Press Release
August 14, 2019

Interview with Sen. Francis Pangilinan on rice tariffication, source of cash assistance for farmers, smuggling
With DZMM anchor Ted Failon, 14 August 2019, 8:45 am

Q: ...meron po kayong binabanggit po na 20-billion (pesos) emergency cash assistance, pa'no ba ito, Sir?

SFNP: Tama 'yan. Dalawang component 'yan. 'Yung sinasabi ni Sec. Dar, nasa batas 'yan. Na ang ACPC, 'yung Agricultural Credit (Policy Council), ahensya 'yan na attached to the Department of Agriculture, meron 'yang no interest loans na maaaring ibigay sa ating mga magsasaka. 25,000 in fact ang pupuwedeng ibigay diyan nang walang interest. So dapat itulak 'yan.

Pero naniniwala tayo na kulang ang halaga na ito dahil maliit lang ang budget ng ACPC. So mayroong existing sa 2019 budget na unprogrammed 10 billion, in anticipation doon sa pagpapasa nung rice tariffication measure, nilaan na ng Kongreso ang 10 billion. Unprogrammed pa 'yan sa 2019, so may pondo na 10 billion na nariyan. Ang nais nating gawin, 'yung unprogrammed fund na RCEF na 'yan na dapat ay napupunta--pagkilala ito na maaapektuhan talaga ang ating mga rice farmers at kinakailangang bigyan ng suporta.

Ang batas sinasabi 50% pupunta sa mechanization, 30% pupunta sa inbred seeds development dahil mas maganda ang ani 'pag inbred ang ginamit, at another 10% for loans, etc.

Pero kailangan mo 'yung cash assistance ngayon dahil ang computation po natin, 'yung halaga ng palay, last year P21.00 per kilo, this year P17 per kilo pero ang sinasabi naman ng DA, sa 11 provinces--ito ay nilabas ng DA a month or a month and a half ago--P11.00 per kilo na lang ang palay. Alam mo 20 billion pesos ng palay ang ating pino-produce annually. So sa P1.00 na bagsak, ang ibig sabihin po niyan ay 20 billion pesos 'yan kasi per kilo 'yan eh. Eh ang sinasabi nila P3.00 na mahigit anh bagsak ng palay nung nakaraang taon. So halos P60 billion, na dapat sana kung ibinebenta sa P21.00 kada kilo ang palay, eh ngayon P17.00 na lang, halos P60 billion na nasa bulsa na ng ating magsasaka last year ay nawala this year.

So ang halaga na dapat nating isuporta sa mga magsasaka--at ito rin ay base sa PIDS study, 'yung Philippine Instutute for Development Studies--aside from mechanization, aside from inbred seeds, dapat mayroong direct cash assistance.

So tama ang ginagawa ng Department of Agriculture dito sa cash assistance na sinasabi nilang maibibigay nung survival fund, pero baka kulang 'yon.

So 'yong 10 billion, hindi pa kasama dito--may information kaming nakuha, at may mga datos na galing sa BOC, at galing din sa DOF--na sa ngayon until July, another 10 billion na ang nakokolekta sa taripa dahil halos 2.355 million metric tons na ng bigas ang pumasok sa ating importation.

Q: Alright, sige po so ito po'y napakaganda nga na ibinabase po sa pag-aaral nang masusi para matantya natin kung magkano na ho anh nawawala sa bulsa po ng atin pong mga magbubukid. So, Sir, 'yung binabanggit niyo na perang ito, as in available ito sa ating treasury?

SFNP: That is right. Pero kinakailangan amyendahan natin 'yong rice tariffication measure para 'yong cash assistance--sa totoo lang, mayroong cash assistance component dito sa batas ng tariffication. Ang problema lang ay dahil Kongreso pa ang--number one, kinakailangan lumampas muna ng P10 billion 'yong taripa. Tapos, 'yong excess na taripa, out of the 10-billion, 'yong lampas na 10 billion, doon dapat kukunin 'yong cash assistance. Pero masyadong huli.

So ang gusto nating gawin, amyendahan 'yung batas by way of a joint resolution of House at Senate para 'yong cash assistance component kahit hindi pa umabot ng 10 billion ay puwede nang ilaan para sa mga magsasaka bilang direct cash assistance dahil direkta naman talagang nabawasan ang kanilang income.

