Press Release
April 26, 2019

Sen. Bam on the "red tagging" against him, other candidates

Malinaw na paninira po itong paratang na kami nila Senator Poe, Binay at Osmena ay di umano may ibinigay na halaga kapalit ng pag-endorso ng Makabayan Coalition.

Huwag naman pong lokohin ang taumbayan. Tama na ang fake news.

Sana itaas na rin natin ang antas ng pangangampanya. Sa halip na paninira, mga isyu na makakatulong sa sitwasyon ng ating mga kababayan ang kailangang pag-usapan.

Tama na bangayan, at magtulungan na lang tayo dahil mabibigat ang mga suliranin na kinakaharap natin, tulad ng kakulangan ng trabaho.

Nagpapasalamat din po tayo sa marami pang mga party-list groups at mga sektor na sumusuporta sa atin.

News Latest News Feed