Press Release
August 20, 2019

AMBUSH INTERVIEW TOTAL ELECTRIFICATION PLAN & SOGIE BILL

Total Electrification plan

Q: Kanina sa Senate hearing, ang DOE ay wala pang ma-ipresent na total electrification plan, August 2018 niyo pa yata hinihingi yun, hindi po ba?

SEN. WIN: Yun ang hinihingi natin, yung total electrification program and strategy plus budget mula DOE dahil ang gusto natin ay ang lahat ng kababayan natin sa buong Pilipinas ay magkaroon na ng kuryente. Mayroon pang about 2 .3 million na mga kabahayan na wala pang kuryente. At isa sa mga hinihingi natin sa DOE ay yung strategy dahil ang target natin ay 2022, kailangan nating malaman kung paano nila maabot ang lahat ng kabahayan sa buong bansa.

Q: 2018 niyo pa hiningi Sir, bakit hanggang ngayon ay wala?

SEN. WIN: Sabi nila, nahirapan silang kumuha ng impormasyon sa mga kooperatiba at sa mga distribution utilities. Para sa akin, hindi dapat ganyan dahil mayroon silang kapangyarihan para pwersahin itong mga distribution utilities na magbigay ng plano. Ang importante rito ay pinipilit nila at parusahan ang mga hindi sumusunod dahil walang kuryente ang mga kababayan natin. Hindi naman ang mga kooperatiba at utilities ang nahihirapan kundi ang mga kababayan natin. August 2018 pa yan, August 2019 na tayo ngayon, isang taon na ang lumipas kaya kanina sabi ko i-submit na nila sa akin by Thursday.

Delay in delivering the electrification plan

Q: Anong magiging sanction ng komite dahil ang bagal eh.

SEN. WIN: Magkakaroon kami ng isa pang hearing at kung hindi sila susunod ay magkakaroon tayo ng mas mabigat na recommendation. For example, yung mga taong hindi magawa ang trabaho nila sa departamento ay humanap na lang ng mas kayang gumawa ng trabaho.

Q: 2022 ang deadline, sa tingin nyo, kung ganito kabagal ang DOE, maalangan ba ang project natin sa total electrification?

SEN. WIN: Kung isang taon ay hindi nila maibigay ang stratehiya, hindi ako naniniwalang by 2022 ay makakabitan natin ang 2.3 million na kabahayan na walang kuryente. Kaya talagang ginigiit ko sa kanila na ibigay na sa akin ang strategy plan kasi kailangan din nating maghanap ng pondo eh. Hindi lang naman papel ang kailangan natin kundi dapat ay pondohan din natin yung stratehiya.

Q: Sir nabanggit yung pondo kapag hindi binagay sa budget hearing, iipitin natin yung pondo nila regarding that?

SEN WIN: Hindi naman natin iipitin pero sisingilin natin sila sa budget hearing dahil kasama yan sa kanilang mandato na siguraduhin na merong kuryente ang lahat hg kababayan natin at yan din ang isa sa aking pakay na lahat ng kabahayan kahit nasa isla ka, kahit nasa bundok ka ay dapat may kuryente.

Q: Dapat ba dumalo si Sec. Cusi kasi ngayon hindi dumating?

SEN WIN: Dahil pangatlong hearing na ito mas mainam na si Sec. Cusi mismo ang magpaliwanag. After one year wala pang strategy, mas magandang marinig natin sa kanya kung bakit na dedelay yung strategy.

Solar para sa Bayan

Q: Solar para sa Bayan, immediate solution?

SEN WIN: Yung Solar para sa Bayan ang kanilang pakay ay makabitan yung areas na walang kuryente at yung may mga may problema sa kuryente pero iniintay natin ngayon yung IRR dahil hindi natin pwede hayaan na pumasok ang Solar para sa Bayan sa mga lugar na meron nang prankisa dahil magkakaroon ng gulo sa lugar na yun, hindi lang magkakagulo, tataas pa yung presyo ng kuryente doon sa mga lugar na kukunin nila. Importante na yung IRR ay klaro at yan ngayon ay ginagawa ng DOE na klaruhin yung mga patakaran.

Q: Chief pano if wala pa rin by Thursday yung masterplan?

SEN WIN: Kapag wala pa by Thursday yung master plan we would have another hearing, this time papatawag na namin si Sec. Cusi para maging klaro sa atin kung bakit wala pa yung strategy for total electrification, we will remind him, susulatan ko rin siya after this dahil after one year wala pa tayong nakikita strategy, yun yung pangako, in fact nasa masterplan ito ng DOE na magkakaroon na ng kuryente ang lahat by 2022.

Q: Ultimatum na yun Sir?

SEN WIN: Ultimatum na yun kailangan ng ultimatum or else di gumagalaw.

SOGIE Bill

Q: Your stand on SOGIE bill?

SEN WIN: Para sa akin one has to abide by the principle of respect dahil may mga kababayan tayo na naniniwala based on religion na babae at lalaki lang ang kasarian, at marami tayong religious schools, marami tayong mga establishments at dapat respetuhin natin yung mga paniniwala nila pero naniniwala din ako na dapat walang diskriminasyon sa ating bansa lalo na pag dating sa trabaho, pagdating sa pag nenegosyo, pagdating sa ibang mga gawain sa atin so I think ang importante dito ay respeto sa isa't-isa.

News Latest News Feed