Press Release
October 7, 2019

Sen. Grace Poe's Ambush Interview Transcript

Question: Ma'am, tungkol sa signing ng IRR

Sen. Grace Poe: Ako'y nagpapasalamat at talagang naliligayahan na ang batas na 'to na makakapagbigay ng pagkain sa ating mga batang kulang ng nutrisyon at lahat ng mga bata sa daycare centers ay napirmahan na ang implementing rules and regulations. So ang akin namang adbokasiya ay siguraduhin na maiimplementa nang tama. Kaya sa ating mga magulang, kung ang inyong mga anak ay nangangailangan ng tulong sa nutrisyon, kulang ang pagkain, sa mga eskwelahan, hanggang grade school ay mayroon nang pagkain.

Q: Ma'am paano 'yung coordination 'nun Ma'am, from DSWD tapos sa DepEd

Poe: DepEd ang in charge doon sa mga, from grade one, until, basta 'yung buong grade school. Tapos 'yung DSWD naman, lahat ng mga preschool at daycare centers na public.

Q: On Simulated Birth Rectification Act

Poe: Alam mo maraming mga bata ang hindi kilala ang mga magulang, mga napupulot, so 'yung mga nagmamagandang-loob na mga pamilyang kumukuha sa kanila ay hindi sila maparehistro sapagkat hindi nga kilala 'yung magulang nila. Dito sa batas na ito ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan ang mga bata, mapaparehistro na nila, basta lang mapapatunayan na sila talaga ang nakakita at nagpalaki sa batang 'yon.

Q: Have there been special measures to implement po 'yung mga rules and regulations in far-flung rural areas na mahirap puntahan ng mga benefits

Poe: Alam mo meron ding registration on wheels, may mga ganun, pero sa tingin ko ang importante ang mga local government ay mabigyan ng edukasyon ang mga magpaparehistro kung saan pupunta at ano gagawin.

News Latest News Feed