Press Release
August 22, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon

Bombo Radyo

Q: On Mayor Sanchez

Drilon: Ako po ang Secretary of Justice na nagpa-convict kay Mayor Sanchez - 7 lives term po iyan. Ang sentensya niyan ay 40 years. nagulat po ako noong sinabi nila na dahilan sa good conduct allowance ay pwede nag palayin. Ako po ay magpa-flile ng resolution sa senado para imbestigahan ang Board of Pardons and Parole (BPP) sa kanilang computation. Dahilan sa ang balita ay involved siya sa drug trade sa Muntinlupa. Paano naman nakaroon siya ng allowance for conduct of good behavior? Ang balita pa natin ay mayroon siyang aircon sa kaniyang kulungan. Paano naman naging good conduct ito? Ating aalamin sa senado, mag-file ako ng resolution at hihingi ako ng imbestigasyon at alamin kung tama ba ang ginagawa ng BPP tungkol dito. Tayo po ang nagpakulong at nagbigay ng hustisya sa pamilya Sarmenta noong tayo ay DOJ secretary.

Q: Ano pa po ang magagawa maliban ditio? Ang sabi ng DOJ secretary ay hindi naman ito presidential grant at nasa batas ito.

Drilon: Pwedeng galing sa batas iyan, pero ang tanong ay kung tama ba ang pagpapatupad sa batas, dahilan sa mayroon tayong computation for good conduct allowance. Ngayon, ang tanong ay entitled ba siya sa good behaviour allowance? Ang sistemang ito ay kung ikaw ay walang ginagawang kasalanan habang ikaw ay nakakulong ay pwedeng iksian ang iyong sentensya. Kaya question of fact ito. Iyon ba ay talagang maayos? Wala ba siyang nagawang kasalanan? Pwedeng kwestyunin itong BPP kasi hindi pa naman nakakalabas si Sanchez. Ngayon pa lang, nakikiusap ako kay SOJ Guevarra at sa BPP na huwag munang i-implement ang inyong decision hangga't hindi nalalaman ng taumbaya ang inyong ginagawa. DZRH

Drilon: Kami mismo ang nag-prosecute niyan. Kami ang nagpakulong kay Mayor Sanchez. Ang aming testigo ay isa o dalawa sa kaniyang bodyguards na aming isinasalang sa Witness Protection Program.

Q: Ano ba talaga ang inyong naging findings bakit hinatulan?

Drilon: Ang aming theory noon ay silang pito ay nagsabwatan para ma-rape at patayin si Sarmenta at si Gomez. Sa ilalim ng batas, kung ano ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat kaya lahat silang pito ay pare-pareho ang hatol. Patung-patong kaya naging pitong life imprisonment ang sentensya ng bawat isa. Ngunit sa ating Revised Penal Code ay 40 years ang pagkakakulong.

Q: Paano natin mako-consider na good behavior?

Drilon: Iyan ang question na dapat nating ipasagot sa DOJ. Mayroon tayong batas na nagbibigay ng credit for good conduct behavior. Ibig sabihin, kung wala ka namang ginagawang kasalanan ay mababawasan ng ilang araw ang iyong sentensya. Noong ipinasa ang batas na iyan, ito po ay prospective application. Ang sabi ng DOJ noon sa panahon ni Sec. De Lima at ng DILG, ito po ay prospective in application. Ibig sabihin, hindi dapat kasama yung na-convict noong bago maipasa ang batas kasama si Mayor Sanchez. Unfortunately, noong dumating sa SC, ang sabi ng SC, dapat retroactive ang application nito.

Q: Kinontra ng SC, in other words, itong RA 10592?

Drilon: Hindi po nila kinontra kundi sinabi nila yung IRR ang binuo ng DOJ na nagsasabing prospective, ang sabi nila ay mali iya, ang application ay dapat retroactive. Ganunpaman, ang importante ay tingnan natin kung talaga bang entitled siya sa credit for good conduct behavior. Dahil maraming balita na kasama siya sa drug trade. Kaya ako mag-file ng resolution at hihingi kami ng investigation kung ano ang nangyari at kung entitled ba si Sanchez doon sa good conduct allowance.

Q: Ano po ba ang nasa batas para magkaroon ng credit?

Drilon: In general, huwag kang lalabag sa reglamento ng piitan in order na magkaroon ka ng kredito. Iyon po ay titingnan natin kung tama ang ginawa ng BPP.

Q: Hindi ba vague iyon?

Drilon: Lahat po iyan ay pwedeng gawin sa IRR. Hindi naman lahat ng circumstances ay pwedeng isama sa batas. Kaya general principles lamang ang nasa batas at ang implementation ay nasa IRR.

Q: Kalian po ang imbestigasyon?

Drilon: Himukin natin ang chairman ng committee on justice na sa lalong madaling panahon ay isalang ang imbestigasyon.

Q: Ano po ang nararamdaman n'yo ngayon na papalayain si Mayor Sanchez?

Drilon: Nalulungkot tayo dahilan sa hustisya ang hinabol noon at nagkaroon ng hustisya ang Sarmenta family. Naging malapit po sa akin ang pamilya niyan- yung si Mrs. Sarmenta ay staff noon sa House of Representatives - naging malapit sila sa akin dahilan sa ginawa nating puspusang trabaho noon upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang anak. Kaya nalulungkot ako. Ating iimbestigahan po iyan.

News Latest News Feed