Press Release
June 6, 2019

Transcript of Phone-patch Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On last night's meeting with majority senators.

SP Sotto: Maganda, mabuti, sapagkat parang ginawa naming introductory welcome dinner doon sa mga incoming. Yung incoming na dumating ay lima, kulang lang ng isa kasi si Villar nasa abroad pa, sa Sabado pa ang uwi niya.

Q: Napagusapan po for sure yung committee chairmanships, naresolba na po ba yung mga medyo contentious?

SP Sotto: Well, parang mareresolve ng kusa, kasi ang nangyari, pagkatapos namin magdinner, binigyan ko sila ng piece of paper na nandoon lahat yung mga pangalan nila at pwede nilang isulat yung kanilang preferences. Tinintingnan ko lahat. Pero sabi ko sa kanila hindi naman namin kailangan gawin, pero sabi ko sa kanila, in a matter of days, upuan lang namin ang mga leader natin, majority leader, ganyan, uupuan namin. Pati yung mga representatives ng mga political parties, tsaka namin mafafinalize na talaga at mafoformalize, pero the way I look at it, nung tinitingnan ko lahat, bihirang bihira yung may (unclear). Bihirang bihira, talagang maganda ang nangyari, at least alam na kasi nila na may tinatawag na equity of the incumbent, so maganda yung nakikita ko.

Q: Bakit po kinailangan na may hiwalay na meeting with three PDP Laban senators, Bato, Go and Tolentino?

SP Sotto: Hindi naman kinailangan yun, kundi nagtawagan lang kami ni Senator Bong Go, at ang sabi niya, kung pwede kaming magusap muna nung silang tatlo at saka ako. Parang nagclarifying lang kami, tapos pinagusapan lang yung sa, kasi alam nilang Nagmeeting kami ahead with Koko and Manny sa opisina ko, so parang clarifying lang. Nothing confidential or anything to that effect. Parang nag-advance talk lang kami tungkol doon sa mga possible committees. Gusto nilang malaman kung ano ang mga bakante.

Q: Ano na po yung mga final committees na makukuha nung tatlo?

SP Sotto: The way it is shaping up right now, Senator Lacson has already asked Senator Bato Dela Rosa na kung interesado siya sa public order, kunin na niya, so okay naman. Si Senator Bong Go, yung dalawa sa preferences niya parehong bakante, health at saka urban planning and housing. Interested din siya doon sa... yung mga ibang interest niya, napagusapan namin nung hapon na iva-vice chairman yung mga interested silang ibang mga committees, ganun na lang. Si Senator Tolentino, yung local government ang number one sa listahan niya. Tapos yung mga ibang preferences niya, sa tingin ko baka maayos natin yung mga vice-chairmanship kung sakali na pwede yung iba. Yung binanggit kong una, yun yung kung baga sure-ball na makukuha.

Q: What about Senator Imee and Senator Pia Cayetano?

SP Sotto: Wala nga si Pia kaya medyo na-stress niya sa akin yung mga interest niya pero hintayin ko na muna siya para maeksplika ko rin kung ano yung mga possibilities pa. Tapos yung kay Imee Marcos, yung interest niya yung social welfare at saka rural development, and then interesado siya sa agrarian reform, so, mag-usap naman kami siguro by next week. Pag nagawa ko na yung matrix, nakuha na namin yung matrix, and then I will talk to the people concerned like yung kausapin ko si Senator Cynthia Villar kung payag siyang ibigay yung agrarian reform kay Imee, yung mga ganun, kasi may equity of the incumbent nga. Mga ganun.

Q: Yung social welfare, sure na kay Imee?

SP Sotto: Yung talaga ang preference niya, number one yun, kaya nga kakausapin ko muna, ipapaalam ko muna (unclear) kasi iboboto namin yun talaga yun, wala naman kaming magagawa doon. Kakausapin ko muna si Senator Drilon, tapos si Senator De Lima.

Q: Yung ways and means may taker na po?

SP Sotto: wala pa. Sa grupo, pinaguusapan namin, kahit si Senator Lacson, ang gusto namin ialok kay Pia Cayetano, kung pwedeng i-chair kasi alam mo naman si Pia, nerd yun, so kayang-kaya niyang pagaralan talaga yun.

Q: Ano po yung originally na hinihingi ni Senator Pia?

SP Sotto: Education. Hinihingi pa rin niya yun kaya lang medyo may Kaunting conflict doon sa dalawang incumbent namin, hahanapan pa namin ng possible resolution yun.

Q: Tuloy po ba yung pagsplit into two committees ng education? Tapos mapupunta kay Senator Joel and Senator Win?

SP Sotto: Merong idea na ganun, pero gagawin pa namin yun on the floor kasi we will have to amend the rules.

Q: What about Senator Bong Revilla? Ano po ang possible na mapunta sa kanya?

SP Sotto: Ang gusto niya yung civil service at saka public information and mass media. Kaya lang gusto rin ni Imee yung public information and mass media.

Q: Pero igigive up po ba ni Senator Grace Poe?

