Press Release
September 12, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with DZMM Teleradyo

Anchor: Masaya dun (Bucor) Sir.. Malaki kitaan everything is for sale eh..

SP Sotto: Oo nga talaga naman at kami mismong nahihilo.. hindi ako makali.

Anchor: Oo nga napansin nga kita kanina hindi ko alam kung ngingiti ka o magsisimangot ka..

SP Sotto: Oo naririnig ko nga sa inyo kanina dahil inilahad nyo kanina yung mga money making schemes.

Kukumpletuhin ko lang yun isa, yung sinsabi ninyo yun kidnaping, ang kinikidnap yung asawa. Hindi tilapia. Pagka may dumalaw yung medyo may kaya dun... may dumalaw na asawa o girlfriend paglabas, yun yung kikidnapin sa labas. Kaya magbabayad yung preso eh. Dahil kung tilapia yun ano ang pakialam niya.

Anchor: Ah dapat asawa, hindi Tilapia? yan yung mga babaeng mababa ang lipad, yung mga bayaran.

SP Sotto: Nakakaawa din naman kase mga gipit din siguro yung mga yun kaya pumapatol sa ganun, kaya lang talagang kinukunsinti nila eh, yun yung mabigat eh, yun ang mabigat eh.

Anchor: That was I wanted to verify Tito Sen kung ang sinsabi ninyo nga ay yung asawa ang kinikidnap. Saan po dinadala ang kinikidnap?

SP Sotto: Doon lang. Sa pali-paligid. Kontrolado nila yun ang sindikato dun sa NBP buong paligid yung 378 hectares na yun ay talagang grabe ang control dun eh sari-saring kabahayan na yun.

Anchor: But it doesn't necessarily mean na ipinapasok ulit sa loob (kidnap victim)?

SP Sotto: Hindi, outside. Paglabas, kikidnapin sa labas tapos ipapatubos.

Anchor: Tama ba P200K

Sp Sotto: Depende sa kakayahan. Karamihang nadadale din dun yung mga kapwa nilang drug lord o kaya yung may mga kaya dun.

Anchor: Hindi naman sa marumi ang isip ko no pero di bale na kung kidnapping lang eh pano kung gahasain pa ho iyun?

SP Sotto: Yun ang nakakatakot dun. Pero ako sa tingin ko luko-luko sila kapag ginawa nila yun kase... Yung preso, yung inmate na kanilang hinihingan babalik at babalik yun. Hahanap ng paraan yun. Matutunton din yan eh.

Anchor: kayo ba nagulat pa kayo o hindi na. bago itong mga narinig ninyo?

SP Sotto: Nagulat ako nung pinagsusumbungan pa lang kami. May naririnig tayong ganun eh so naririnig na natin yun medyo may ano ka na, na totoo kaya ito? Pagkatapos eto may mga lilitaw at lalapit sa amin na ang kwento kahit pag bali-baligtarin mo ay accurate. At saka ang number one investigator namin, yung number one police ng senado, si Ping, kayang-kaya sila paikut-ikutin sa mga tanong nun. So alam niya kapag sinabi ni Ping na hindi nagsisinungaling ito, alam naming hindi nagsisinungaling. So pag dating dun syempre shocked kami sa mga kinukwento pero katulad sa hearing kanina, ine-expect ko na . ine-expect ko na sasabihin nila ang lahat ng nalalaman nila. Para lumitaw.

Anchor: kaya nga ikaw yung tumayo at sinabi mo na bigyan ng legislative immunity yung dalawa.

SP Sotto: Yung dalawa talagang nasa WPP yun, meron na sila, talagang nasa loob na sila. Kaya lang syempre baka may mga mag dunung dunungan dyan, yung mga sinasabi nila ay baka mamaya meron mga alam mo na, may sasabihin--"ay hindi pwedeng pagusapan yan, may mga ano yan..." Kaya siniguro namin na katulad nung ginawa ng House of representatives dun sa mga testigo nilang ganyan ay binigyan ng legislative immunity.

Achor: what also bothers me dito sa capital sins na binaggit nila yung catering sabi nila as much as 800k ang binibigay sa bucor director tapos yun SOP pasalubong sa bagong Bucor chief tapos yun special request kapag nagpa-party umaabot hanggang sa DOJ secretary. My question is yun catering at SOP, yun isa sa mga senador ngayon Si Sen. Bato po was one time a Bucor chief did he confirm na may natanggap siya o may alok sa kanya para payagan iyong catering and other special requests?

SP Sotto: Wala siyang nabanggit tungkol sa ganun hindi namin napag usapan yun kase ang pagkakatanda ko yung pasok ni General Bato kung maaalala ninyo ay kasalukuyang kaguluhan dun. Kaguluhan kasalukuyan dun eh di'ba yun ang SAF ang may hawak, inalis lahat ng mga gwardiya... It wasn't like the good old days. So medyo siguro hindi ganun. Even sa time ni Faeldon baka hindi rin. Hindi din natin masabi, kase medyo magulo eh, nung ipasok sila kalog eh, nakakalog sila sa kasalukuyan eh, dun naimbento yung building 14.. na later on nalaman natin na sa maximum saka sa building 14 eh mukhang ngayon nagagawa nanaman ulit yung dati.

