Press Release
October 3, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Ted Failon of DZMM Teleradyo

On the so-called ninja cops

Q: Saan kayo hahantong sa inyong pagbusisis sa mga pulis na ito?

SP Sotto: Correct. Kaya palagay ko ang committee report namin diyan ay magiging magrekomenda na managot yung gumawa nuon na Ibinaba yung original na dismissal na sentensiya. Administrative action.

Q: Ano ang merits na pinatupad ng PNP o Napolcom, bakit napunta lang sa demotion?

SP Sotto: Your guess is as good as mine kung bakit nagkaganun. Imposible, nakita mo naman yung takbo ng kaso, yung original report. Hindi dapat nagkaganun. Siguro blessing in disguise na naangkat ulit ito, sapagkat nakatulog (unclear) yan ng matagal na panahon, at magaganda pa ang pwesto ng mga involved.

Q: Ano ang pinagbasehan ng PNP officials para mapunta lang sa ganung uri ng penalty?

SP Sotto: Oo, wala akong nakikitang magandang basehan. Wala akong nakikitang ibang basehan, kaya sigurado nagkaroon ng hindi magandang pangyayari na well, sabi ko nga, manghuhuli tayo at this point, pero kung talagang ang Napolcom at DILG ay talagang seryosong iimbestigahan ito, lilitaw at lilitaw ang katotohanan.

Q: Will the committee go to the extent of getting the folders of these policemen to find out?

SP Sotto: Oo, for sure. Papunta na doon. As a matter of fact, syempre, yung aming chief investigator, yung dating PNP chief, maraming dokumentong nabubungkal yun. Baka may makita tayo doon. Pero, meron lang akong (unclear). Para mawala yung nangyayaring awayan doon sa PNP ngayon at saka inaaway nila si Benjie Magalong, bakit ngayon lang after six years, yun ang naririnig kong sinasabi, hindi siya ngayon lang after six years. Si Benjie Magalong, iniimbitahan doon dahil doon sa pagraraid niya sa NBP nung araw na preparasyon ng raid, na hindi natuloy, na ang nangyayari nagrerecycle ng droga yung mga drug lord doon, mga ninja cops at saka yung mga drug lord doon may koordinasyon, na nuon pa lang ay kasama na sa imbestigasyon niya. Kaya siya pinatawag. Ngayon nakwento niya, nasabi lang niya na nuong araw nga, may matinding drug bust, na ang nagrecycle nung 162 kilos, ang nagrecycle ay yung mga drug lord daw doon sa NBP. Itatanong namin ngayon, anong drug bust yun? Nuong araw po sa Pampanga, naimbestigahan ko iyon, sabi niya. Sino ang mga involved? Ayaw niyang sabihin. Humingi siya ng executive session para sabihin. Kung sinusubaybayan nitong mga pulis itong nangyayari sa Senado, hindi nila sisisihin si Magalong na bigla na lang daw lumitaw, bigla na lang daw...hindi. Yung mga Senador ang sisihin mo sapagkat biglang nagtanong.

Q: Yun na nga po, Ang pinanggalingan nga nito, GCTA muna, and then drug operation, yung mga raid doon sa mga kubol na kung saan CIDG ang dapat nagpaplano, na-etsa-pwera po sila, kaya humantong sa usapin na ito. Si Benjie Magalong po naman, sabi nga niya, nananahimik ako dito, ang dami kong trabaho... Hanggang kailan po ang imbestigasyon nitong kasong ito? Hanggang saan at gaano kalalim ang inyong gagawing imbestigasyon...?

SP Sotto: Yes. Palagay ko hindi matatapos nitong araw na ito kasi nga doon sa original question mo, hindi kayang sagutin ngayon. Palagay ko sa mga darating pang mga panahon bago makakakuha tayo ng report from Napolcom, from DILG kung ano ang nangyari. Meron ding mga intel tayong makukuha tungkol diyan, ano ang nangyari, doon pa lang natin makukuha yan. Therefore, baka lumala pa kung tutuusin, sapagkat paano pinayagan ng LTO yung isang kotse tatlong beses sa isang araw pinalit-palit ang pangalan? Hindi ba kataka-taka yun? Yung Johnson Lee, nakailang pilit (unclear) pulis na hinuli nila, nakarating na doon sa babaeng humarap. Baka may maglikot na Senador doon, sabihin, teka muna, yung LTO, imbestigahan yan. Baka lumala.