SP Sotto: Oo. Nandoon siya nung gabi, sabi niya ibibigay daw niya.

Q: Kanino po niya gustong ibigay?

SP Sotto: Papalitan na lang niya ng iiwanan ni Chiz kung papayag siya sa majority. May papayag naman sa kanya.

Q: Ano yun, banks?

SP Sotto: Banks, oo.

Q: Kanino po niya ibibigay yung public information, kay Imee or kay Bong?

SP Sotto: Wala sa kanya yun, nasa majority yun kung sino yung ieelect namin, paguusapan pa namin. Baka sakaling magbigay si Bong kay Imee.

Q: Ano kay Senator Lapid?

SP Sotto: Kay Senator Lapid yung games, games and amusements. Bahala na daw ako kung ano ang bakante, sabi niya.

Q: Pa-clarify nung kay Senator Poe? Iiwanan na niya ang public info?

SP Sotto: Yes, she is willing to give up public information, but she wants to get the banks.

Q: You said 95 percent na po yung tapos sa committee chairmanships, ano po yung five percent?

SP Sotto: Yun na nga, wala si Pia, tapos meron pa kaming ikiclear na mga dalawa, tatlong committees doon sa mga incumbent, diba? So hindi natin pwedeng 100 percent sabihin. Pagka nagusap na kami ni Pia, then sasabihan ko yung mga iba, then pwede ng sabihin na siguro madali na ang ano.

Q: Yung committee on foreign relations?

SP Sotto: Ang kumukuha si Senator Pimentel.

Q: Kanya na yun since incumbent naman po siya?

SP Sotto: Oo. Walang merong interest na iba. Siya lang ang interested.

Q: Yung electoral reforms, kanya pa rin?

SP Sotto: Yung electoral reforms, hindi pa, wala pa. Isa pa yun, gusto kong kausapin si Pia Cayetano na hawakan niya.

Q: Pero di ba gusto ni Senator Ping yun?

SP Sotto: Pwede rin kaso nasa kay Senator Lacson yung defense.

Q: Ano ang conflict doon?

SP Sotto: Kakausapin ko rin si Senator Lacson. Alam mo naman si Ping, kung ano ang makabubuti sa majority, okay sa kanya.

Q: After last night's meeting, can we say na safe a po na yung leadership ay tatawid ng 18th Congress? You, Senator Migz, and Senator Recto pa rin yung leaders ng Senate?

SP Sotto: Syempre, gusto ko mang sabihin sa iyo na oo, pero mas maganda kung majority ang magsasabi at hindi ako, parang self-serving eh.

Q: But the newbie senators, nag-express ng support sa inyo?

SP Sotto: Yes.

Q: Pinaliwanag ba ni Senator Tolentino yung situation before, yung kinausap si Senator Villar, meron nga ba talagang threat before?

SP Sotto: Wala, Sabi ni Senator Tolentino naiintriga lang daw siya.

Q: Saan galing daw yung intriga?

SP Sotto: Hindi ko alam. Sabi niya nasa abroad nga ako, ako ang napapagbintangan.

Q: Yung constitutional amendments, kay Senator Kiko pa rin po?

SP Sotto: Walang nagexpress ng interest, so mananatili yun doon sa incumbent.

Q: Yung public services kay Senator Grace Poe pa rin?

SP Sotto: Oo.

Q: Ang minority bloc ay titirahan? What happens to the committees that they are holding right now? Yung kay Senator Hontiveros, yung women and family relations, mareretain sa kanya?

SP Sotto: Nirerequest din ni Pia Cayetano yun, kaya nga yun yung kasama sa five percent na medyo kakausapin ko muna. Kausapin ko muna si Frank bago ako makapagsabi noon.

Q: Ang sports?

SP Sotto: Si Senator Bong Go interesado. Yun ang pangatlo, yun ang third na gusto ni Bong Go.

Q: How will it work po?

SP Sotto: Sabi ni Manny ibibigay daw niya muna kasi para makatulong si Bong Go doon sa Southeast Asian Games na gagawin.

Q: How will it work po ba? Kung sino ang gustong pasahan ng committee? Kung sino ang gustong pasahan na chairman like sabi ni Senator Pacquiao, ibibigay niya yung sports?

SP Sotto: Yes, kasi ang nangyayari, pagpalagay mo ayun, katulad nun, gustong sabihin yung sinasabi ni Manny, gusto niyang ibigay kay Senator Bong Go yung sports, at gusto ni Senator Bong Go, doon sa takbo ng Senado, ang ibig sabihin nun, yung majority, will vote for him dahil gusto ng member. Nakuha ninyo? Yung pinaguusapan natin pagpalagay mo, si Senator Poe, ayaw niyang bitawan yung public services, yung majority babackupan siya nun. Ganun yun. We will vote. In other words, it is not the lone or the individual senator who says what he wants or what he does not want. He says that, but it is the majority that gives him the authority to do that. Everything that you are talking about, will be voted upon on the 23rd of July.

Q: Yung kay Senator Tolentino bale local government pa lang yung sure sa kanya? Hindi niya hinihingi yung public services?

