Press Release
September 25, 2019

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On transport strike

Sen. Grace Poe: Alam mo, actually, hindi ko pa naririnig 'yan. Pero ang sa atin, sana 'wag muna ituloy at kung meron namang pagkakataon ay mag-usap nang maayos kasi marami sa ating mga kababayan ang apektado dito.

Q: Ma'am, inatras na daw po ng DOTr 'yung panukala nila na emergency powers during the TWG?

Poe: Well, kasi unang-una, bago mo naman 'yan maibigay, dapat ay tinatanggap 'yan ng ating Chief Executive 'di ba, mismo 'yung Pangulo nagsabi. Basta ako, meron namang mga pagkakataon na puwedeng gawin, 'yung pangalan hindi lang emergency pero still traffic solution. 'Yon naman ang aming ginagawa. Kung kailangan nilang i-consolidate ang local government at magkaroon ng traffic czar, puwede naman nating gawin 'yon at hindi tayo sumusuko at patuloy lang naman natin hinahanapan nang maayos na solusyon.

Q: Can you confirm na inatras na nga daw po during the TWG the other day?

Poe: 'Yun ang sinabi nila sa TWG...pero puwede naman nilang iatras, pero meron naman kaming pagkakataon na ayusin pa rin ang isang plano para magkaroon ng traffic management.

Q: Papaano po 'yung proposed bill ni Senator Tolentino, ihi-hear pa rin po 'yon?

Poe: Oo, ihi-hear, puwede pa naman kasi magkaroon nga ng, iba lang ang pangalan, pero consolidation pa rin ng mga kailangan nila. Kasi 'di ba maganda lang pakinggan, emergency, pero hindi naman ito normal na, martial law, ito naman ay traffic assistance, traffic management. So baka 'yon ang gagawin natin pero lahat ng kailangan nila-right of way, procurement, pati na rin 'yung traffic plan ng mga local government-ay puwedeng ipagsama-sama pa rin sa bill na 'yon, iba lang ang pangalan.

Q: 'Yung comprehensive plan, wala pa rin?

Poe: Sabi nila meron na silang comprehensive transportation plan pero isinumite pa nila ito sa NEDA na kailangan pa rin i-release sa amin, so wala pa rin. Ngayon 'pag sinabi nila na meron na, meron silang sinabmit sa NEDA pero dahil nga hindi ito 'yung original 2014 plan, may mga dinadagdag sila. 'Yun naman ang sabi ko...basta nagtatrabaho kami ngayon kasama ng DOTr, MMDA, para makahanap ng solusyon. Pangalan lang po 'yung emergency, ang importante diyan ay traffic plan.

News Latest News Feed