Press Release
October 2, 2019

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On road safety program budget

Sen. Grace Poe: 'Yun nga mabuti nga nabanggit kasi 'yung road safety program napakaimportante. Halimbawa na lang 'yung pagbili ng breathalyzer test o 'yung pag-test kung lasing ang isang driver, kasama 'yan 'dun sa road safety program sana pati 'yung driver education tapos kung ano pang iba't ibang programa. Diumano mga 27 million ang kailangan nilang budget dito. Bukas magkakaroon ng pagdinig ang Department of Transportation para sa budget. Gusto ko sana mareinstate ang programa na 'yun.

Q: Does it have to be funded?

Poe: It has to be funded. It has to be a priority kasi prevention and safety should be paramount and the transportation system that we have.

Q: Realignment of subway budget

Poe: Alam mo kasi ganito ang naging plano para sa matagal na nating hinihinging traffic master plan. So meron na ngang pag-aaral 'yung JICA, 'yung merong 2014 version, tapos medyo napalitan ng konti merong 2019 updated version. Tapos nalaman natin sa NEDA 'di pa nila maisa-submit ang Philippine National Traffic System Plan kasi hindi pa rin tapos pala ang pag-aaral no'n. Meron silang kinuhang isang kumpanya na gumagawa ng pag-aaral na maisa-submit pala ito by December, late na nga. It's been more than a year. Almost P100 million ang gagastahin diyan. Ngayon, sa aming Technical Working Group, 'yung napagkasunduan din namin at ng DOTr ay gagawa talaga ng isang batas, kung hindi man batas, siguro executive order kung saan lahat ng local government ay puwede namang masabihan na magpulong at magkaroon ng isang council at harmonized traffic plan. 'Yun ang puwede nating gawing batas sa ngayon para kung ano man ang regulasyon sa isang lugar ay 'yun din ang ipatutupad sa ibang lugar.

Q: Will you suggest to put on hold the project?

Poe: Oo nga eh. Alam mo may napag-alaman tayo na may ibang subway stops na wala naman 'dun sa original proposal. So parang nagdagdag sila. So dapat malaman kung cost-effective ba ito, kung more practical o kung makakagulo. Kaya nga 'pag sinasabi, hindi pa talaga kumpleto ang plano nila kaya hindi pa nga nasa-submit ng NEDA, eh ang NEDA ang mag-a-approve.

Q: Walang pondo para sa road safety?

Poe: Alam mo sa budget kasi meron tayong pinagkukuhanan ng mga ibang napaglaanan ng budget. 'Yun nga 'yung Motor Vehicles Users Tax puwedeng gamitin din dun. Kasi ang sabi ng DOTr, ito ay na-realign para sa mga proyekto nila na imprastraktura. Kung P20 plus million naman ang kailangan nila sa tingin ko naman ay magagawan ng paraan, 'yun kasi buhay ang ating pinoprotektahan.

Q: Ano ang kailangang unahin to protect the passengers and commuters?

Poe: Marami, kahit nga mga simpleng signages lang nga pati rin 'yung ibang sinasabi din na, 'yung signages kasama na 'yun sa regular ano, pero pati na rin 'yung sinasabi ko nga breathalyzers, para makita kung lasing ang driver. Usually pumupunta pa sa ospital, hindi lahat ng ospital may capability to check that. So 'yun isa 'yun sa mga puwedeng paglaanan ng pondo.

Q: On SLEX traffic

Poe: Oo nga. Alam mo dun din sa iba nating mga kababayan, sa dami rin ng ginagawang construction talagang magkakaroon ng bottleneck. 'Yun ang sakripisyo natin para magkaroon sana ng improvement sana ang ating mga kalsada. Siyempre minsan naman magtataka ka bakit 'yung ibang roadwork ginagawa kung kailann magpa-Pasko. Siyempre may mga deadline din sila, siguro kung magkakaroon pa rin ng ilang Technical Working Group on traffic situation ay puwede nating matanong kung ano na ang nangyayari roon. Kasi 'yung NLEX-SLEX connector ay may delivery date ng first quarter next year. So hindi ko alam kung 'yun ang dahilan ng bottleneck.

Q: Extension po sa Susana Heights walang maayos na traffic plan

Poe: 'Yung mga detour.

Q: On single agency for traffic

Poe: Alam mo may binanggit ang MMDA na gusto nila may kapangyarihan silang manguha ng lisensya. Hati ang pananaw ng iba diyan kasi siyempre baka naman kung walang proper training ang enforcers, baka hindi maimplementa ng tama o baka abusuhin. Ang gusto natin ay magkaroon ng kooperasyon ang mga mayors. I think 17 mayors 'yan na tinatahak ang EDSA para 'yung mga side roads din nila ay pagbawalan nila ng traffic ang isang side. Puwede naman kasing magkasundo ang ating mga mayors para sa ibang maaaring maging solusyon, para walang nagkokontra sa isa't isa.

Q: 'Yun muna direction ng committee?

Poe: Oo kasi meron nang IACT pero policy lang 'yun, wala naman enforcement capability.

Q: Kailangan pa nila i-defend 'yung police powers?

Poe: Oo kasi may isang, si Sen. Drilon may panukala na lawakan ang kapangyarihan ng MMDA pero ang binabantayan lang natin ay kung meron silang kakayanang gawin 'yun at saka kung paano maiiwasan ang pag-abuso dito.

News Latest News Feed