Press Release
January 21, 2021

Gatchalian: Extend 'no disconnection' policy for low-income consumers' unpaid electricity bill

Senator Win Gatchalian urged the Energy Regulatory Commission (ERC) and distribution utilities (DUs), such as Meralco, to heed the call of the public to further extend the 'no disconnection' policy for low-income consumers at least until the end of the government-imposed General Community Quarantine (GCQ).

Meralco's "no disconnection" policy was originally set to end last December 31 but was extended only until January 31, 2021. The policy, which covers households consuming 200 kilowatt hour (kWh) per month and below, benefits over three million of its customers.

"Except for a few, who are offering essential goods and services, the majority of businesses are not operating in their full capacity and unemployment remains to be a problem. Everyone is still struggling financially," said Gatchalian.

The November 2020 nationwide survey on COVID-19 and its impact on the Filipinos conducted by Pulse Asia Research Inc. showed that 58 percent of the 2,400 surveyed either lost their job or source of income. Hardest-hit are those belonging to the Class D and E as 58 percent and 64 percent of them respectively ended up having no means of livelihood. More than half of the respondents from Mindanao or 57 percent experienced a reduction in salary or income while 53 percent of those from Class A, B and C nationwide also experienced losing a job or source of income last year.

The Philippine Statistics Authority (PSA) showed that as of October last year, unemployed Filipinos reached 3.8 million compared to the previous year's 2.1 million.

"Habang hindi pa humuhupa ang pandemya, patuloy pa rin sana ang pagiging maluwag ng distribution utilities (DUs) tulad ng Meralco pagdating sa pagbabayad ng kuryente. Humanitarian consideration sana ang pinaiiral upang mas matugunan ang pangangailangan ng marami," Gatchalian said, reacting to the disconnection of power lines of Meralco customers due to unsettled bills.

"Hindi pa napapanahon para ipatupad ang nakagawiang paniningil sa due date ng bill ng kuryente lalo na sa mga low-income consumers. Kakatapos lang ng pasko at marami ang pinilit na ipagdiwang ito sa abot ng kanilang makakaya. Mas makabubuting palawigin pa ang 'no disconnection' policy hanggang sa matapos ang quarantine," Gatchalian said.

# # #

Palawigin pa ang 'no disconnection' policy sa mahihirap na pamilyang hindi makabayad ng kuryente - Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at mga distribution utilities (DUs), tulad ng Meralco, na dinggin ang panawagan ng publiko na palawigin pa ang "no disconnection" policy sa mga pamilyang tinaguriang "low-income consumers" habang umiiral ang General Community Quarantine o GCQ.

Una nang inanunsiyo ng Meralco na hanggang Disyembre 31, 2020 na lang ang "no disconnection policy" para sa mga kumukunsuno ng kuryente kada buwan ng 200 kilowatt-hour (kWh) o mas mababa pa, ngunit pinahaba pa ng Meralco ang deadline hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan. Nasa higit tatlong milyon ang nakikinabang dito.

"Maliban sa iilan na may negosyong tinatawag nating essential goods and services, karamihan sa mga negosyo ay hindi pa rin normal ang operasyon kaya marami pa rin ang walang trabaho o kaya ay hindi regular ang trabaho. Halos lahat ay nagsisikap na mapunan ang mga pang araw-araw na gastusin," ayon kay Gatchalian.

Ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia Research Inc. noong Nobyembre 2020, umabot sa 58 porsyento sa 2,400 na na-survey ang nagsabing nawalan sila ng trabaho o pinagkukunan ng kita kasunod ng pandemya. Ang pinakaapektado ay ang mga nasa Class D at E. Nasa 58 porsyento sa Class D at na nasa 64 porsyento naman sa Class E ang nagsabing nakaranas sila na mawalan ng trabaho o pinagkakakitaan. Higit sa kalahati o 57 porsyento ng mga taga Mindanao ang nagsabing nabawasan ang kanilang sweldo o kita samantalang 53 porsyento ng mga nasa Class A, B at C ay nagsabing nawalan din sila ng trabaho o pinagkakakitaan.

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 3.8 milyon ang mga nawalan ng trabaho noong Oktubre ng nakaraang taon kung ikukumpara sa datos ng parehong buwan ng 2019 na 2.1 milyon.

"Habang hindi pa humuhupa ang pandemya, patuloy pa rin sana ang pagiging maluwag ng distribution utilities (DUs) tulad ng Meralco pagdating sa pagbabayad ng kuryente. Humanitarian consideration sana ang pinaiiral upang mas matugunan ang pangangailangan ng marami," ayon kay Gatchalian, na ang panawagan ay kasunod ng pagpuputol ng Meralco ng kuryente sa mga hindi pa nakakapagabayd ng kanilang bill.

"Hindi pa napapanahon para ipatupad ang nakagawiang paniningil sa due date ng bill ng kuryente lalo na sa mga low-income consumers. Kakatapos lang ng pasko at marami ang pinilit na ipagdiwang ito sa abot ng kanilang makakaya. Mas makabubuting palawigin pa ang 'no disconnection' policy hanggang sa matapos ang quarantine," ayon kay Gatchalian.

News Latest News Feed