Press Release
August 24, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DWIZ's Usapan sa Senado hosted by Mrs. Cely Ortega Bueno

Q: Kayo po yung unang umalma nang mapabalita na kasama si Mayor Sanchez sa ikinokonsidera na makalaya sa ilalim ng RA 10592. Ano po ba talaga, entitled po ba siya sa good conduct time allowance?

Drilon: Ang unang interpretasyon ng BuCor at DOJ at entitled si Sanchez dahilan sa good conduct time allowance (GCTA). Ngunit nang maraming umalma - isa na ako roon sa mga unang umalma - ay nagpalit sila ng interpretasyon at sinabi nila na hindi kasama ang heinous crime. Sa aking tingin, ang GCTA ay para doon sa walang ginagawang paglabag sa batas at sa mga regulasyon ng Muntinlupa. Sa manuals at IRR ng RA 10592, mahigit sa 40 na pagkakamali na maaring mag-disqualify sa isang prisoner. Isa na roon yung tungkol sa droga, kung siya po ay nahulihan ng droga. Iyon din yung paglabag sa ordinansa doon sa kulungan. Ang violation ng any rule ay disqualified sa GCTA. Nakita mo ba yung picture ni Sanchez, naka-jeans, naka-polo shirt, nakarelos, naka balat nsa sapatos. Iyan po sa regulasyon ng Muntinlupa, dapat po prison uniform at ang hindi pagsuot ng prison uniform ay isang paglabag sa patakaran to disqualify him from GCTA. Kaya po kwinestyon ko iyan ay bakit nagkaroon ng time allowance si Sanchez. Hindi po ako sang-ayon diyan kaya nilabanan ko. Kahapon sinabi ng Malakanyang na hindi sila sang-ayon na palayain si Sanchez.

Q: Kung hindi po kayo nag-ingay, baka nakalusot itong pagpapalaya kay Sanchez?

Drilon: Sigurado akong makakalusot iyan. Kaya ako nag-ingay, ako po ang nagpakulong kay Sanchez. Ako po ang namuno sa team of prosecutors, kasama sina Claro Arellano ng POEA atbp. Doon nakita ko how evil this person, Sanchez, was. Kaya masama ang loob ko na palalayain nila kung saan pawis at dugo ang ibinuhos namin diyan para lang makulong. Naawa ako sa pamilya na nagdusa kaya ako ang unang nagreklamo diyan.

Q: Kung nakalusot ito, mayroon bang dapat panagutin?

Drilon: Yung BuCor, kung sinoman ang may hawak ng records ni Sanchez. Bakit hindi ba lumabas itong paglabag sa batas ni Sanchez sa records ng BuCor? Iyan po ang isang tanong na dapat sagutin.

Q: Pero ngayon po ay sunud-sunod ang statement. Ang sabi ni Sen. Go strongly disagree ang Pangulo; nagsalita rin ang DOJ at sinabi na hindi kasama ang rapist murder; pati si Sec. Ano, it would become a mockery of the justice system.

Drilon: Eh sila rin po ang nagsabi na kasama siya sa umpisa. Kaya umalma ang buong bansa. Ngayon sinabi nila na hindi dapat kasama. Mabuti naman at na-realize nila yun.

May nagsabi na official ng BuCor, ang nagsabi na 49 years na yung na-serve ni Sanchez dahilan sa GCTA. iyan ang unang declaration nila. Kaya nang magreklamo tayo, pinalitan nila ang kanilang interpretasyon.

Q: Kahit may ganiyang development, dapat po na ituloy ang hearing sa resolution n'yo?

Drilon: Nasa chairman ng committee on justice. Dapat ituloy dahilan sa hindi lang si Sanchez ang involved dito - mayroon daw na 11,000 prisoners. That's a concern. Hindi lang si Sanchez ang involved, yung anim niyang bodyguards. Sila ba ay makakawala rin? Kaya dapat ay ituloy ang pagdining ng resolution na ating na-file.

