Press Release
January 29, 2019

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar
(HNP, campaign, tobacco excise tax, lowering of criminal responsibility, budget bicam)

Q: Paano ninyo sisimulan ang campaign period?

Villar: February 12, Pampanga sponsored by Hugpong ng Pagbabago. That's the first one.

Q: 12 senatorial candidates ie-endorse?

Villar: Ang Hugpong 14.

Q: Anong tawag sa mangyayari sa 12 sa Pampanga?

Villar: I think i-endorse kami ng mga ka-align namin sa Pampanga. May alliance kasi ang Hugpong, siya ay regional party lang, Region 11 pero in every province may ka-align siya. Ang ka-align niya sa Pampanga iyong party ni Governor Pineda.

Q: Si Mayor Sara wala doon?

Villar: Siya ang nag-oorganize.

Q: Why Pampanga?

Villar: Siguro iyon lang ang unang nag-volunteer na mag-host. Kasi nakita ko ang schedule parang magsisimula sa Pampanga papuntang Northern Luzon. May tentative schedule na hanggang the end, March, April. Parang ang mauuna is Central and Northern Luzon tapos babalik siguro Southern, Bicol. And then we go to Visayas, parang ending is Mindanao.

Q: Iyong sa 12, ang tawag doon proclamation rally?

Villar: First rally iyon.

Q: Sasamahan ninyo lahat?

Villar: Tinitingnan ko kasi may mga host eh. May partido kasi kami. Kung iyong host hindi ko naman kapartido baka magalit pa iyong kapartido ko. So tinitingnan ko kung saan-saan pupunta.

Q: Kayo sa NP wala kayong hiwalay na rally?

Villar: Wala.

Q: Iyong slate po si Pangulong Duterte?

Villar: Meron siyang tentative slate. I don't know what are the plans. Hindi pa sila nagbibigay ng notice.

Q: Kasama din kayo doon?

Villar: Yes.

Q: Mababawasan pa kaya iyong 14?

Villar: Kanilang decision iyon. Parang ang Hugpong ang pumili. Siguro later on, kasi mas wise na 12 lang kasi kapag isulat ang 14 madisqualify pa iyong vote.

Q: Ano ang main consideration na sa Pampanga aside from nag-volunteer?

Villar: Sila ang nag-decide pinadala lang sa amin ang schedule.

Q: Would you know kung consideration iyong fact na nandoon si GMA?

Villar: Baka si GMA ang unang nag-volunteer. Kasi ang beginning is Luzon, ang ending is Mindanao.

Q: Dala lahat ang NP candidates?

Villar: Kaming 3, lahat ay dinala ng Hugpong. Si Pia, si Imee saka ako.

Q: Meron na kayong sched? Medyo plantsado na ang buong campaign period?

Villar: Oo pero usually, maski noong 2013 na kasama ako sa coalition hindi ko naman lahat pinuntahan. Depende rin kung may nag-imbita sa iyo personally na hindi mo matanggihan, you make time also.

Q: Ano kaya ang science ng Hugpong, bakit sila nag-iikot hindi sila sentro lang sa Davao?

Villar: Meron silang ka-coalesce. Naka-coalesce sila NP, naka-coalesce sila sa NPC, naka-coalesce sila sa NUP. Tapos may mga local parties na naka-coalesce din sila. Siguro ine-expect ng local parties na they will go there para ipakita na they have the support.

Q: Hindi ba iyan part ng pagpapalakas ni Sara Duterte para sa 2022?

Villar: Hindi naman siguro.

Q: Hindi ba confusion iyan na may party ang anak ng pangulo tapos may sariling slate din si Pangulong Duterte?

Villar: Kasi iyong Hugpong it's not only Sara Duterte. It's all the governors of Region 11. Parang it's a regional party. Parang kapag inendorse ka noon, you can be sure na dadalhin ka nila sa Region 11. It's a very big region also. The Davao Region--Davao Occidental, Davao del Sur, Davao City, Davao del Norte, Compostela Valley at saka Davao Oriental. Malaki.

Q: Would you know kung caravan po iyong rally sa 12?

Villar: Parang hindi, parang rally.

Q: Sagot lahat ng Hugpong ang expenses?

