Press Release
August 18, 2019

MESSAGE ON THE 7th DEATH ANNIVERSARY OF SEC. JESSE ROBREDO

Mabilis lumipas ang panahon. Pitong taon na pala ang nakaraan mula nang pumanaw ang isang kaibigan at kasamahan sa paglilingkod-bayan na si Secretary Jesse Robredo. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang lungkot at panghihinayang natin sa pagkawala ng isang tapat at huwarang lider.

Gayunman, nananatili po ang kanyang legasiya ng mabuting pamamahala, na siya namang patuloy na isinasabuhay ng kanyang pamilya, sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo.

With his "tsinelas leadership" and firm resolve to uphold good governance, Sec. Jesse set the bar high on being a public servant. Humility was one of his many traits which made him an outstanding leader. Through his programs, such as "Kaantabay sa Kauswagan," Sec. Jesse showed his genuine concern and compassion for the marginalized and empowered them to contribute to the progress of Naga. Instead of using gimmickry and launching projects for photo-ops, he displayed servant leadership.

Nang magsimula si Jesse na maglingkod bilang mayor ng Naga, hinarap niya ang matitinding problema ng kahirapan, laganap na krimen, mabigat na trapiko, kakulangan ng pondo ng gobyerno, hindi sapat na trabaho at pabahay. Nasolusyunan niya ang mga ito, sa tulong na rin ng mga ibang kapwa lider at mga mamamayan, kaya mula sa pagiging siyudad na mabagal ang paglago ng ekonomiya, naging primera klase ang Naga. Nagawa niya ito nang hindi namumulitika, hindi gumagamit ng dahas, at walang niyuyurakang karapatan ng ating mga kababayan.

Pitong taon na nga po ang nakaraan. Subalit natitiyak natin, lalo na sa panunumbalik ng madilim na yugto sa ating kasaysayan, na muling mananaig at mabubuhay sa puso't diwa ng milyon-milyong Pilipino ang katarungang panlipunan at mabuting pamamahala na ipinaglaban ni Sec. Jesse Robredo.

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

18 August 2019

News Latest News Feed