Press Release
January 27, 2019

STATEMENT OF SENATOR SONNY ANGARA ON THE RATIFICATION OF THE BANGSAMORO ORGANIC LAW (BOL)

Ako po ay lubos na nalulugod dahil mapayapang naisagawa ang plebisito para sa pagraratipika ng Bangsamoro Organic Law. Nagpapasalamat tayo sa Commission on Elections, sa ating mga sundalo at kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan, sa ating mga guro na matatag na tumupad sa kanilang tungkulin, at sa mga botanteng lumahok sa halalan upang marinig ang kanilang boses sa balota.

Umaasa po tayo na maayos ding maidaraos ang plebisito sa darating na February 6 sa mga lugar sa North Cotabato and Lanao del Sur. Kaisa nyo po ako sa pagdarasal para sa isang mapayapang halalan.

Ngayong narinig na ang boses ng mayorya ng mga botante, sana ay sundin at galangin ng lahat ang naging resulta ng halalan nang sa gayun ay mabilis na umusad tayo patungo sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon na matagal nang pinapangarap hindi lang ng mga kapatid nating Moro, kundi ng lahat ng mga taga-Mindanao.

Ang makasaysayang batas ay ang matagal na nating hinihintay na pagkakataon upang tahakin ang landas ng pagbabago at pag-unlad para sa bawat pamilya at komunidad. Ito na ang panahon para alagaan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng maayos na serbisyo publiko, maayos na programang pangkalusagan at edukasyon, maayos na daan at imprastruktura, at maayos na suporta para sa trabaho at negosyo.

News Latest News Feed