Press Release
May 23, 2019

Win transcript ambush interview on Murang Kuryente, Anti-Obstruction, sin tax & Bikoy

Murang Kuryente & Anti-Obstruction Power Line Act

SEN WIN: Dalawang batas ang pinag-uusapan natin, first is yung Murang Kuryente Act na ang layunin ay mapababa ang presyo ng kuryente by as much as 1.00 per kilowatt hour so malaking bagay yan para sa ating mga kababayan dahil yung savings na mauuwi nila sa kanilang pamilya ay magagamit nila yan para sa ibang bagay. Pangalawa, ay ang Anti-Obstruction Power Line Act dahil sa bansa natin, ang na-eexperience natin na mga brown-out, kadalasan din dahil sa mga simpleng obstruction sa mga power lines. For example, may punong malaki, kung may punong bumagsak, hindi kaagad natatanggal ng mga utilities natin. So itong batas na ito ay magbibigay kapangyarihan sa kanila na magtanggal ng mga puno at obstruction doon sa mga power lines nila. It's a very technical bill pero ang objective nito ay tanggalin ang mga obstruction at hindi maputol ang kuryente na dini-deliver sa ating mga tahanan.

Q: Kailan mararamdaman yung pagbaba ng kuryente?

SEN WIN: We gave them a time period of 90 days to craft the IRR so from there ay makikita natin na ang bababa na ang presyo ng kuryente. Medyo technical but ang concept nito is nagbabayad pa tayo ng utang ng NAPOCOR from the past. Makikita natin sa electricity bill natin na mayroon doong universal charges on stranded costs and stranded debts, lumalaki yan at lalaki pa siya up to 1.00 peso so para mapigilan ang paglaki niyan at matanggal ang current na binabayaran natin ngayon, gagamitin natin ang Malampaya fund para mabayaran yun. So yung current at future na babayaran natin na up to 1.00 peso, tatanggalin na yun.

Q: Yung sa obstruction po, ano po yung limitation ng mga company?

SEN WIN: Ngayon kasi, kapag pumunta ka sa mga probinsya, makikita natin na sa ilalim ng mga transmission ay may mga bahay, may puno, may nagtatanim--ito lahat ay nakaka-create ng problema sa delivery ng kuryente. For example, may punong malaki, tinatamaan yung mga transmission lines natin. So itong batas na ito ay bibigyan sila ng power para tanggalin yung mga obstructions sa ilalim ng transmission lines. Ngayon kasi ay wala silang power dahil magpapaalam pa so ngayon ay pwede na nilang tanggalin agad.

Q: May compensation po ba?

SEN WIN: Meron. In fact, sa ilalim ng mga transmission line, government-owned na yun, pinapasukan lang ng mga informal settlers so ngayon may power na silang tanggalin yun. Matatandaan niyo sa Muntinlupa, may nasunog sa ilalim ng transmission at bumagsak ang transmission, so yun na yun.

Q: Approved na po ba ito sa bicam Sir?

SEN WIN: Yes, so ita-transmit na namin ito for ratification and this coming week ay mara-ratify na namin itong dalawang batas na ito. Siguro around September time.

Q: Mararamdaman na yung pagbaba Sir?

SEN WIN: Yes, mararamdaman natin ang pagbawas ng presyo ng kuryente at yung dagdag pa kasi madadagdagan pa yan eh, so about 1.00 peso ang makikita natin.

Q: Ano po yung 1.00 peso?

SEN WIN: Sa kasalukuyan kasi may binabayaran tayong [mga utang] ngayon eh, approximately about 4 centavos now. Pero tumataas pa yan ha. May mga applications ang ERC.

Q: Anti-obstruction bill?

SEN WIN: The concept of the Anti-obstruction is para matanggal yung mga obstruction.

Q: Pero sir if private property, tapos may obstruction?

SEN WIN: Kailangan daw ng consent ng may-ari kung hindi siya magbibigay ng consent. Yung operator can now issue a sort of a direct notice na magkakaroon ng problema at dapat yung homeowner siya yung magtatanggal ng obstruction.

Q: Di siya parang right of way na, issue na baka matagal makuha ang pera?

SEN WIN: Hindi, ito yung para sa obstructions lang so walang bibilhin na lupa. So for example, yung bahay ko may linya, diba maraming bahay may linya eh? ang gagawin ng utility, 'o bibigyan ka namin ng notice, ayusin mo yan, putulin mo yan kapag hindi po putulin yan kami puputol.'

Ngayon kasi dapat magpaalam sila eh, hindi lang sila magpapaalam sa homeowner pero pati rin sa Local Government, sa Barangays--sa bill na ito, lahat mawawala na so ngayon deretso na sila [sa homeowners].

Q: Sa Malamapaya fund in Murang Kuryente Act, buong Malampaya?

SEN WIN: 208 billion--

Q: Aware ba yung DOF sa proposal?

SEN WIN: Yes, he was there, Usec. Bayani --

Q: Ok naman sila sa 45 to 60?

SEN WIN: Ok naman sila, after the negotiations.

Bikoy

Q: Ano po yung reaction niyo sa latest presscon ni Bikoy? How credible is he right now knowing na sinasabing hindi sya credible before?

SEN WIN: Actually, hindi ko pa nakikita yung kanyang statement but based lang doon sa una niyang sinabi, may mga inconsistencies eh. One, sinabi niya na si Bong Go ay may tattoo at nung pinakita naman ni Senator Bong Go [ang kanyang likod], wala naman. I think he also implicated Kitty which paano mo naman i-implicate ang isang bata sa isang drug dealings? So there are a lot of inconsistencies and I think because of those, for me, hindi siya credible na witness o tao na magbibigay ng ganitong mga pahayag.

