Press Release
November 18, 2019

PHONE PATCH INTERVIEW
Radyo Veritas 846 | Build, Build, Build Program

Q: Senator Win pagusapan natin itong mga, from 75 projects naging 100 and ayon sa kasamahan niyo sa Senado si Senator Franklin Drilon naging dismal failure po ito. Can you please give us a picture kung ano ba talaga nangyari sa Build Build Build program?

SEN WIN: Itong Build, Build, Build program, ito yung mga pinaka malaking proyekto ng ating pamahalaan at kasama na dito yung mga airports, mga railway tulad ng commuter rail na magduduktong sa Metro Manila going to the north and going to the south. Kasama na rin dito yung mga seaports, kasama na rin dito yung mga kalye, malalaking kalye na mag ko-connect sa ating bansa. Meron din pong mga tulay nag mag ko-connect rin po sa iba't-ibang isla ng ating bansa. Ngayon, admittedly may mga delay na nangyayari at admittedly merong mga problema na hinaharap ang mga proyektong ito dahil malalaki pero para sa akin hindi siya failure dahil noong nirereview itong mga projects, for example yung projects ng public transportation, kahit na meron silang delays marami sa mga projects nagumpisa na at tuloy-tuloy yung pagagawa at sa mga ganitong malalaking projects marami talagang moving parts. May mga issue na lumalabas pero hinaharap naman kaagad ng Department of Transportation at nireresolba naman ito kaagad. Kaya nga kung matatandaan natin may may mga bagong airports, tulad sa Mactan, tulad sa Bohol, tulad sa Puerto Princesa. Kami ho sa Valenzuela excited po kami doon sa subway dahil nakita ho namin naguumpisa na yung paggawa.

Hindi siya absolutely failure dahil marami sa proyekto naguumpisa na but admittedly may delay sa mga proyektong ito.

Q: Pero hinihiling rin ni Congressman Joey Salceda na bigyan ng emergency powers si Presidente dahil na dedelay nga po, of course yung mga tama hong procedures, yung mga right of way etcetera, do you think this is necessary to make this program more successful po itong Build, Build, Build?

SEN WIN: Hindi ako sang-ayon sa emergency powers dahil isa sa pinaka delikado diyan ay wala nang bidding. So, for example meron kang malaking proyekto hindi mo na kailangan mag bidding at makakapili ka kaagad ng contractor. Delikado yan dahil alam natin na, kumbaga, isang tao na lang ang pipili ng contractor at paano natin malalaman kung yun ang pinaka mura at pinaka magaling? Ang magiging issue dito sa mga proyekto na mga ito ay may patungkol sa pagplaplano kaya importante maaga pa lang pinaplano na, maaga pa lang tinitignan na natin ano yung problema para mabigyan na ng solusyon bago pa dumating yung problema. Kadalasan kasi sa atin nag hahanap ng solusyon pag andiyan na yung problema e. Ang importante may solusyon na bago dumating pa yung problema.

Q: Senator, regarding doon sa mga obstacles sa BBB program especially yung right of way, sa present set-up natin paano ito mapapabilis especially mayayamang area or mga properties nagkaroon na sila ng TRO at bumabagal lalo yung programa natin, yung Build, Build, paano po mapapabilis yung sitwasyon natin, ano po yung pwede natin gawin sa Senado?

SEN WIN: Dalawang bagay yan, unang-una kailangan natin ng tulong ng judiciary. Dito pumapasok yung coordination of the executive and the judiciary at ang expropriations ministerial na yan eh. As long as mag deposit ka ng 10% to the assessed value pwede na kunin ng gobyerno yung lupa. Pero ang talagang nangyayari ay may naghahanap ng butas, nag fa-file ng TRO at china-challenge yung expropriations. Ngayon, importante na yung judiciary ay ang magsabi na kung ito mga flagship projects ay kumpleto naman yung documents dapat wag na bigyan ng TRO dahil itong TRO pinapadelay lang yung projects. Pangawala, maraming batas ngayon na pinaguusapan ang ganitong flagship projects na hindi na pwedeng kumuha ng TRO sa regional trial court dapat umakyat to sa mas mataas pang korte o ibig sabihin mas mahirap pa ang pagkuha ng TRO dahil nga ang nangyayari ngayon eh regional trial court level pa lang ay nakakakuha ng TRO, tuloy, nagkaka delay doon sa project na nakapaloob sa Build, Build, Build. So sa ngayon dahil wala tayong batas na pipigil sa TRO ang pinaka mahalaga ay makipag coordinate ang judiciary Supreme Court at maging mas mahigpit sa pag iissue ng TRO.