Maganda ang objective ng batas. Iyan ang tinatawag nating restorative. Ang objective ng batas ay base ito sa good conduct, pero kung bad conduct, hindi mag-apply ang batas. Magkakaroong abuse of discretion diyan.

Ang sinusundan nating sistema ay restorative justice. Ang ibig sabihin ang pagkakakulong ay maibalik sa sambayanan ang isang nagkasala. Ngunit ito ay premise ay dapat at nakikita na maayos ang kaniyang pamumuhay, hindi lumalabag sa batas, sumusunod sa lahat ng programa at sumusunod sa rules ang regulations - which you cannot say Sanchez would qualify. He is not covered by the law is the sense na ang kaniyang ugali ay hindi consistent sa objective ng batas.

Kung iyan ang interpretasyon nila. Tanggapin natin kasi iyan yung paraan para hindi makalusot si Sanchez.

Q: Clearly, naka-state ba sa batas yung excluded ang heinous crime?

Drilon: Nakalagay po iyan sa provision tungkol sa crediting ng preventive imprisonment. Ibig sabihin ay kung ikaw ay nakakulong at nasentensyahan ka na, hindi mo pwedeng isama yung years na nakakulong ka habang dinidinig yung kaso kasi iyan ay heinous crimes. Sa ibang regular na kaso kasama yun. Ngayon in-apply ang prinsipyong ito sa kaso ni Sanchez at sinabi na dahilan sa heinous crime ay hindi siya pwedeng mag-avail ng GCTA. Hindi ganon ang unang interpretasyon nila. The fact na si Sanchez is about to be released ay nagpakita na iyon ang kanilang interpretasyon noon.

Q: Mukhang hindi raw nagpapakita ng remorse si Sanchez. Basehan po ba iyon?

Drilon: Well wala sa batas iyan. Ang nasa batas ay good conduct. Sa interpretasyon ng DOJ, kung ang kaso mo ay heinous crime hindi ka kasama sa benefits of the law. Iyon po ang interpretasyon ng DOJ at mabuti naman. Dahilan diyan kailangan siguro na rebyuhin nang husto kung sino ang hindi kasama sa GCTA.

Q: Dapat pong rebyuhin natin iyan kasi baka marami pang makalaya?

Drilon: Unang-una na diyan yung anim niyang bodyguards. Dahil uulitin ko lang, tayo po kasama ang mga kasamahan natin sa DOJ, na talagang sinikap na makulong si Sanchez. Sa katunayan, iyon ang isa sa mga unang pagkakataon na ginamit natin ang Witness Protection Program para tumestigo laban kay Sanchez.

Q: Sino po ang ipapatawag kung matuloy ang pagdinig dito?

Drilon: Yung BuCor officials. Tanungin natin kung bakit nila sinabi na pwedeng mapalaya si Sanchez sa ilalimng GCTA. At kung may kailangang pagbabago sa batas, gawin natin. We are not saying na perfect ang batas. Rebyuhin natin ang implementasyon. Kung nagkulang sila, bakit? Mayroon bang maling ginawa o may katiwalian sa recording?

Q: May nagsasabi na baka gamitin itong argumento sa death penalty.

Drilon: Natatawa lang ako diyan. Ang ibig bang sabihin, kung mayroong death penalty noon hindi niya ginawa ang krimen? Nakita ko mismo ang mukha ng mayor. May death penalty man o wala, gagawin niya yung krimen. Yung certainty ng kaniyang pagkakakulong dahil pinagsikapan natin iyon, iyon yung deterrent.

Q: Ano po yung status ng inyong resolution para makapag-participate si Sen. De Lima sa hearing sa senado?

Drilon: Kung hindi ako nagkakamali, nasa committee on rules.

Q: At ito po ay suportado ng minority at majority senators?

Drilon: Ah, co-author ko si Sen. Lacson. Bipartisan po iyan. Sana madining na ito ng komite. Kung hindi ako nagkakamali, birthday niya sa mga susunod na araw, this could be a good development for her kung mapagbigyan na makasali sa debate si Sen. De Lima.

News Latest News Feed