Press Release
August 26, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DZMM hosted by Kabayan Noli De Castro

Q: Pwede po bang tumakbo si Sanchez sa SC?

Drilon: Pwede po iyan dahilan sa ang kanilang dating interpretasyon ay talagang sinabi nila na baka ma-release na si Sanchez dahil doon sa good conduct time allowance (GCTA). Pwede siyang tumakbo sa SC. Kung inyong maalaala, ang unang interpretasyon kasama si Mayor Sanchez. Sa bagong interpretasyon, hindi na kasama. Kaya hindi mo mapigil si Sanchez na tumakbo sa SC at sabihin na hindi sang-ayon sa batas o ang tinatawag nating abuse of discretion o may pagkakamali sa pag-implement ng batas, kaya ang husgado ang dapat na magdesisyon kung talagang kasama siya o hindi.

Q: Ang DOJ daw i-inform ang SC na sususpendihin muna ang implementasyon ng GCTA

Drilon: Ako'y sang-ayon diyan at sinusuportahan. Ngunit ang tanong natin, ilan na ba ang napalaya dahil dito? Kung ating maalaala, ang sabi ay mahigit 11,000 ang eligible na makalaya under the GCTA. Mayroon na bang napalaya? Kasama ba rito yung anim na bodyguards ni Sanchez? Kung magbago sila ng interpretasyon at hindi kasama ang convicted of heinous crimes, ano ang gagawin natin sa mga guilty of heinous crimes pero dahil sa kanilang interpretasyon noon ay nakalaya na. Kaya ang unang tanong: May nakalaya na ba? Sino sila? Ano ang kanilang nagawan krimen? Ngayon kung babaguhin nila at sasabihin na hindi kasama ang guilty of heinous crime, ano ang gagawin nila doon sa mga napalaya na na guilty of heinous crimes?

Q: Tama po ba na nasa batas na kapag heinous crime hindi kasama sa GCTA?

Drilon: Iyan ang bagong interpretasyon nila at dahilan diyan ay hindi mapapalaya si Sanchez. Obviously, last week ang sinasabi ay kasama si Sanchez; ngayon ang sabi nila ay hindi na kasama.

Q: May naunang sinabi ang tagapagsalita ng BuCor na si Sanchez ay nagsilbi na ng 49 years na?

Drilon: Ang ibig sabihin in that statement na sa kanilang interpretasyon ay kasama si Sanchez doon sa GCTA. Otherwise, paano mo masasabi na 49 years na, fully served na? Ngayon ang sinasabi nila ay hindi na qualified. Ang ibig sabihin, yung sinasabi ng batas kung ikaw ay detention prisoner ang period kung saan ikaw ay detention prisoner ay ibabawas sa sentensya after finally convicted. Ngunit ang rule na ito ay hindi mag-apply kung ang convict ay nakagawa ng heinous crime. Iyan ang nakalagay sa interpretasyon nila dati. Last week ang sinabi nila kahit heinous crime ay kasama ka kaya nila nasabi na si Sanchez ay kasama sa 11,000 inmates. Ngayon binago nila at sinabing hindi kasama sa GCTA ang convicted of heinous crime. Dahilan dito sa iba-ibang interpretasyon ay pwedeng pumunta sa SC. Marami pang pag-aralan tungkol dito.

Q: Ang mga kababayan natin ay naguguluhan, yung sinasabi na 7 life terms, ang sabi nila ay 40 years times 7?

Drilon: Tama po iyan, dapat ay 40 years times 7. Ngunit nakalagay naman sa ating Revised Penal Code ay wala namang dapat makulong nang lalagpas sa 40 years. Kaya kung sentensya mo sa isang kaso ay 25 years at sa pangalawang kaso ay another 25 years, ang sinasabi ng batas ay pwede mong i-serve simultaneously, dahilan sa hanggang 40 years lang ang pinakamahabang pwedeng makulong ang isang prisoner. In the case of Sanchez, pitong life terms dahil sa prinsipyong the act of one is the act of all. Pero hindi lalagpas ng 40 years.

Sa kaso ni Sanchez, hindi niya inaamin yung crime niya at hindi siya humihingi ng tawad. Walang remorse.

Drilon: Technically speaking lang, ang lack of remorse o hindi pagsisisi ay wala sa batas, for purposes of GCTA. Ang tinitingnan sa GCTA law ay kung siya ay lumabag sa batas habang siya ay nakakulong, kapag hindi siya in prison uniform, hindi siya dapat mabigyan ng good conduct time allowance.

Q: Pwede ba nating ayusin ang GCTA?

Drilon: Pwede po iyan.

Q: Kasi ang binabanggit ni SOJ there are exemptions from the GCTA law.

Drilon: Tama po iyan. Iyan yung sinasabi kong bagong interpretation. Kasi ang dating interpretation ay yung dating convicted of heinous crime ay kasama sa GCTA kaya nga sinabi nila na 49 years nang na-serve ni Sanchez.

Drilon: Hilingin ko kay Sen. Gordon kung pwedeng ma-set yung hearing kaagad. Kailangang ipaliwanang kung ano nangyari. Paano nagkaroon ng GCTA at paano nasabi na 49 years nang na-serve ni Sanchez yung kaniyang term.

News Latest News Feed