Q: Sa larangan ho ng TRO yan pero tinitignan natin yung mga projects, according to our research, 35 projects are already on-going, 32 will commence construction in 8 months, meron 21 advance approval, may 12 advance stages in feasibility studies. Ito pong mga nasa stages of approval and feasibility study, sa palagay niyo po ba matatapos pa po yan kasi ilang taon na lang po yung nalalabi sa panunungkulan ni Pangulong Duterte. Secondly, kapag natapos po yung kanyang termino, does it mean hindi na po matutuloy o matatapos rin po yung projects? Anong status po?

SEN WIN: kapag naaprubahan na ito ng NEDA, ibig sabihin dumaan na ito sa talagang masusing pag-aaral at pag-aanilasa. Pag binigyan na ng stamp of approval ng NEDA, ibig-sabihin, maganda ito para sa ating bansa at hindi lang papogi ng administrasyon. Yung mga nabanggit kong projects po ng Panglao Airport at Mactan Airport ito ay projects even two administrations ago pa kaya itong mga proyektong ito ay dapat mahalaga sa ating bansa at hindi lang dapat mahalga para sa administrasyon. So once na-approve na ito ng NEDA, tuloy-tuloy na ito kahit matapos ang administration hanggang sa mga susunod na administrations. Pero ako mag fa-file ako ng isang batas na ma-institutionalize yung mga flagship projects na ito dahil may chansa na palitan ng NEDA o hindi sumangayon ang susunod na administrasyon sa mga nakakasa na proyekto. Doon nagkakaroon ng delay at doon nagkakaroon ng malaking gastos especially pag naumpisahan na ang mga proyekto dahil nagiging problema talaga yan.

Q: Meron ba tayong magagawa regarding, especially sa programa ng administrasyon especially sa susunod. Atsaka may magagawa ba ang Senado para mapiligan natin ito mga mga sistema kasi hindi naman sila nag bebenepisyo nung kung hindi yung mga tao ang mahihirapan? Yung perang ginamit, pag pinatigil mawalala, ang gobyerno gagawa ng panibagong project so yun po--

SEN WIN: Yung NEDA is an institution, ibig sabihin yung mga kawani doon hindi na napapalitan basta-basta, sila ay isang professional na think-tank. So pinagaaralan talaga nila mabuti yung mga proyektong ito para sa bansa, kung mag bebenepisyo ang ating mga kababayan natin, binibigyan nila ng go signal. At the same time, may mga projects silang dinedeny. Nabalitaan natin may mga 23 projects na hindi nila inapprove dahil sobrang mahal at sa pera na ilalagay natin doon, onti lang ang makakabenepisyo kaya kapag dumadaan ang mga flagship projects sa NEDA, rest assured ito ay pinagaaralan mabuti kung mabuti ito para sa ating bansa. Uulitin ko, para sa bansa, hindi para sa administrasyon kaya importante na itutuloy ito ng mga susunod na administrasyon at sigurado na on-time yung mga completion ng mga project na ito.

Q: Sinabi ni Senator Ping Lacson na meron daw merong mga vague projects na nakapaloob sa DPWH budget for the next year. Tulad ho ng 507 million para sa Kennon road, masyado raw vague, kung anong gagawin sa Kennon road, meron po bang paraan para ito po ay makita po talaga nga Senado at maaprubahan?

SEN WIN: Unang-una talaga hinahangaan ko talaga si Senator Lacson dahil pag titignan natin yung budget halos tatlong libro yan na makapal talaga, at para isa-isahin ko ho yung projects aabot talaga ng matagal na panahon kaya maganda ho na na-identify ni Senator Lacson yung mga projects na hindi ho ma-detalye tulad ho ng project na nakasulat doon for Kennon Road, ano ba yan repair ng kayle? Ano ba yan lalagyan ng drainage, napakahalaga rin po na dinedetalye yan para transaparent para hindi pasukin ng corruption.

Q: Kung ganun ho, dapat i-specify nila talaga dahil baka doble-doble at maligaw yung budget.

SEN. WIN: Correct, dapat ho nakadetalye yan. Let's say drainage repair, new road, concreting of road, dapat ho yan ang mga nakasulat d'yan.

Q: Meron daw pong decision na palitan ang huge flagship projects na gawing 100 na mas maliliit? Are you aware of this? Nabanggit ho ito ni Senator Angara.

SEN. WIN: I think he just clarified itong mga 100 flagship projects, but itong mga flagship projects, in nature, malalaki ho ito. For example, yung bridge sa Guimaras at Iloilo Province at from Panay, magko-connect po sa Negros so malalaki ho talaga. Hindi lang isang administrasyon ang makakatapos nito kung hindi ay dalawang administrasyon.

