Press Release
November 25, 2019

Dispatch from Crame No. 653:
Sen. Leila M. de Lima's statement on Duterte firing VP Leni as ICAD co-chair

11/25/19

Mga kababayan, may kumurap na po. Sa hindi naman katagalan na titigan ng ating dalawang pinakamataas na opisyales, merong isa na hindi na nakatiis at kusang bumigay sa hamunan na kung sino ang mas may tapang at may tatag.

Ang nagpatibong ang siyang nahuli sa sarili niyang lubid, at pagkatapos ng panandaliang pagpiglas, ay kusang sumuko at nagsabing tapos na ang laban.

Duterte just blinked. By firing VP Leni Robredo, he has admitted that he was caught in his own trap, defeated in his own challenge, and thoroughly exposed as a man without honor and whose word is as good as the next lie that comes out of his big mouth.

In appointing VP Leni as "Anti-Drug Czar", and firing her two weeks after, Duterte showed us that Malacañang's official stationery on which appointments are written is as good as toilet paper, and that his signature is worth a 3-year-old's doodle.

Walang kwenta. Walang saysay. Yan ang salita at lagda ni Duterte. At sa kanyang pagsuko sa sariling hamon niya kay Robredo, tinuldukan na rin niya ang matagal nang tinatanong ng marami sa taumbayan na kung ang kanyang tapang ay tunay at may paninindigan. Sa mamamayang Pilipino, ayan na po ang sagot sa tanong ninyo.

Kumurap na po ang Pangulo. Bahag ang buntot at nakataas ang dalawang kamay na nagsasabing hindi na siya lalaban; na ang kanyang tapang ay isa lamang kathang-isip na iginuhit sa ating guni-guni ng mga propagandistang bayaran.

Itanong rin natin - Who else are afraid of VP Leni?

Sino po kaya ang mga natakot?

Ang mga totoong Chinese at local drug lords na napoprotektahan ng pekeng 'War on Drugs'?

Ang totoong mga narco-politicians na nanahimik at nagpapakasasa sa ilalim ng administrasyong ito?

Ang mga taong responsable sa pagpatay sa libo-libong Pilipino?

Yung mga tinamaan at nasaktan sa mga magandang nasimulan ni VP Leni?

Ang mga kaalyado mong kinabahan sa pag-angat o pagtingkad ng estrelya ni VP Leni?

So please, tell us Mr. Duterte. Who, besides you, are afraid of VP Leni? ###

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 653, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_653)

News Latest News Feed