw o kung ito ba'y tinatawag lang kung grabe na ang sitwasyon.

Q: Sa panig ng PNP, iba ang performance ng mga pulis kapag naka-red alert kumpara sa karaniwan na routine nila every day.

Sen. Bam: Puwede naman silang mag-red alert. May mga sitwasyon naman, kahit sa Metro Manila nagre-red alert sila. Again, hindi ito kuwestiyon tungkol sa kanilang performance, hindi ito kuwestiyon tungkol sa operational na paggawa. Ito'y tanong pagdating sa ating Konstitusyon. Kasi malinaw ang ating Konstitusyon na actual ang nangyayaring dapat na bakbakan, rebellion o invasion. Iyan po ang mga batayan. Ang nangyayari po, iyong batayan, mukhang hindi na iyan ang batayan. Nag-iiba ang batayan.

Q: May psychological ba diyan, senator, sa word na Martial Law?

Sen. Bam: Ang binabanggit ngayon ng AFP at PNP ay iyong psychological effect daw talaga, iyon daw ang kailangan nila para sa mga tao at para sa mga armed personnel natin. Pero again, naiitindihan ko naman iyon, in fact naiintindihan po iyon ng ibang senador. Pero babalik lang tayo sa depinisyon sa ating Konstitusyon. Ang nangyayari kasi, ang interpretation sa ating Konstitusyon, masyadong malawak. Baka in the future, hindi na rin maging maganda ang ating pagtrato sa ating Saligang Batas. Sabi ko nga, kung iyong rason threat, dito naman sa Metro Manila may threat na rin naman dito. Kung papanig tayo sa pag-iisip na iyong threat ay sapat na para magkaroon ng Martial Law. Iyong mga grupo na nandiyan at nasa pali-paligid natin na baka umatake anumang oras, kung iyan lang ang rason natin, e di sa Luzon at Visayas, posible na rin sigurong mag-declare kasi mayroon din naman iyan dito sa Luzon at sa Visayas.

Kami naman po, kinaklaro lang natin na itong Martial Law ang depinisyon niyan sa ating Konstitusyon, malinaw. Kaya kailangan nating panigan iyan. Hindi natin sinasabi na kulang ang ating AFP. In fact, marami ang nag-congratulate sa kanila. Dahil successful sila, baka kailangang i-lift na ang Martial Law.

Q: Kahit six months, hindi kayo papayag?

Sen. Bam: Again nasa depinisyon kasi, hindi operational. Iyong dami ng buwan is an operational question. Kumbaga, ilang buwan ba, ilang taon ba. Ngayon, ang tanong ay iyong ating Saligang Batas, kung paano tayo papanig sa ating Saligang Batas.

Q: One last point, Sen. Bam. Kung saka-sakali, may numero ba kayo, doon sa lahat ng umaayaw?

Sen. Bam: Wala. Sabi ko nga po sa AFP, sigurado naman na makukuha niyo ang gusto niyo. Pero palagay ko, mahalaga lang sa ating demokrasya na iyong iba sa amin makapag-register ng aming "no" vote. Kahit matatalo, kahit kakaunti lang, at least malinaw na ito ang pagtingin namin sa Saligang Batas.

Q: Sen. Bam, kung sakaling wala nga, hindi papaboran ang inyong posisyon....

Sen. Bam: Hindi, wala talaga, sigurado iyan.

Q: Parangalan na lang natin sila, ayusin niyo na lang ang implementasyon niyan.

Sen. Bam: Wala naman kaming kuwestiyon doon. Marami sa mga senador, kahit po iyong mga humihindi, ang aming posisyon dito tungkol sa Saligang Batas, doon sa pagrespeto sa mga kataga, probisyon at nilalaman ng Saligang Batas at hindi sa kanilang operations. Iyon ang nililinaw namin sa AFP.

News Latest News Feed