Q: What can you say na binigyan siya mismo ng PNP ng venue for a presscon even with the presence of PNP Chief Albayalde?

SEN WIN: I cannot comment on that, I need to see kung ano ang sinasabi niya but based on the historical, it seems to me that this person is not credible.

Q: Kailangan ba siyang ipatawag sa Senate?

SEN WIN: I agree with Senator Lacson, natapos na ang vetting eh. Importante na bago tayo gumugol ng katakot-takot na oras at pondo para sa isang hearing, i-vet muna, tingnan natin kung tama ba talaga ang sinasabi niya, kung may basehan ba at ebidensya ang sinasabi niya dahil sa hearing, marami tayong taong pinapatawag, umuubos tayo ng maraming oras so I agree with Senator Lacson after his vetting na hindi credible itong taong ito. Importante na mag-present siya ng ebidensya at [ipakita niya] kung saan niya kinuha itong mga kwento. Madaling magkwento at mag-akusa pero importante na may ebidensya tayong maipapakita.

Sin tax Q: Sin tax kagabi nag meeting kayo and from I understand you signed the committee report?

SEN WIN: the sin tax, nag meeting kami and I understand the sin tax is going to be 60 pesos in five years, five tranches yan and ang balak namin hopefully matapos to [sin tax bill] in the next two weeks. This is signed as an urgent measure so makakatipid tayo ng tatlong araw. Ako, I really support the sin tax, our version is 70 pesos, I will lobby to increase it from 60 pesos to 70 pesos dahil ang pinaka mahalaga dito ay mabawasan ang naninigarilyo at yung mga batang nag babalak na manigarilyo.

Q: DOF wants 60 but you are pushing 70 sa floor?

SEN WIN: We want to push for 70, I think that is the optimum level, ibig-sabihin mas madaming malilikom na pondo ang gobyerno at bababa yung bilang ng naninigarilyo.

Q: Pano yun? You only have two weeks?

SEN WIN: We only have two weeks, that's six session days so kung ma-sponsor yan on Monday, hopefully one day na lang ang interpellation and amendments para by Wednesday we can close it. Since urgent naman ito, yung bicam, we can do it over the weekend para ma-ratify the following week.

Q: Timetable?

SEN WIN: That timetable is the best effort, mahirap masabi kung ano pa yung katanungan ng Senador natin dahil ii-sponsor pa lang on Monday so mababasa lang nila yan on Monday. So yung appeal ng DOF, dapat pag-aralan na ng mabuti ang sin tax bill para matapos na ng isang ang lahat ng mga katanungan.

Q: May assurance ba from the Senators na tatapusin?

SEN WIN: Walang assurance [na matatapos ang bill], ang assurance lang ay mapra-prioritize yung finile namin na bill, tutulak mo na yun at mabibigyan ng oras ang sin tax--

Q: Appeal ni Sec. Dominguez?

SEN WIN: Tapos na ito sa lower house, kung hindi ito maipapasa sa 17th Congress, uulit ulit, paguusapan na naman ito sa lower house at dito sa Senate.

Q: So DOF wants 60?

SEN WIN: Gusto nila at least 60 but they are open to 70 so yun po yung kanilang idea.

Q: May consensus po ba sa Senators? In terms of figures?

SEN WIN: Malaki ang suporta sa sin tax eh, majority acceptable yung 60 because that is a large improvement from the lower house na 32, doble ito sa lower house, acceptable naman yung 60 but some of us, including myself, gusto natin na mas mataas pa.

Q: So yung commitment niyo is just to prioritize?

SEN WIN: Just to prioritize, ang commitment is just to prioritize, to give more time to the sin tax bill--

Q: But there is a possibility to pass it?

SEN WIN: Based on the timetable, kaya pa, but it will depend on the questions and the amendments.

Q: Ano yung bills na would likely to suffer if you're going to prioritize?

SEN WIN: local bills, ang daming local bills na finile, ang masa-sacrifice diyan yung mga local bills, conversions ng high schools, mga charter ng mga colleges, ang mga local trial courts, so maraming mga local bills--except yung mga individual bills namin, kasi kahapon naipasa na yung Security of Tenure of Bill, that is one of the urgent measures of Malacañang.

Q: Tobacco tax lang ang pinaguusapan, yung sa liquor iba pa yun?

SEN WIN: Ang finile ngayon is tobacco to save time kasi kapag sinama mo yug liquor talagang hahaba yung usapan. So since tobacco naman generates almost 70% - 80% of the total sin tax, inuna muna yung sigarilyo.

Q: The major reason why we're talking about the sin tax on cigarettes is to fund the Universal Health Care (UHC)?

SEN WIN: that is one reason, to fund the UHC, 50 peso per pack will generate approximately 60 billion pesos in addition. So yung 60 billion na yun gagamitin sa UHC.

Q: Entire sir? Computation kasi ng DOH half of it will go to UHC?

SEN WIN: May proposals na the portion will go to fighting smuggling kasi kapag tinaas mo yung presyo, papasok naman yung smugglers. So importante na yung BIR Customs mayroong pondo para labanan yung mga smugglers. So yung proposal ko is to allocate a small portion to fight the smugglers but in general the big portion of that will go to UHC.

News Latest News Feed