Press Release
September 1, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DZBB Bantay Balita sa Senado hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Unang-una, si BuCor Chief Faeldon hindi raw pupunta bukas?

Drilon: Mayroon siyang subpoena kaya dapat magpaliwanag si Faeldon kung bakit hindi siya dapat i-detain sa senado. Sa akin, hilingin ang paliwanag. Kung walang justifiable reason, dapat i-detain siya hanggang sumagot siya sa mga tanong ng mga senador.

Q: Gaano po kahalaga na nandoon si Faeldon?

Drilon: Malaki, dahilan mayroong department order ang DOJ noong 2015 na ang sinasabi sa ilalim ng RA 10575 o Bureau of Corrections Act of 2013, na nagsasabi na ang SOJ ang dapat mag-apruba ng pagpapalaya ng prisoners na may life imprisonment sentence. Ipinaliwanag ni SOJ na noong 2015 sa ilalim ng dating SOJ secretary at ngayon ay SC justice Caguioa, lahat ng pag-release na may life imprisonment ay dapat aprubahan ng SOJ. Ang unang tanong, pinaaprubahan ba ang release nitong 1,914 na mga prisoners sentenced of life imprisonment? Pangalawa, paano naman na-released yung 1,914 prisoners kung sila ay hindi covered? Pangatlo, kung darating si SOJ Guevarra ay dapat alamin din kung ito ba ay nirebyu niya, itong pag-release ng offenders convicted of heinous offenses.

Q: Doon sa GCTA Law, mayroong provision na decision lang ito ng director-general ng BuCor?

Drilon: Tama po iyan. Ngunit, liwanagin ko lang, mayroong batas, RA 10575 o Bureau of Corrections Act of 2013,na nagsasabi under Section 38, the DOJ shall retain authority over the power to review, reverse, revise or modify the decisions of the BuCor in the exercise of its regulatory or quasi-judicial functions.

May kapangyarihan ang SOJ na rebyuhin, revise, o modify sang-ayon sa batas. At mayroong Department Order na nag-re-require ng approval ng SOJ in cases of prisoners sentenced of life imprisonment.

Q: Walang conflict sa RA 10575 at GCTA Law?

Drilon: Wala po. Ang ibig lang sabihin lang kung hindi ka convicted ng heinous crime, hindi kailangan ng approval ng SOJ. Pero pagdating sa mga heinous crimes ang kaso ay kailangan ang approval ng SOJ, sang-ayon sa Bureau of Corrections Act of 2015.

Q: Yung mga kaso po ni Sanchez at sa pumatay sa Chiong sisters, dapat po dumaan iyon sa SOJ? Kung hind, ano po ang ibig sabihin non?

Drilon: Ibig sabihin, yung pagka-release dahilan sa GCTA ay invalid, dahil walang approval at pwedeng hulihin ulit yung mga na-release. Itong 1,914 prisonsers convicted of heinous crime, pwede silang bumalik sa kulungan dahilan sa hindi ito dumaan sa DOJ.

Q: Kung ma-review nga na mali, paano pa papabalikin yung 1,914 prisoners?

Drilon: Kaya po iyang hanapin at mayroon namang records. Ang ibig lang sabihin, mayroong order na dapat silang ibalik sa kulungan.

Q: Since may subpoena na si Faeldon at kung magmatigas siya katulad doon sa nangyari sa investigation sa drug smuggling, pwede ulit humantong sa pagpapakulong sa kaniya?

Drilon: Tama po iyan, magiging contempt iyan. Ngunit dapat bigyan natin ng pagkakataon si Faeldon na magpaliwanag, assuming na hindi siya sisipot. Ang komite ang mag-determine kung valid ang kaniyang excuse.

Q: Kapag hindi siya sumipot, baka isipin na umiiwas siya?

Drilon: Isa po iyan sa mga konsiderasyon kung tatanggapin o hindi ang kaninyang excuse. Kung hindi tatanggapin for whatever reason, he can be compelled to appear.

Q: Kung wala man si Faeldon, pwede pa ring ituloy ang hearing?

Drilon: Sa akin, pwede kung nandoon si SOJ at ilang BuCor officials. May isang sinabi, yung Maria Fe Marquez, na sinasabing technical superintended ay siya raw ang pumirma para palayain ang convicted sa Chiong sisters rape slay. Huwag nating kalimutan na itong hearing ay in aid of legislation. Titingnan natin kung tama ba ang implementation ng batas o kailangan ang pagbabago ng batas. Importante ang presence ni Faeldon, ngunit kung wala siya hindi ibig sabihin na mawawalan na ng bisa ang hearing. Marami pang puntos na dapat malaman. Sa akin po dapat ituloy. Pero rerespetuhin natin ang decision ni Sen. Gordon.

Q: Should the President sack Faeldon?

Drilon: Alam mo, kahit saan siya pumunta mayroong controversy. Mukhang tuloy pag-iisipan mo kung dahilan ba sa kanya iyan. Siguro naman panahon na para palitan si Faeldon.

Q: Kailangan na siyang sibakin?

