Press Release September 4, 2019 Transcript of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan's Doorstop Interview on Faeldon SFNP: He should resign. Naniniwala ako na dapat magbitiw na siya dahil malinawag na nagkaroon ng kapalpakan sa proseso na hindi tama. Walang coordination sa Department of Justice, hindi sinunod 'yung department order. Una dinedeny na mayroon siyang kinalaman sa release 'yun pala siya naman talaga. Ang daming mga hindi tamang kilos. Hindi na tama doon sa BOC, nakalusot 'yung tone-toneladang shabu. Hanggang ngayon, nilipat na sa BuCor ganun pa rin. Palagay ko dapat maawa naman ang ating gobyerno sa ating mga kababayan. 'Yung mga ganitong klaseng kilos hindi na dapat palagpasin. Question: Hindi na dapat i-recycle? SFNP: 'Yun na nga. Kasama na 'yon. |
Thursday, April 25
Wednesday, April 24
|