Press Release
August 16, 2019

Transcript of interview of Senate President Sotto on rightsizing bill

Transcript of interview with dzMM's Ted Failon/ 13 August 2019

Q: On his filed bill on rightsizing the national government, how do you intend to reconcile that with the long list of proposed new agencies...

SP Sotto: I'll have to speak based on my opinion, saka perspective ko, kasi may merong ibang perspective yung ibang mga kasama namin, yung iba ayaw talaga. Ang possible lang sa kanila, department of OFW, yung iba ayaw nila. Mukhang tagilid eh. Pero yung rightsizing na tinatawag, may naka-file sa amin na bill. Yung rightsizing, to simplify it, like for example kung palagay mo ang Department of Finance eh 2,000 ang empleyado, kailangan ba lahat yung 2,000? Ganun eh. Lahat ng will undergo a rightsizing procedure doon sa mga provisions na gusto naming ipasa. Kasabay nito, kailangan talaga magkaroon ng programa ang gobyerno nung tinatawag na early retirement program. Kung magkakaroon noon, mas malaking kabawasan, gastusin ng gobyerno sapagkat ang tanong nga eh, tama ba ang size ng bureaucracy ng gobyerno? Kasi sa budget natin, ngayon P4 trillion, dun sa P4 trillion, 65% pambayad ng personnel services. Sweldo at kung ano ano. Tapos ang laki ng kinukuha natin doon para sa debt servicing. So ang liit-liit lang talaga ng supposed to be mga dapat na serbisyong dine-deliver ng gobyerno na directly. Pero kung mababawas nga natin yun, malaking bagay. Ngayon ang tanong, paano ngayon yan eh nagki create pa kayo ng bagong departamento? Palagay ko yun ang susunod na itatanong mo. Eh kung ira-rightsize natin yung iba, at yung mga iki create ay hindi magdadagdag, example, Department of OFW, eh pwede nating i-merge naman dun yung OWWA at POEA at mga bureau na nakatuon sa OFW. Pagkaganun pwede. Pero yung let's say Department of Culture, medyo hindi ko kapa eh. Siguro baka gusto nila siguro yung NCCA or something like that gagawing departamento. Eh kagagawa pa lang natin nung Department of Housing. Yan yung dating Ministry of Human Settlement. Yung ganun pwede yun. Pero pag bagong bureaucracy palagay ko kailangan kasabay muna yung rightsizing.

Q: Kagaya po ng Department of Water

SP Sotto: Ayan, medyo mabigat sa amin yan. Anong ilalagay namin dun? Yung MWSS?

Q: Yun pong NWRB yung National Water Resources Board

SP Sotto: Saka yung LWUA. Ayan kung ganyan, pwede. Pero kung gagawa tayo ng bago talagang bureaucracy, palagay mahihirapan sa Senado.

Q: Siguro nga po, pagkakataon din po ito para malaman natin kung yung OFWs department, POEA, OWWA kung pagiisahin sila, parang lalabas dito palalakasin mo sila, gagawin mong solo silang department, wala ng dagdag taba ika nga kasi nga you're streamlining eh

SP Sotto: Correct. Correct, yun. Kaya kailangan nun kasabay yung rightsizing. Kasi maraming ibang departamento na sabi mo nga, maraming taba.

Q: Department of disaster management

SP Sotto: Yun ang hindi pa, hindi pa namin napapag-usapan. Ano rin yan, kumbaga theory pa yung proposal eh. Anong pagsasamasamahin natin dun?

Q: Itong Office of Civil Defense...

SP Sotto: Nasa DND lahat yun eh. Ibig sabihin hindi specific yung mga function na work na 365 days a year. Although sabi nila dapat daw may preparation, medyo masalimuot pa ng konti. At then again, going back to the original proposal namin, mag rightsize muna tayo. Sobrang dami nating empleyado eh.

Q: At saka ang problema dito eventually nga yung pension ng mga ito eh, saka yung kanilang mga benepisyo

SP Sotto: Oo. Ganun talaga eh. May GSIS at kung ano. Pero sabi ko yung early retirement program palagay ko kasagutan dyan eh. Sapagkat sa pag-aaral na nabasa ko, oras na nag early retirement program tayo sa gobyerno, halos singkwento porsyento mag o off eh lalo na yung mabababa lang naman yung position, mababa sweldo, hindi importante yung function nila, tapos bibigyan mo ng lump sum. Makakapagtayo sila ng mga negosyo, ng kung ano ano. Maraming bibitaw eh. Sa pag-aaral halos 50% eh. Imagine kung let's say 30% mag off sa 65% ng P4 trillion, mga P2.8 trillion, sa P2.8 trillion kalahati or 30% nun ay mawawala, aalisin mo, magkakaroon ng early retirement program. Tatanungin nung iba, eh papano yun, saan nyo kukunin yung pambayad kanila? Yun ang iuutang natin. Pero one time yun. Ito, every year, na makakabawa ka ng almost P1 trillion a year na gastos ng gobyerno. Ang daming ospital at ang daming eskwelahan ang maitatayo nun.

Q: Mas maibibigay po yung pera sa mas masibhing pangangailangan ngayon ng taong bayan. Kumbaga po sir, ang lahat ng proposals ngayon ay dadaan muna sa masusing pag-aaral, mauuna muna yung rightsizing

SP Sotto: Opo. Tama. Sana yun muna kung pwede. Kung nagmamadali sila, kasabay.

Q: Alam nyo po yung EPIRA, gumawa tayo ng ERC? Alam nyo po dun sa ERC, yung kanilang commissioners, 7 sila dun, 7 years ang term nila. Alam nyo ho ba doon kapag na-appoint ka doon na ERC commission, pagtapos ng ng 7 years mo ang pension mo katumbas ng associate justice sa SC, for life

SP Sotto: Naku ang tindi ah. Nalagay ba sa batas yun?

Q: Yes sir, opo

SP Sotto: Naku po!

Q: So kung magretire ka at 40 or 45 (years old), for life meron kang tatanggapin na katumbas sa SC associate justice na pension. Ito po kumbaga yung mga hindi napag-isipan ng malaliman

SP Sotto: Oo eh leksyon na amin yan. Dito sa mga gagawin namin dapat walang ganun.

Q: Baka kasi tayo buo ng buo and then bibigyan mo ganitong sweldo, pag retire nya sa kanyang panunungkulan habangbuhay mo syang bibigyan ng ganyang kalaking pension eh palaki nga ng palaki ang ating gastusin kaya kailangan natin ng pondo

SP Sotto: Sasagutin ba nila lahat ng utang natin?

Q: Salamat po Titosen

SP Sotto: Thank you huh.

News Latest News Feed