Press Release
October 9, 2019

Senator Imee R. Marcos grills Department of Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan during the department's budget briefing

Senator Imee R. Marcos: "Magkano na ang nagastos natin sa badyet na nakalaan para dyan(ASF). Kasi medyo naaalarma na ang publiko , pagpunta sa palengke ung presyo ay paiba-iba dahil sa takot ng mga tao?"

SIRM: "Ang problema daw po, ang strike force ng DA ay hindi masyadong trained, hindi naka-enclosed ang mga truck at higit sa lahat ay dinadump sa open dumpsite o sa ilog sa Bulacan, Pampanga at Marikina kaya lumalaganap itong hawaan ng ASF virus."

SIRM: "Usec. Cayanan, sabi nyo iveverify mo ang mga report, andami dami naming kamag-anak, media, hograisers, doon sa Pulilan(Bulacan), nagkalat na sa Pulilan river ang mga bangkay ng mga baboy. Tapos talagang nai-infect na yung tubig, at kalat na kalat ang ASF virus. Yun ang problema! Kasi ang liwa-liwanag na andami-daming na po, kumakatas pa ang carcasses ng mga baboy. So, yung river, di natin alam baka hindi naagapan ng national task force. Baka naman sariling sikap na ng ibang hog raiser, nagpapanic mode na iniitsa na lang sa ilog. Kaso ngayon ang problema talagang kumakatas yun, ang tubig marumi na, nainfect pa ang mga tabing lugar hanggang sa Baliuag, hanggang sa Pampanga dahil nga doon sa ilog at ung iba naman sa open dumpsite. So medyo mabagal yata ang pagve-verify natin kasi kitang kita na ang ebidensya nasa media na, nasa online."

News Latest News Feed