Q: Para po maintindihan natin, mga kababayan, 'pag pinag-usapan ang pag-amyenda, napaka-long, tedious process iyan. Nabanggit po ni Ginoong Pangilinan 'yon pong joint resolution, may effect po ito kumbaga batas na po ito kung mapasa. Papaano po kaya ito? How soon can you get it done kung saka-sakali po na ito ay gusto ninyong i-push ho na amyenda?

SFNP: Kinakailangan ng kooperasyon ng economic team. Kinakailangan ng kooperasyon syempre ng House and Senate leadership. Pero marami nang pagkakataon na mabilis pa sa alas kwatro, ika nga. 'Pag talagang kinakailangan, mapapasa ang isang joint concurrent resolution para magamit na--actually, 10 billion 'yan dun sa unprogrammed for 2019 tapos another 10 billion na nakolekta na.

Pero ang problema rito, kinakailangan muna nating alamin nasaan na itong 10 billion na ito at kung ito ba ay nalaan na at nagastos na dahil kahapon sa ating privilege speech nabanggit ng chairman ng Committee on Agriculture na mayroon daw five billion na nalaan na from the Department of Agriculture at sinabing galing sa RCEF collection 'yon. Sabi ng ating chairman ng Committee on Agriculture, si Sen. Villar, gusto rin niyang malaman saan napunta 'yon. So we now have to determine, ito ba ay napondohan na? Pero base sa returns, hindi pa 'yan nalalaan. So 'yan, meron na riyang additional na pwedeng--'pag inamyendahan ang batas--pwedeng gamitin 'yang 10 billion na 'yan.

Q: Opo, kasi nga po napaka-importante ho ng ayuda ngayon para po sa ating mga rice farmers na nalulugi kasi ang worry ho ng iba, ako ang worry ko, 'yung mga rice farmers po ma-discourage na sa halip na magsaka eh ibenta na lang ho nila ang mga lupain nila o mag-iba ng hanapbuhay.

SFNP: Exactly, without that assistance sa ngayon, nawala na 'yong 60 billion year on year--dapat sana direktang pupunta 'yan sa bulsa ng ating mga magsasaka dahil nga palay 'yung binebenta nila, 60 billion worth of palay ngayon bumagsak ang presyo talagang kailangan nila ng assistance. Ang kinakatakutan pa natin, at ang fear dapat talagang mas maaga tayong kumilos.

60% ng ating ani sa bawat taon, September hanggang December. In other words, our palay production is this coming September, October, November, December, 'yung harvesting season. Ang fear ng ating mga nakausap na magsasaka, eh baka pumalo pa ng P7.00 per kilo ang palay. Dadagsa ang dami ng palay sabi nga nila, law of supply and demand. Kapag mas marami nang palay sa merkado, bagsak ang presyo. 'Yan ang dapat nating mabantayan. This second half, kapag hindi tayo kumilos the second half, bumagsak ang presyo, walang assistance sa farmer, tama 'yung sinabi mo, hindi na sila magsasaka, ibebenta na lang ang kanilang lupain.

Q: Opo, at saka 'yung NFA din, sabi ni Sec. Dar, they have about seven billion na para paikutin 'yung pera eh baka po 'pag hindi na-manage nang maayos 'yon, baka wala na ngang bumili po ng palay sa ating mga magbubukid, walang trader na bibili po sa halagang P12.00, P13.00, P14.00 niyan kasi nga suplado sila ngayon eh sa dami ng imported na bigas eh. Senador, ito lang po 'no, gusto kong i-quote ang bahagi po ng inyong speech kagabi, sabi ho ninyo dito, sa usapin ng rice smuggling through undervaluation, "One, pinabababa ang actual value in terms of quality. Two, it is undervalued in terms of quantity. Ibig sabihin nito, may sabwatan sa customs at sa mga trader. Kung ang totoong value ng kanilang biniling rice sa Vietnam ay 375 dollars per ton, they will declare it at 275 dollars per ton. I-de-declare nila as 25 percent broken, yun pala ay 5 percent broken lang."

Yes, sir. So I'm sure hindi kayo magsasabi nito kung wala kayong sources.

