Press Release
August 15, 2019

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference (SIDA, toilet for LGBTQ, RCEF)

Q: Paano masosolusyunan ang hindi paggamit ng P2 bilyon?

Villar: Wala namang problema kasi P1 billion nuon ay infra, nagkagulo-gulo lang kasi ginulo ang sistema. But actually identifying P1 billion na infra, napakadali nuon like for example, sabi ng SRA they have identification of all the infra projects until 2022, ibig sabihin ang daming nakalista. Iyong manner lang kasi minsan pinipigil. Like for exmaple, gagawin mo ia-identify po, bigay mo sa DBM, ibibigay na ng DBM ang pera sa DPWH para iimplement ang listahan. Meron daw nag-memo na hindi pwedeng ibigay sa DPWH nang walang pirma niya kaya na-delay.

Q: Satisfied ba kayo sa explanation nila sa reasons ng underspending?

Villar: Hindi, kasi parang nagturuan na. Doon lang sa DPWH hindi nagturuan saka doon sa scholarship kasi malinaw na malinaw iyon, CHED. Iyong DPWH ginulo pa ayaw ipabigay sa DPWH.

Q: Is there a violation of the law?

Villar: Kasi hindi natin malaman kung ano ang reason natin doon. Ako naman hindi naman ako mahilig mag-investigate. Ang gusto ko, iyong mga problema i-solve na iyon and ma-implement properly kasi iyon ang importante sa mga tao, makarating sa kanila ang pera at project. Walang problema ang scholarship, wala ring problema iyong DPWH. Ang may problema iyong shared facilities program. Hindi nila malaman kung sino ang bibili, iyong PITC hindi makabili. Tapos iyong DOST hindi naman nila alam na pwede silang magpagawa sa DOST. Iyon ang may problema. Pareho iyong dalawang iyon pagbibigyan, iyong block farm saka iyong R&D, parehong kind of services. So that we have to fix and that is 30% of the budget. Iyong isang credit, Landbank iyon. So tatlo iyon, iyong dalawang 30% may problema, iyong 15% ng landbank we will see if landbank will reform para mas mabilis silang magpautang. But iyong dalawa, iyong scholarship saka DPWH, wala namang problema doon. May problema iyong 45%.

Q: May deadline po ba kayo?

Villar: We are telling them that in 2019, they have to rectify kasi mawawala na iyon. 2019 na ngayon, they have to implement this 2019. And then sa 2020, paghandaan na nila nang mas maganda. Nabawasan na sila ng budget P500 million na naman ang binigay sa 2020 so siguro sa budget hearing magmo-move kami na dagdagan.

Q: Mas padadaliin na ang mga proseso sa pagpapautang para sa magsasaka?

Villar: Oo. Kasi alam mo ang mga magsasaka, hindi naman sila magaling mag-loan. Kaya Landbank should consider that and make their process easy. Kasi kung pahihirapin nila, I don't think the farmers will be able to borrow.

Q: I-ensure na makakabayad...

Villar: Ang Landbank, ang pera nila na ito galing ito sa gobyerno. It's not a deposit from the public. Kaya lang mahigpit ang banko kasi the money they are managing is a deposit from the public. In this case, it's a grant of the national government to be managed by landbank. It's not even Landbank's. It's the money of the government intended to be lent to the farmers. Ibang-iba ito. Parang CSR ito, parang public service ito. Hindi ito iyong typical na loan nila na kinuha nila ang deposito ng public tapos pinahiram nila sa another private. Iba ito. This is completely different because this is a grant from the government. In fact, dapat wala nang interest ito dahil wala namang interes ang pera. Ang pwede lang nilang i-charge is operational cost nila for managing the money which they said is 2%.

Q: Bakit tumagal pa ng apat na taon ang underspending?

Villar: Alam mo kasi, matagal ko na iyang tinatanong and I have always been telling them. Sabi nila bigyan kami ng chance, parang nanghihingi sila ng tulong. Ayokong lumabas na ako ay imbestiga nang imbestiga everytime. Ngayon naman kasi after 4 years, siguro it's time to investigate. Matagal na eh, kung nagka-adjustment period, wala na dapat ngayon kasi 4 years na iyong fund. There should be no reason why hindi nila mama-manage ang fund.

Q: Who will be held accountable for the mismanagement of the funds?

Villar: Sila lahat--SRA, hindi rin sila ganoon kagaling, iyong mga pinagbigyan nila hindi rin ganoon kagaling. Lahat responsible.

Q: Ano ang binigay na reason ng SRA?

Villar: Kasi nga daw binigay nila sa Landbank, hindi napautang. Binigay nila sa PITC para bilhin ang equipment, hindi nabili ng PITC. Kasi iyong 30%, PITC ang bibili noon. Parang nagkamali sila ng pinagbigyan na agency.

Q: Magpu-push kayo ng additional budget for SRA?

Villar: Iyong P2 billion hindi magasta, magpupush ka pa ng additional? It's part of the law. Ang maipu-push lang namin sa budget hearing ibigay iyong P2 billion because that is the law. Ngayon, ayaw nilang ibigay because of underspending. So ngayong budget hearing, ire-request namin namagre-reform na sila, bigyan mo na sila ng mas malaki.

Q: Ibalik ang P2 billion?

Villar: Kahit hindi na P2 billion, kahit P1.5 billion. Masyadong maliit ang P500 million.

Q: On comfort room for LGBTQ

Villar: Sabi ko nga dapat gumawa na ng additional toilet or diba may toilet tayo para sa PWD? Baka pwede iyon na muna ang ipagamit. Kasi minsan may question, ano ba iyan totoo ba na babae or gusto lang pumunta sa girl's toilet. Hindi mo malaman, diba?

Q: May nakikita ba kayong danger doon pagdating sa mga babae?

Villar: Okay lang sa mga babae kung totoong LGBT eh kung magpanggap, paano tayo?

Q: In the meantime na wala pang gender-sensitive na CR,doon muna sila sa PWD CR?

Villar: Oo.

Q: Supportive din ba kayo sa SOGIE bill?

Villar: Okay lang iyon basta ilagay lang sa ayos. Kasi may negative, may positive. Supportive naman ako. Iba naman iyong binibugbog sila, sobra naman iyon. Ibig sabihin, hindi mo naman parurusahan. Kung nagkamali, bakit mo bubugbugin?

Q: Kasi daw po nababastos ang LGBTQ kapag gumagamit sila ng CR ng lalaki

Villar: Kaya dapat sa PWD na lang para wala nang problema. Hindi naman palaging nagagamit iyon. Kasi okay lang naman sa mga babae kung hindi sasamahan ng hindi totoo. Tayong mga babae okay lang naman iyon except kung pretending iyon.

Q: On RCEF

Villar: May program ang DA na bibigyan iyong displaced ng liberalization ng cash grant. It's in the law na in excess of P10 billion, they can give cash grant

Q: Dapat daw ontop of RCEF

Villar: May excess na kasi ang na-collect for the first 6 months 6.5 billion, 5 billion lang dapat may excess na na 1.5 billion. If you extrapolate ng one year, then that's 3 billion.

News Latest News Feed