Q: Some projects naman po talaga take a long-time para matapos--

SEN. WIN: Yes, ito yung tinatawag nilang flagship dahil unang-una, maraming rehiyon at probinsya ang makikinabang, malaking proyekto ho ito. May mga ganitong proyekto talaga na kakailanganin natin para umunlad at guminhawa at maging matiwasay ang pamumuhay ng ating mga kababayan.

Q: Itatanong ko lang po Senator ang pagko-connect ng NLEX at SLEX, bakit po sya natagalan? Sabi po nila dati, January 2019 ay matatapos na? Ano po ang nangyari at na-delay?

SEN. WIN: Ako, atat na atat na ako dahil yan ang gagamitin ko kapag pupunta ako, let's say from Valenzuela to Makati or South dahil kung makikita natin ang Metro Manila, parang imbudo siya eh. Dalawa lang ang daanan papuntang North at South, yung C5 at Edsa. Dahil Edsa po ang sa gitna, yan po ang kadalasang dinadaanan ng mga kababayan natin kaya traffic siya. Pero itong Skyway 3 at North-South Connector Road, gagawa pa ng dalawang elevated road na magko-connect from North to South. Ang nangyari ho dito sa dalawang highway na ito, nagkaroon ng right of way problem at alignment problems pero tuloy-tuloy naman po ang kanilang construction. In fact, nakita ko nga sa amin sa Valenzuela yung magko-connect from NLEX to Skyway 3, nakatayo na ho ang mga poste. Ang target ho ay by March or April ay dapat operational na itong highway na ito.

Q: What about po in terms of the loan and the funding of the BBB program. Yan po ba ay available na sa atin o ito ho ay ating uutangin pa lang po? International po ba ang source o domestic?

SEN. WIN: Natanong ko rin yan in one of our hearings at itong mga projects na ito ay mix ito ng GAA, ibig sabihin sarili nating pera, at loan from various sources, may JICA, may ADB at China loans. Sa DOTR, nakita ko na maliit lang ang China loans dyan. Ito yung tinatawag nating commuter rail, dun sila papasok, pero karamihan naman ng magpapautang sa atin, JICA dahil ang may technology sa rail ay Japan. Kaya sila ang nagpapahiram, sila rin ang nagbibigay ng teknolohiya at sila rin po ang magti-train sa ating mga kababayan.

Q: Ano po ang peso/dollar sign na nakakakabit po rito sa mga projects natin?

SEN. WIN: Iba-iba. Sa North South Commuter Rail, almost P777 billion yan. Maganda ito dahil from Clark all the way to Albay, magkakaroon na tayo ng commuter rail so kung ikaw ay taga-Pampanga at pupunta ka ng Albay, pwede ka na ngayong mag-tren. Mas mabilis at dire-diretso lang.

Q: Hindi po ito subway underground?

SEN. WIN: Hindi, upgrade siya so ito yung ginagamit ng existing PNR line.

Q: So anong ballpark figure po all in all?

SEN. WIN: Ang target is P8 trillion po until 2022.

Q: Isa pa pong kaba ng mga tao ay ang china loans dahil may mga speculations na kapag hindi daw po tayo nakabayad ay meron na silang teritoryo sa loob ng Pilipinas, hindi lang sa West Philippine Sea.

SEN. WIN: Unang-una, maliit lang ang nautang natin sa China. Mas mura pa rin ang Japan kaya mas pinipili natin ang Japan. For example, dito po sa transportation, maliit lang ang hiniram sa China. Karamihan pa nga sa ADB dahil ang ADB, may present dito at mas aggressive sila. So hindi ko naman nakikitang magiging problema natin ang pag-utang sa China. Gayunpaman, dapat nakabantay tayo at maging masinop sa pag-aaral sa pangungutang. Hindi lang ito nakatutok sa China kung hindi ay in general. Kung mangungutang tayo, dapat pag-aralang mabuti.

Q: Tsaka meron pang isa, yung fear, for example, Kaliwa Dam. Pinag-uusapan pa ho iyan although may mga nagsasabi na sinisimulan na ang mga access road patungo sa mga lugar kung saan gagawin yung Dam. Meron din daw hong nakasaad dun na kapag meron pong dispute, ang paglilitis ay gagawin sa Chinese court using Chinese law, hindi ho rito sa Pilipinas kundi outside. Ano ho ba ang polisiya natin pagdating sa mga ganyang disputes? Hindi po ba pumapasok ang Senado sa mga ganyang usapin?

SEN. WIN: Typically, kapag ganyang mga dispute, nasa neutral na bansa iyan, either in Singapore or Hong Kong. Hong Kong is understood as a neutral ground for arbitration. Dapat pag-aralang mabuti yan. Isa yan sa trabaho ng Senado na siguruhin na ang loans na pinapasukan ay neutral or pabor sa atin. Hindi pwedeng dehado tayo.

News Latest News Feed