Q: Yun nga po, kasi sabihin na po natin na paniwalaan natin si Albayalde na hindi, ang aking diyan follow-up lang kasi ang mga pamilya, nila, nagtatanong kamusta na po yung kaso? Sabihin natin na hanggang doon lang siya, sino ang gumawa ng report sa bawat pulis na sa halip sa bigat ng mga ebidensiyang sinasabi, bakit naging demotion lang? Baka mas maraming ipatawag dito kung nanaisin ninyo?

SP Sotto: Ang intindi ko, yung si Corpus na yun, si General Corpus. Kasi nga umamin na siya ang gumawa ng rekomendasyon. Palagay ko uungkatin natin ulit mamaya. Tatanungin ko mamaya para mas malinaw.

Q: On record, ano ang pinagbasehan ni Corpus, para maging ganun lamang?

SP Sotto: Yun ang magandang hindi naitanong, ano ang pinagbasehan niya. Maganda yun. Yan ang tanungin natin, ano ang pinagbasehan niya. Hindi natanong yun, nuong isang hearing.

Q: Baka ngigisi-ngisi na si Ramoncito Roque.

SP Sotto: Hindi nga ngingiti yung mga yun, kasi maliwanag yung (unclear) si General Bantag at saka yung report ng DOJ, sibak na lahat yun. At saka pinag (unclear) yung mga kaso nila. As a matter of fact, yung iba mga hindi natin nababanggit sa hearing, nagreresign na lahat. Sunod-sunod na nagreresign. Kaya kahit paano ay medyo malilinis ng kaunti yun pero sana yung mga ipapalit hindi lamunin ng sistema.

Q: So maliwanag ngayon, kasi may mga pending case sila sa Ombudsman, pero yung binabanggit ninyong sibak, ano ang ibig sabihin nuon? As in magagawa ito ni Ginoong Bantag?

SP Sotto: (Unclear) papalitan silang lahat. At saka ngayon nga, pinagpapalitan na sila, kukuha si General Bantag ng mga (unclear) sa BJMP na magaganda ang mga record.

Q: Sa budget hearing, kamusta na yung pinagusapan natin na sa kabuuan na matulungan na yung mabilis na reporma diyan, yung automation, paggamit ng technology at saka yung eventual na paglilipat ng ating mga Bilanggo, kamusta na sa budget?

SP Sotto: Kumpleto yun, walang problema sa DOJ. As a matter of fact, kung merong pagkukulang, may pagkukunan para maidagdag sa kanila. Yung balita sa amin, katatanggap pa lang namin, mga dalawang araw pa lang namin natanggap yung GAB 1, hindi yung NEP, pag ginawang paraan mo sa GAB 1, ang nakikita namin ay meron lang nagalaw na mga P9.5 billion over-all. Over-all naman yun. Kung yun lang, walang problema at baka nakasubmit na sila sa amin nung third reading. Wag lang likutin pa afterwards.

Q: Baka may research staff kayo sa Senado, kasi pinaguusapan na kung maililipat na ang Bilibid, from Muntinlupa somewhere, yung lupa ay pakikinabangan ng gobyerno, may inaaral ako na issue na yang lupang yan, ay donated ng Madrigal family nuong unang panahon na ang kasunduan daw ay para lamang sa Bilibid. Hindi mo maaaring gamitin yan sa anumang commercial na pamamaraan kaya baka daw hindi matupad yung gusto ng gobyerno na maibenta yan kasi kokontrahin yan ng pamilya.

SP Sotto: Titingnan po namin yung deed of donation kung meron. Nangyari sa Camp Aguinaldo yan nung araw, naalala mo nung Vice Mayor ako ng Quezon City? Ang plano ng city council namin nuon ay palayasin ang Camp Aguinaldo dahil lagi na lang kudeta, if ever, mga '88, laging may mga kudeta, ninenerbiyos yung mga tao doon, so sabi namin, alisin na yung Camp Aguinaldo diyan, Quezon City yan, kami ang may ari diyan, paalisin yan, ilipat na lang somewhere else, gawing commercial yan. Nung tiningnan namin yung deed of donation, Ortigas pala ang may ari at nakalagay doon, na kapag hindi na kampo, ay babalik sa kanila ang property. Titingnan natin kung ganyan din yung sa Muntinlupa, sana naman, hindi at 378 hectares yan.

Q: Yes sir, pakicheck lang.

SP Sotto: Ilease lang sa mga universities yan, gawin nating university belt yan, napakatinding (unclear) ang pagkukunan ng gobyerno para magpatayo ng regional detention center.

News Latest News Feed