Press Release
October 6, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DzBB's Bantay Senado hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: May utos na po ang President na imbestigahan ng DILG si Abayalde, ito pong investigation sa Senado magpapatuloy pa po ba?

SFMD: Hindi ko lang alam kung isinara na o hindi. Halos lahat naman ng kailangang mag-testify ay nakapag-testify na. Ngunit iyan ay nasa chairman. Siguro pagbalik namin ay may committee report na, either partial or full report covering both the BuCor issue and the ninja cops.

Q: Base po sa narinig ninyo, dapat po bang maimbestigahan na this time si PNP Chief Abayalde?

SFMD: Wala pong sagabal na isama siya sa imbestigasyon. Sa aking tingin, in one month's time ay mag-retire na siya, to me, it is almost useless to include him sa administrative investigation. Baka dapat i-consider niya yung early retirement; sabihin niya, without admitting anything, hindi niya inaamin na siya nagkasala, ngunit dahilan sa nadungisan ang prestige at imahe ng PNP dahil dito, baka i-consider niya ang early retirement. If only for some of the image of the PNP to be recovered, he may consider it. Again, I emphasize, para sa kapakanan ng lahat, Gen. Abayalde may consider early retirement, not because he is guilty. But probably an early will restore some credibility of the part of the PNP hierarchy, na because of the command responsibility, para hindi ma-damage ang PNP, he may want to consider our suggestion.

Q: Kung ma-dismiss po siya mawawala yung benefits niya?

SFMD: Tama po iyan, kung ma-dismiss siya for cause. Wala naman ebidensya na directly involved. Ang nakikitang pagkukulang ay may may attempt to cover up.

Q: Ano po yung nakikita ninyong attempt to cover up?

SFMD: Dahil po tumawag siya kay Gen. Aquino; of course, noong kami ay nag-meeting ni Gen. Aquino, maliwanag sa amin na ang dating ng tawag ni Gen. Abayalde sa kanya ay appeal para huwag munang i-implement yung dismissal order. In fact, diretsong sinabi na huwag munang i-implement dahil mga tao niya iyan.

The fact na tumawag siya is not disputed. Yung purpose ng tawag is the one na hindi inaamin.

Q: Yung mismong tawag, krimen ba iyon?

SFMD: There is some impropriety doon, in my mind.

Q: Pwede ba siyang makasuhan for that?

SFMD: Sa akin, wala namang criminal liability; kung meron man, administratively.

Q: Ang nakakakilabot lang doon sa pagdinig, sa kabuuan kung titingnan ay nandon pa ring yung recycling of drugs

SFMD: Tama po iyan. Kung titingnan natin ang kabuuan, yung anti-drug war, nakakalungkot dahilan sa 6,000 ang namatay na dahil daw nanlaban. Ito ay medyo nakakalungkot. Tingnan natin ang kabuuan in the context of the anti-drug war. Kung ganito ang nakikita, ano pa po ang tingin ng tao diyan sa drug war.

Q: Can we say na winning o losing itong drug war because of this?

SFMD: Sa akin, medyo nawawalan ng kredibilidad ang drug war dahil dito.

Q: Ano yung remedial measures dito?

SFMD: Unang-una, maliban sa Blue Ribbon investigation, kami ni Sen. Lacson ay itinuloy yung hearing sa budget ng PDEA kung saan dumalo yung Court Administrator Midas Marquez at Justice Diosdado Peralta at mga kinatawan ng DOJ. Pinag-usapan yung pwedeng magawa para maiwasan ang recycling, dahil huwag nating kalimutan na may P22 billion worth of drugs na nakatago sa PDEA. May proseso sa ating Dangerous Drug Act na dapat within 72 hours after filing of the case, dapat sunugin ito. Ngunit ito ay hindi nagagawa. Kaya ipinatawag namin sila para ma-coordinate itong pagsunog ng P22 billion worth of contrabands.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng recycling dahilan sa ang laki ng nandiyan sa loob. Hindi ko sinasabi na nawawala. But the temptation is there. Ang mga usual na practice yung nakita nating kay Major Baloyo na hindi nirereport nang tama yung nakuhang drugs.

Mayroon ding danger na sa P22 billion worth of contraband na pwedeng i-recycle iyon. As a precautionary measure, dapat iyan ay sunugin ayon sa batas.

Mayroon din kaming pinag-uusapan na pagbabago sa Dangerous Drugs Act, ngunit ang immediate solution ay yung pagbabago sa implementing rules and regulation.

Q: Natatagalan dawpo sa issuance ng court order

SFMD: Tama po iyan kaya aamyendahan yung IRR.

Q: Doon kay Gen. Abayalde na early retirement, what benefit will it do?

SFMD: Ang benepisyo niyan, maka-recover ang PNP, medyo nasira ang PNP at yung anti-drug campaign doon dahilan dito sa mga lumalabas na mismo ang PNP ang nagre-recycle.

Sa akin, without admitting any liability, baka kailangan niya na mag-early retirement para mailagay na kaagad kung sino ang kapalit niya at makagawa ng hakbang para maibalik ang tiwala ng sambayan dito sa kapulisan natin.

Q: Ano po ang gagawin dito sa 13 ninja cops?

SFMD: Mayroong pangako ang DOJ na dedesisyunan yung mabigat na kaso sa kanila. Iyon ay life imprisonment ang parusa kaya kapag na-i-file yun ay non-bailable.

Q: Yun bang 13 ninja cops, should they be subjected to lifestyle check?

SFMD: Sa akin, hindi naman kailangan dahilan sa may sapat na ebidensya. In the first place, nangyari ito ay 2013, anim na taon ng nakaraan; yung lifestyle check baka hindi mo na makita iyon. Ito naman ay may sapat na ebidensya lalo na yung testimony ni Gen. Gerlan na nag-imbestiga sa kanila.

Q: Ano yung dapat puluting lesson dito?

SFMD: Alam n'yo po, anumang batas ang gawin kung ang implementor ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin. Ang importante sa batas ay the certainty of punishment. Gumagawa ka ng mali dahil nakikita mo na kaya mong makalusot. Hindi takot, pulis man on hindi. Kaya kailangan yung enforcement of the law para mawala yung impunity.

Q: Critical na i-vet nang husto yung susunod na PNP chief.

SFMD: Certainly, yes.

News Latest News Feed