SP Sotto: Hindi na niya hinihingi yun. Pinaguusapan na lang namin yung possibility na pwede siyang mag vice-chair or kung may bibitaw, pwede siyang either justice, or defense. Pero sa defense yung interest niya yung sa (unclear), NDRRMC? Siya ang dating nakaupo dun, di ba? Paguusapan na lang namin kung pwede siyang mag vice-chair kung sakali man. Basta as of now medyo ano pa yan, medyo napapagusapan pa.

Q: Sabi ni Senator Bong Go inoffer ninyo rin daw yung urban planning and housing?

SP Sotto: Oo.

Q: So apat yung waiting for him?

SP Sotto: Yung health at saka yung urban planning sigurado na sa kanya yun at saka sabi ni Manny igigive up niya yung sports para sa kanya, iyon ang third committee niya.

Q: Third committee sports, tapos vice chair ng educ?

SP Sotto: Yes, oo.

Q: Tapos si Tolentino vice-chair ng Blue Ribbon and justice?

SP Sotto: Oo. Hindi, ang gusto yata niya isa lang. I am not sure. Basta alam ko ang justice, gusto niya mag vice chair.

Q: Balikan ko po yung education, sure na na hahatiin ninyo sa dalawa?

SP Sotto: Well, that is the sentiment of the majority kailangan nilang pagbotohan sa floor para maging official.

Q: Gaano kahalaga po yung committee chairmanships?

SP Sotto: Pagka-tinanong mo yung mga incoming senators, talagang mahalaga yun kasi that gives them the (unclear). Ngayon, sa mga nandito naman, pwedeng ibigay, pwedeng hindi, ibig sabihin, later on you learn to play the rules. You can participate in any committee, you can dip your finger in any committee, on any bill handled by any committee, and there are ways for you to handle those bills in case ayaw galawin ng chairman or something like that. Mahalaga in the sense na it gives you a chance to promote your advocacy. Kunyari, mahilig ka sa sports, magandang makuha mo yung committee on sports. (Unclear) kung ano yung gusto mong ipasok sa batas or iupdate sa mga present laws.

Q: In terms of sa budget, may differences ba yun kung major committee ang hawak mo, or kung maraming committee yung hawak mo?

SP Sotto: Wala. Ang magaling diyan yung mga walang committee kasi may budget ka. Each senator has a budget for his office. Office of the Senator, yun ang budget niya, tapos may budget kaming lahat (unclear) committee budget. Isa, tatlo, apat, dalawa ang committee mo, isa lang ang budget mo. Isa lang. Isa lang ang budget whether dalawa or tatlo. Tsaka ang budget ng cultural minorities at saka ang budget ng Blue Ribbon, pareho lang.

Q: Magkano po yung budget?

SP Sotto: I am not sure, I am thinking off my hat, the entire budget, that means mga pang sweldo, lahat lahat, the committee secretary, nasa I think about P500,000, I am not sure.

Q: Per year?

SP Sotto: Tanong mo na lang sa budget officer.

Q: P500,000 per month per senator?

SP Sotto: Oo. For the committee, not for the senator.

Q: Ibig sabihin bawat committee, isang senador may P500,000 kada buwan?

SP Sotto: For the committees, that includes your MOOE and capital outlay, baka misinterpret ng mga tao na nabibigay sa senador yun, hindi. Kasama doon yung capital outlay, yung MOOE, yung personal services niya for the committee.

Q: Annual or monthly?

SP Sotto: Monthly.

Q: Yung science and technology kanino mapupunta?

SP Sotto: Wala pa. Marami pang bakante.

Q: Yung climate change po?

SP Sotto: Kay Nancy Binay.

Q: Yung membership ng Commission on Appointments, SET, napagusapan na po?

SP Sotto: Paguusapan pa lang namin yun. Medyo meron na kaming idea. Ano naman yun, dekahon. Like for example, if you are four in your party, you get two. That is Supreme Court jurisprudence. There is a Supreme Court jurisprudence on that matter. Kunyari anim kayo, tatlo ang seat ninyo. Ganun yun. Twelve seats lang sa ano. Meron namang seats sa SET, and then yung chairman ng justice ay hindi kasali, dahil meron siyang sariling JBC.

Q: How about the oversight committees?

SP Sotto: Hindi pa, tatapusin muna yung mga regular committees.

Q: Yung mga umattend kagabi, nakuntento naman po, at saka yung kay Senator Villar, nakausap ninyo na po ba?

SP Sotto: Hindi ko pa nakakausap si Senator Villar. I will try to find a way to talk to her soon, because kung ayaw naman niya wala namang problema. Alam naman ni Imee na hindi pwede pag ayaw nung chairman. Pero naalala ko nung Wednesday or Tuesday, naibilin niya sa akin yun, yung agriculture at saka environment ay huwag ninyo ng igalaw. Basta yung kanya, kanya, tapos yung agrarian reform, in case may interesado, let me know. Yun ang sabi niya.

Q: Yung finance kay Angara na talaga?

SP Sotto: Oo, Angara na.

News Latest News Feed