Villar: I don't think so. Kapag ikaw nag-host ikaw siguro gagastos. Like they are going to Las Pinas, sasagutin ko yun.

Q: Iyong kick off sa Luzon, iyong ending sa Mindanao bandang May na iyon?

Villar: Oo, Mindanao mga April. Ang kasunod ng Pampanga, Pangasinan saka Ilocos.

Q: Ano ang projected na miting de avance?

Villar: Baka Mindanao, Davao.

Q: Kailan sa Las Pinas?

Villar: Parang middle. Babalik eh. Uunahin muna iyong central, northern tapos babalik ng southern NCR.

Q: Sasama kaya si presidente sa kampanya?

Villar: I don't think sasama siya. Mahirap iyon kasi incumbent president, baka wala na siyang magawa kundi mangampanya. Maski noon si Pnoy sa coalition hindi naman siya sumasama. Ang kasama namin noon si Senator Drilon kasi siya ang campaign manager. Si Sara siguro.

Q: Sino kaya ang campaign manager ng Hugpong?

Villar: Hindi ko alam. Kasi anim na governor sila baka papalit-palit iyon. Basta ang alam ko kasali kami. Hindi pa final pero meron nang mga sigurado.

Q: Lahat iyong governors dadalhin ang mga kandidato?

Villar: Hindi naman sila opposition.

Q: Paano ipo-proclaim? Iboto ninyo ang 14?

Villar: Baka sasabihin ito ang pagpipilian ninyo, kayo na ang mag-decide. Tsaka ang voting natin 7 lang ata o 5? Hindi naman nila pini-fill up lahat. Based on survey, malaki na iyong 7.

Q: Ika-cut down pa kaya iyon?

Villar: Wala siyang sinasabi. Baka choose from the 14.

Q: Are you in favor of excise tax on tobacco?

Villar: Siguro if the House will pass, depende sa level ng tax na ii-impose. Except I think dito sa Senate, parang walang time kasi nasa committee ngayon, bago ka pa makagawa ng committee report, bago pa dalhin sa plenary, tapos interpellation, last day na namin sa Wednesday next week.

Q: Pero ano po ang stand ninyo?

Villar: Kasi ang complaint ng mga company kapag tumataas ang presyo, marami ang nagiging illegal. Marami na silang nahuli na illegal factories ng cigarettes. Ibig sabihin, kapag mataas ang presyo masyado, iyong mga illegal nabubuhay na sila kasi malaki ang natitipid nila kasi hindi sila magbabayad ng tax. So dapat babalansehin natin. Kasi kawawa naman iyong nagbabayad ng tax, mape-penalize sila dahil dumami ang illegal. So it's not encouraging for those who will pay taxes na dadami ang illegal tapos hindi mako-kontrol ng gobyerno, wala rin mauubos din ang customer nila kasi bibili na lang sa illegal kasi mas mura.

Q: Ang pinu-push ng DOF at DOH plus 25 from the current 35, is that too big?

Villar: That's 60. I think that will be the range. Pati iyong sa House staggered, parang every year tumataas. I think the rate will be maximum 60.

Q: Amenable po kayo doon?

Villar: Consensus naman iyan.

Q: Iyong 2.50 passed by the House is too small?

Villar: Oo, pero staggered din iyon, every year tumataas. Parang iyon ang initial, 2.50. iyon ang explanation sa akin. Parang TRAIN na every year nagdadagdag. Para iyong effect sa kanila hindi grabe. Makaka-adjust sila.

Q: On lowering the age of criminal responsibility?

Villar: Magko-consensus naman, majority wins. I think ang talagang wino-work out na provision nila is to build youth rehabilitation centers in every region muna, 16 regions muna. And then kung ma-build na iyong 16, in every province na. Kasi unfair na huhulihin mo ang bata isasama mo sa hardened criminals. Dapat may sarili siya kasi bata siya and he is for rehabilitation kaya dapat nakahiwalay at may separate program kasi hindi naman siya hardened criminal.

Q: Kung 13 saan siya papasok kasi kung sa committee report 12 years old?

Villar: Kapag nag-committee report ka naman, mag-iinterpellation pa iyan. Tapos in the process magko-consensus. I-bring niya na 12, okay lang iyon. Subject to amendment naman .