SFNP: Well, in fact, hindi lang isang source 'yan. Ang mga sources natin dyan, isang kasamahan natin sa Senado nabalitaan din niya, ilang mga nasa loob ng ahensya--alam mo dati tayong chairman ng NFA council so meron din tayong contacts. Matindi ang naging cooperation natin with the BOC noong panahon natin as chairman ng NFA council para talagang maliwanag kung ano ang pumapasok o lumalabas. So itong mga iba't ibang mga impormasyon na galing sa iba't ibang tao, nagko-confirm na mayroong undervaluation na kinakailangan na ngang mabusisi. And this, we are bringing to the attention of our economic managers dahil tayo ay may TRAIN 1, may TRAIN 2, gusto nating umangat ang kita ng gobyerno, pondo para sa mga proyekto. Pero dito, dapat mabantayan nang husto ito dahil talagang itong undervaluation, sabi nga nila, dekada nang nangyayari ang mga sabwatan lalo na kapag bigas ang pinag-uusapan, kaya hindi malayong 'pag hindi nabantayan, talagang tuloy-tuloy ang happy-happy, ika nga.

So dapat mabusisi ito. And that's why we are also calling for an investigation para matiyak na managot. At sa akin, gumawa ng inter-agency task force ang BOC, ang DOF, ang NFA, DA, para mabusisi nang husto 'yung labas at pasok ng importation ng bigas.

Q: Opo at saka ma-quantify natin magkano po ang leakage dito in terms of collection na dapat nga ay dagdag pondo sa RCEF natin sa rice tariffication law.

SFNP: That is right. Dahil lahat ng taripa ng bigas na imported, eh 'yug taripa na 'yan, 'yan ang inilalagay sa isang trust fund para sa RCEF, para matulungan ang ating mga magsasaka dito po sa assistance for mechanization, inbred seeds, training at 'yun cash assistance.

Q: So, 'yun po abangan po namin itong inyong ipapasa na joint resolution. I hope inyo pong makausap ang counterpart sa lower house para sabay po ang inyong kilos and then the convincing of our economic managers, I'm sure you're gonna meet them kasi ho ngayon malapit na ang budget season, Senador.

SFNP: That is right. Saka siguro one more thing, nabanggit mo 'yung sa House. Si Congresswoman Stella Quimbo, dati siyang commissioner ng Competition Commission, at nakita niya, 'pag bumagsak ng halos 17 percent ang presyo ng palay, pero hindi bumagsak ang presyo ng bigas, maliit lang, dalawang piso lang. Dapat ang bagsak ng bigas, anywhere between P4.00 to P6.00 pero ang nangyayari, P2.00 lang. So paano nangyayari 'yon?

Alam mo ang sistema niyan ganito eh. Bibili ka ng palay tapos imi-mill mo. 65 percent ng palay magiging bigas. So ang presyo niyan, halos doble. Kung binili mo ng P17.00, kikita ka na kung 'yung palay na P17.00 ay 'yung benta mo times two na bigas, P34.00, pero wala nang P34.00 ngayon. Mataas ang halaga. So ang concern nila doon ay baka mayroon na namang manipulation doon sa presyo para manatiling mataas. Kaya pwede ring pumasok ang Philippine Competition Commission, tingnan bakit hindi bumababa ang presyo ng bigas nang bahagya, bakit maliit lang ang bagsak ng presyo kung napakalaki ng bagsak ng presyo ng palay.

Q: At saka ho bakit 'yon pong magandang uri ng bigas na five percent broken ho ay pagkamahal-mahal considering po na baka ang pagpasok ho dito ay pagkamura-mura ng kanilang pag-angkat dito dahil nga sa maliban sa cost ng kanilang pag-aangkat, 'yung manipulasyon sa undervaluation.

SFNP: Yes, 'yon walang manipulation, ang estimate ng Department of Agriculture, ang landed cost ng imported rice, kasama na 'yong taripa, eh P25.00. So kung P25.00 'yan, o patungan mo ng sampung piso, P35.00, patungan mo ng labinlimang piso, P40.00 per kilo. Pero wala tayong makitang ganoong--

Q: --wala pong kwarenta ho na five percent broken, Sir. Wala. Mga P50.00, P55.00 na bigas, ito 'yung bigas pang-mayaman, ika nga.

SFNP: Ang ibig sabihin ng landed cost, binili mo na, galing sa abroad, kasama na lahat. Pagdating dito, P25.00 'yan per kilo. Kung meron kang transport, halimbawa dadalhin mo sa mga warehouse, dagdagan mo ng dalawa o tatlong piso, tapos ngayon ibebenta mo ng P50.00. Ang laki ng kita mo, hindi ba? Dapat sana diyan sabi nga nila anywhere between P35.00 - P40.00. Malaki na kita roon. Pero wala kang makitang ganoong presyo dahil nga ang laki nung kinikita dahil ang laki nung margin at patong.

News Latest News Feed