Drilon: Malaking controversy ito ay nagpapakita na may pagkukulang siya, lalo na sa pagpapatupad ng GCTA law at lalo na yung pagkuha ng approval ng SOJ in case of prisoners convicted of heinous crime sang-ayon sa DOJ department order at sa RA 10575.

Q: Ang sabi ni DOJ USec. Mark Parete, sinasabi niya na under GCTA mayroon nang napalaya at binatay ito sa IRR ng batas at may pagkakamali raw sa IRR kasi hindi naisama roon yung convicted of heinous crime?

Drilon: Maliban po diyan, ang sinabi ko nga ay kailangan ng clearance ng SOJ kapag ikaw ay sentenced to life imprisonment. Hindi iyan sinunod. Uulitin ko lang, hindi lahat sa 11,000 prisoners o kung ilan man iyan ay hindi lahat napalaya dahilan dito sa interpretasyon sa GCTA. Ang tinutukoy natin yung 1,914 na prisoners na napalaya dahilan sa maling intepretasyon ng GCTA law at saka yung walang pahintulot ang SOJ sang-ayon sa department order ng DOJ.

Q: Na-review n'yo na po ba ang IRR?

Drilon: Tama po si undersecretary na hindi nabanggit iyan. Ngunit iyon naman ay IRR lang, ang batas yung mangingibabaw.

Q: Dapat may prudence man lang yung nagpapatupad ng batas, dapat tiningnan din yung main law?

Drilon: Dapat tiningnan nila yung main law at saka yung mismong patakaran nila sa SOJ sang-ayon sa department order ng DOJ noong 2015 at doon sa RA 10575 na nagsasabing ang may kapangyarihan ang DOJ to review, reverse and modify the decisions of BuCor.

Q: Yung batas ang papahalagahan. Kung hindi tiningnan yung main law at hindi na-consult si SOJ, may "hiwaga" na ron, Sir?

Drilon: Mayroong parusa ang hindi maayos na parusa sa pagpapatupad ng GCTA law. Mayroong penal provision iyan. Ikukulong ng isang taon at may fine na P100,000 at perpetual disqualification from holding public office for every public official na lumalabag sa GCTA law. Ito ay dahil iniingatan ng batas na huwag abusuhin dahil it involves service of sentence. Ito po ay isang mahalagang bahagi ng ating sistema ng hustisya sa ating bansa. Kung papabayaan mo lang, you are making a mockery of our justice system.

Q: Pakipaliwanag nga po bakit may GCTA?

Drilon: Mayroon na dati iyan. Dahilan sa ang ating sistema ay tinawagan nating restorative justice, binibigyan ang nagkakasala ng oportunidad to redeem themselves. Ang sabi nga ni Sen. Bato, give a second chance. Iyan ay rehabilitation. Iyan ang primary aim ng ating criminal justice system. Ang layunin ng ating criminal justice system ay rehabilitation.

Q: Pero yung mga convicted ng heinous crimes, hindi deserving ng second chance lalo na kung recidivist sila?

Drilon: Tama po iyan. Unang-una, as a matter of policy, yung rehabilitation ang presumption ng batas kapag heinous crime ay medyo mahirap in 40 years ang rehabilitation kaya hindi sila kasama. Iyan ay tinatawag nating retributive justice. Ngunit sa ibang krimen ay applicable po.

Q: Dito sa pinag-uusapan natin na RA 10592, kaya raw nasakop dito si Sanchez at yung pumatay sa Chiong sisters, ngayon ay lumilitaw na may release orders na sa kanila. Wala pang isang buwan, mayroong na kaagad mag-benefit?

Drilon: Medyo masyado silang "efficient." Sa batas, hindi naman iyon lang ang standards. Mayroon pang ibang sinasabi na maliban sa strict computation, kailangan din ang active involvement sa rehabilitation program na dapat kasali sila. Saka dapat may mga exemplary deeds. Yung rules ay hindi lang tungkol sa computation, pati na rin yung faithful obedience to prison rules, katulad yung wearing of uniforms. Sa manual nila, mayroong 49 prison rules na dapat sundin.

Q: Ano pong masasabi ninyo na up to now, nagke-claim ng innocence si Sanchez?

Drilon: Ang testigo ko diyan ay yung kanilanga dalawang bodyguards. Hindi po circumstancial evidence kung hindi direct testimony galing sa dalawang kasama doon sa pagdukot sa dalawang estudyante, pero hindi sila kasama sa pagpatay at pag-rape.

Q: Hindi po siya deserving ng second chance under GCTA?

Drilon: Sa akin po hindi dahilan sa hindi sila sakop ng GCTA. Kung susundin ang batas, mayroong proseso. Isa sa ating titingnan ay kung sinunod ba itong proseso, dahilan sa clear sa proseso na mayroong management screening and evaluation committee, na siyang nag-mi-meeting para i-evaluate record ng bawat isang nakakulong. Ito po ay dapat may minutes sang-ayon sa rules nila.

Q: Iyan po ang hahanapin natin sa hearing. Maraming salamat po, Senator.

News Latest News Feed