Ang isa dun sa 7 deadly sins na sinsabi ninyo yun pasalubong bukod sa pasalubong, bukod dun sa catering, ay yung kapag daw nagpatawag sila, nagpatawag ng meeting ipinatawag yung mga big shot dun dahil merong sasabihin, merong announcement or whatever, pagdating palang daw may mga dala-dala nang mga regalo eh.

Anchor: parang alam na nila na hinigan sila, kokotongan na sila?

Sp Sotto: Oo, ganun ang dating, kaya nagulat daw siya, sabi nitong si Ragos, --"nagulat ako nagpatawag ako ng meeting para sabihin na itong mga ganito mga ganyan, yung grupo ng bahala, yung mga ganun nagbibigay ng kugn ano-ano"-- abay dumating may dala-dala raw na sing-sing na 600k ang halaga, yung isa daw may dala-dalang... Kaya nagulat daw siya, natawa nga ako sa sagot niya eh, kase ang sabi hindi ko kailangan ngayon yan...ah ibig sabihin hindi mo kukunin ngayon ah...

Anchor: Sabin ni Usec. Marco, tinanong ko kung ilang tao ang PDL ang nasa loob ng NBP, ang sabi nya nasa 40 to 50k would you know kung ilan dun ang mayayaman who can afford these rates kase to pay for a girl for 30k to give 800k for catering magbibgay ka ngsing sign na 600k, gaano ba kadami ang mayayaman nanasa loob?

SP Sotto: Hindi naman masyadong marami palagay ko. Kase yung 40k na sinasabi mo buong Pilipnas yun eh... sa NBP 36K ba o 26K...

Anchor: Pero yung narinig ko kanina parang umaabot sa more than 20k yung mga life imprisonment..

SP Sotto: Oo, marami yung life imprisonment, pero madami dun na kung hindi ako nagkakamali, rape eh, so yung iba dun hindi may kaya. ang mga alam mong may kaya dun yung mga illegal drugs, drug lords o kaya mga murder.. pagkatapos meron isa dyan yung si Colangko, hindi naman drugs yun eh kidnapping yata o something like that eh pero later on it turned out na ang kwento nila Ragos at saka ni Ablen, eh mga NBI sa loob yun eh edi syempre alam na alam nila at madaling mag imbistiga yung mga yun, nugn una daw yun parang facilitator lang daw talaga eh.. later on daw pumasok na sa pagbebenta kase ang operation nila nagooperate sa labas eh.

Anchor: Tito Sen. itong sina Atty. Santos, si Chito Roque at si Dr. Celes, you cited them for contempt of court, ano pong plano ninyo sa kanya? Ano ba ang gusto niyong marinig? Anong gusto niyong ipiga sa kanila na hindi ninyo narinig kaya niyo po cinite for contempt po sila?

SP Sotto: Alam namin ang sagot eh dun sa mga tinatanong sa kanila pero ayaw nilang sagutin or sinasagot nila ng mali.

Anchor: Evasive

SP Sotto: Oo

Anchor: Like what questions po?

SP Sotto: Obvious na obvious ayaw pa. Ngayon, itong pagkaka contempt sa kanila total puro sila lalaki magkakasama sila dun sa isang kwarto, buti na lang may isa pang bakanteng kwarto dun eh.

Anchor: Bakit sino pa ba yung nasa ibang kwarto po?

SP Sotto: Yung mag asawang testigo naman yun, mga whistleblowers. So hintayin natin baka in the next few days baka magpasabi sila magsasalita na po kami. Kaninang umaga sabihin ko na ito, mabuti na yung ika nga eh nagsasabi ng tapat. Kaninang umaga maaga kami ni Senator Lacson duon sa Senate kase may grupo ng mga taga BuCor na humiling sa amin ng meeting at marami raw silang sasabihin. Eh di inagahan naming pareho. Nung nanduduon na kaharap namin, iba na eh nagbago. Takot na.

Anchor: Ano pong pwesto nila sa NBP yung mga nakausap ninyo?

SP Sotto: Nasa mga opisyal, mga opisyal.

Anchor: What made them changed their minds kaya umatras?

SP Sotto: Ewan ko, Hindi natin masabi pero katulad dun sa sinaksak sa NBP. Kaya bri-ning up ko yun yung sinaksak, ang anak niya nasa Sgt-At-Arms namin sa Security, isa sa mga nag aalaga ng (inaudible) tapos pa ang kwento dun yun daw sasaksak, di pa pala kumpleto yung narinig kong sinabi. Ang sabi pala na kumpleto, pare papatayin na kita, pinapapatay ka sa akin. Tapos ang sabi nila itong sumaksak, nahuli eh, may (flip?) daw yun may (flip?). Yun ang pinaka madali sa lahat may (flip?) inuutusan mo kaya...

