Press Release
February 21, 2019

Closing remarks of Senator Joel Villanueva

Thank you to all of our resource persons this afternoon. This was a substantial and productive hearing.

Subalit mukhang mahaba-habang talakayan pa rin ito ng pagbibigay ng karampatang proteksyon ang ating mga kababayan laban sa illegal na foreign workers.

Sa ating mga kasama sa DOLE, malinaw din ang kailangan nating pagtuunan ng pansin: ang maayos, buo at ganap na pagpapatupad ng ating Konstitusyon at Labor Code, lalo na sa usapan ng pagbibigay ng tamang oportunidad para sa ating mga kababayan.

Hindi po lingid sa inyong kaalaman na naging TESDAMAN tayo. Hindi po tayo makakapayag na nababaling ang sisi ngayon sa ahensya ng TESDA sa pagdagsa ng Chinese workers sa mga construction projects under the Build Build Build Program.

Mali po na sabihing wala tayong enough supply ng skilled workers sa construction kaya nag-open up na tayo sa mga foreign worker.

As I've mentioned in my opening statement, the number of construction graduates of TESDA increased by 180% in 2018. From 83,649 graduates in 2017, there were 234,546 graduates in construction related qualifications last year. Napakarami pong TESDA graduates ang pwedeng mabigyan ng trabaho.

Mismong mga employers sa construction industry na ang naninikluhod sa DOLE na i-enforce ang Article 40 ng labor Code na dapat may Alien Employment Permit ang mga dayuhan bago payagang makapagtrabaho dito sa Pilipinas.

Mali din po ang paniniwala na nag-abroad na lahat ang ating mga kababayan.

Kasi, 97.48% ng employed graduates, nandito po sa Pilipinas. 2.52% lang ang nag-abroad. So, wala pang 6,000 graduates ng construction related qualifications ang umalis ng bansa noong 2018.

Sa BI: while we take note of their efforts to apprehend erring foreign nationals, it seems the problems are compounded by PAGCOR's lack of regulation and consistent coordination with the agencies concerned. Subalit kailangan palakasin nila ang kanilang pagpoprotekta sa mga manggagawa by properly ensuring regulation. Kailangan pag-aralan ang pagbibigay ng Special Working Permit at ayusin ito agad.

Sa PAGCOR: malinaw ang kanilang papel. They are the regulators, but they are clearly failing to regulate. Hindi nagtutugma ang data ng registered POGOs sa data ng BIR. Lost income for the country and lost opportunities for our countrymen. Hindi consistent ang pag-impose ng Gaming Employment License requirement. Malinaw na dapat may GEL din ang mga nagtatrabaho na foreign nationals sa POGOs.

Time and again I have never supported games of chance. Since it's here already, let's step up and tighten our regulatory powers and enforcement.

Nasimulan po rin dito ang pormal na pagpapakilala ng Task Force ng mga ahensiya. Bukas at handa ang inyong Committee on Labor para tulungan at paigtingin ang koordinasyon ng mga ahensiyang ito.

Maglaan po tayo ng panahon para magsama-sama at pag-usapan ang magiging panuntunan at direksyon ng ating Task Force.

Thank you and God bless us all.

News Latest News Feed