Q: Makakakuha kayo ng majority signature para makaakyat sa plenary?

Villar: Kasi pag magsa-sign ilalagay mo subject to amendments, para lang madala mo sa plenary at mapag-usapan.

Q: Pero may sentiment na 13?

Villar: Kapag nag-uusap-usap kami. Kasi talagang they find it awkward na mag-impose ka ng ganyan sa bata tapos wala kang pagdadalhan. Parang sa kanila, it's very important na may rehabilitation center iyong mga bata. Kasi hindi mo pwedeng ibalik sa magulang. Kasi katulad nung nagnakaw sa aming office, nagnakaw siya tapos nahuli siya, tapos sabi niya eh kasi utos ito ng Tatay ko nandoon siya sa baba, hinihintay ako. Tapos ibabalik mo sa Tatay, iyon na naman ang itututo nun. There should be a home for them to be rehabilitated.

Q: Iyong 13 medyo mas acceptable?

Villar: Basta may home wherein you bring them when they commit crimes.

Q: Ganoon din naman sa 12 bakit 13?

Villar: Gusto daw nila 13 kasi teen. Ayaw nila ng bata, gusto nila teenager. It's just a consensus.

Q: Majority amenable sa 13 kaysa 12?

Villar: I think kahit 12 acceptable sa iba. Ang importante sa kanila iyong rehabilitation center for the children kasi at least may pagdadalhan where they will be rehabilitated. Hindi mahahawa sa hardened criminals.

Q: Kayo personally mas gusto ninyo 13?

Villar: Mas matanda mas okay.

Q: Ipu-push ba iyong Bahay Pag-asa na national?

Villar: No, it should be all over the Philippines. Alam mo kapag dinala doon, syempre may mga nanay iyan gusto naman nila bibisitahin. Kung one na national, ang mahal ng pasahe. Maganda na iyong in the beginning, regional at kung kaya, provincial. Mas madaling dalawin ng pamilya.

Q: Bakit kailangan pang baguhin?

Villar: Kasi iyong mga magulang dala na ang birth certificate, parang alam na alam na nila na makakalusot. Inabuse ang law.

Q: Parusahan ang mga magulang?

Villar: Maglalagay sila ng provision.

Q: May consensus na ba sa budget bicam?

Villar: Kasi iyong mga amendment ng Senate most of them are institutional amendment. Iyon ay binago dahil tingin nila dapat magbigay ng more sa health, tapos magpapadala sila ng additional batallion sa Sulu, mga ganun. It's for public good, national so ang tawag nila doon institutional amendments. Gusto nila iyong institutional amendment huwag ibibilang sa individual amendments. Iba iyong individual kasi iyong individual for your particular district, iyong institutional it's for everybody in the Philippines, for government. So re-rebyuhin nila what is institutional kasi mahirap i-define. So ililista nila at magde-decide kung alin ang maka-qualify as institutional. Pagkatapos noon saka pag-uusapan kung anong volume iyong individual kung kaya ba ng budget kasi the budget cannot be changed, the amount it's P3.8.

Q: May figure kayo kung ano ang kabuuan ng individul at institutional?

Villar: Wala pa pero ang institutional at ang individual 1.9. ipa-prioritize muna ang institutional, bibilangin iyon kung ano ang mapag-agreehan na dapat institutional, ima-minus doon tsaka iyon ang magiging individual. Maglilinisan what is institutional.

Q: Sa inyo po magkano ang individual amendments mo?

Villar: Wala pa eh kasi sasabihin nila kung ano ang matitira. Iyong sa amin naman hindi rin amin, mga request sa amin ng mga LGUs. Ang LGUs is individual. Institutional when you give to the national. Uunahin iyon.

Q: 7 days to go magagawa pa kaya?

Villar: Ang deadline nila ngayong Wednesday. After that lilinisin na and then ira-ratify next week. Last day next week is Wednesday.

Q: Kaya this week na matapos sa bicam?

Villar: Kakayanin kasi walang choice. We cannot afford not to have a budget.

Q: Mamaya magre-resume hindi pa clear kung ano ang institutional?

Villar: Ngayon naglilinis na sila.

News Latest News Feed