Anchor: Yun ang nakikita ko na dahil may related incident ng stabbing kaninang umaga kaya umatras, natakot na yung iba, pwede silang balikan.

SP Sotto: O ngayon ang tanong may (flip?) pala eh nanduduon pala sa ward na medyo tagilid eh, bakit may panaksak? Bakit biglang nagkaroon ng panaksak may (flip?) pala eh. Of all people bakit yug tatay ng taga Sgt-At-Arms ng Senate yun ang sinaksak? Bakit hindi ako magtataka, bakit hindi ko paiimbestigahan sa NBI ng full-blown yan at hindi ko ia-asa ang imbestigasyon sa BuCor lang.

Anchor: Out of danger na po yung Ferrer?

SP Sotto: Hindi ko alam. Critical kanina eh.

Anchor: Maganda siguro makausap niyo po yun

SP Sotto: Siguro nakausap nila kaya yung ang report kay Gen. Samonte, yun ang Sgt-At-Arms namin ngayon eh. Nagkamali sila na yung ang masama sa may flip ang ginamit nila, madali ding mag flip yun.

Anchor: Tito Sen. you don't see this ending soon kase meron pa sa Sept. 19. Parang marami pang mga pasabog eh.

SP Sotto: Oo, merong mga mangyayari pa diyan pero ang ending na nakikita ko kailangan ipasa na namin yung Senate Bill no. 2 yun yung bill ko, na mag create ng penal institution for high level drug trafficking, kami nina Migs Zubiri, isama na yung heinous crimes. Ihiwalay na natin. Ang ending nito buwagin na natin yang National Bilibid Prison na yan hindi pupwede na yan. Kailangang complete overhaul. I-overhaul natin ang system. I-overhaul natin magkaroon ng moral regeneration ng mga gwardiya. Kumuha na tayo ng mga bagong graduate na gwardiya. Gandahan natin ang sweldo. Yun ang mga nakikita ko.

Anchor: Do you agree na regionalized na rin?

SP Sotto: That was my original idea 10 years ago. Nuon ko pa sinasabi yun. That was part of my bill. Naisip muna namin kase nung una ay regional ang gusto ko sabi kase sa study 14 regions dapat bawat isa may NBP pero baka mas matagal yun kasi nga naman kaya importanteng gawin yun dahil pagka ang reason daw, ito may studies dito ha, pagka daw ang preso ay hndi na dinadalaw dun daw nag uumpisang magluko. Eh papano kung nasa Visayas, nasa Mindanao yung pamilya mo?

Anchor: Ano kaya kung tatlo - Luzon, Visayas at Mindanao?

SP Sotto: Naku pareho kayo ng thinking ni Dick Gordon. Yan din ang sinabi niya sa kin. Umpisaan na natin ang Luzon, Visayas at Mindanao. Madali yan sabi niya, Oo sabi ko pwede.

Anchor: Tito Sen. if I may suggest baka dapat po ang productive po yung mga preso kase parang its not really mandatory for them to work. Ang lalaki ng mga kaha nila. Yung livelihood projects nila parang cottage industry. Like in the States, I don't want to ano pero sila yung gumagawa ng licensed plates, ditto nagkaka shortage ng licensed plates. Eh di i-institutionalized na lang at ipagawa na lang sa mga PDL para at least productive naman sila kase the no. 1 occupation there is drug trafficking. Andaming pwedeng gawin sa kulungan.

SP Sotto: Gagawin natin lahat yan. Dito sa 18th Congress na ito hindi namin palalagpasin na hindi magawa yan. Yung sa bill ko matagal ko nang sinasabi yan eh ayaw nilang maniwala sa akin eh. Sinasabi ko na i-regional yan para mabuwag yan. Its one big syndicate.

Anchor: Eh ano na bang status nitong penal institution mo?

SP Sotto: Irereport out sa Monday ni Dick

Anchor: You have the support of the majority?

SP Sotto: One hundred percent ang support sa Senado dyan.

Anchor: Sabi nga ni Usec Marco o ni Sen. Bato na ang mga tao dyan sa NBP ay hindi rin nabibigyan ng malaking budget so dilapidated na ang kundisyon 1930's pa baka you should revisit the budget not only the system but also the budget. Maski na latak sila they still at least deserve to eat decently.

SP Sotto: Tsaka yung mga gwardiya, baka hindi pa maniwala sa tin yung mga biktima nung preso, yun biktima ng mga yun ang gusto nun eh mabulok kayo sa kulungan eh papano, ipagpalagay mo nang tama yung sinasabi mo at sa iba hindi gusto yan pero kailangang gawin for humanitarian reasons. Now para din hindi nagluluko at para mareform pero yung mga gwardiya nila taasan ang sweldo. Taasan din ang moralidad para hindi pumapasok sa ganun.

Thank you thank you.

News Latest News Feed