Press Release
November 25, 2019

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S SPEECH
at the Opening and Ribbon Cutting Ceremony of the National Children's Month
Senate of the Philippines
Nov. 25, 2019

Maraming salamat at sinamahan ninyo kami ngayon sa ating munting exhibit...

Sa atin pong mga kasama ngayon, about 30 years ago, on November 20, 1989, the Philippines became a signatory to the UN Convention on the Rights of the Child.

But 30 years after that, it's undeniable that we still need to do a lot to uplift the rights of children. Ang sabi nga, 'The country is only as strong as the weakest members of its society.' In the Philippines, marami pa ring mga bata ang naaabandona, marami pa ring mga bata ang naaabuso ng kanilang mga magulang at minsan rin napapabayaan ng ating estado.

Kaya po sa ating lahat ngayon, isa pong handog din namin na mag-file ng isang bill dito sa senado kung saan ang pag-aampon ng isang bata ay magiging mas madali na at papaikliin ang proseso. Bakit? Because we are going to remove all the judicial processes involved that requires a lengthy and costly process for all of us, for all of those who would like to adopt.

Noong ako'y in-adopt ng aking mga magulang, it took them four to five years to be able to finalize the process and it cost quite a sum for them to do that. Kaya ang nangyayari 'yung mga gustong mag-adopt ng mga bata, kukunin na lang 'yung bata pero hindi naaayos ang kanilang papeles. So ano ang nangyayari? 'Pag ang batang 'yan pumasok sa school o kaya naghanap ng trabaho o kaya mag-asawa, 'pag hindi tama ang kanilang birth certificate, wala silang karapatan sa ating bansa. Kaya pinapaayos at iniigihan natin ang proseso dito sa bill na ito, sana maipasa.

Sa ating lahat, huwag po nating tanggalan ng pagkakataon ang mga taong gustong magbigay ng kasiyahan at magandang buhay sa mga batang inabandona dahil ang pamilya ay nasa puso at hindi lamang sa dugo. Kaya sa inyong lahat, huwag po nating kalimutan na pahalagahan ang karapatan ng lahat lalung-lalo na ang mga bata. Maraming salamat po.

News Latest News Feed