Press Release
February 1, 2021

TRANSCRIPT | OPENING STATEMENT OF SEN. PANGILINAN - SENATE HEARING ON RISING FOOD PRICES

Thank you, Madam Chairperson. Thank you, distinguished colleagues in the Senate. At sa ating mga resource persons, magandang umaga po sa kanilang lahat.

Interesting po ang timing ng ating hearing dahil ngayon ay Pebrero at ito ay buwan ng pag-ibig at pagmamahal. 'Yun nga lang, ang pinag-uusapan natin ay 'yung kamahalan ng presyo ng mga bilihin.

Sa pag-alaala natin sa ating mga mahal sa buhay, isama na rin natin ang pagbibigay ng atensyon sa presyo ng karne, gulay at iba pang pagkain na lagi na rin nating tinatawag na "mahal" o kaya "sobrang mahal."

Siguro napapansin na rin natin na sa araw-araw na ulam na inihahain sa hapag-kainan -- mabibilang na ang piraso ng karne sa pakbet at nagkukulang na ang gulay sa chopsuey?

Ang impact of the spiraling prices of meat and other food cuts across all sectors and strikes us in the very core - sabi nga nila pagka tayo ay nasaktan, okay lang pag malayo sa bituka -

[AUDIO INTERRUPTION]

Pero ito swak sa sikmura.

Battered by the Covid-19 pandemic, millions of Filipinos remain unemployed and without permanent source of income. Those who have found jobs or livelihood are just starting to get up -- only to face the blow anew of the high food prices.

Ang sahod sa walong oras na pagtatrabaho ng isang manggagawa sa pabrika, halimbawa -- mga 500 pesos -- ay pambili lang ng isang kilong baboy. At para makabili ng isang taling sitaw, talong, at ampalaya, kailangan pang magtrabaho ng tatlong oras na extra. Paano ba mabubuhay sa sitwasyong ito?

Tunay na dapat bigyang pansin ang matinding hinaing ng ating mga kababayan. Ayon sa Bantay Presyo Monitoring ng Department of Agriculture noong 27 January, ang isang kilong well-milled rice ay 44 pesos; local na galunggong, 240 pesos; liempo, 440 pesos; at ang isang kilo ng patatas, 150 pesos.

Kaya nang magtanong kami sa social media nitong ilang mga araw saan aabot ang 500 pesos nila?

Sabi ng isang nagngangalang Lacson, "Kasya yan! Pang tricycle balikan, isang kilong baboy, 20 pesos mantika, at isang kilong bigas. Wala nang iba."

Ayon naman kay Gee sa Laguna, "500 pesos ay katumbas ng: isang kilo ng baboy; kangkong, isang tali; kamatis, tatlong piraso; talong, isang piraso; okra, isang tali; labanos, isang piraso. 100 Pesos plus 400, kilo na pork. Sinigang na kulang sa gulay para sa isang pamilya."

Si Cariño naman sabi, "One kilo of pork = 370, one kilo of well-milled rice = 39, one-fourth kilo ng calamansi = 60, dalawang carrots = 30. At ang sukli = 1. This isn't even complete for one healthy meal and many people don't even earn 500 pesos every day."

Comment ni Nosmay, "Dati tanghalian hanggang hapunan, kaya pa po yang 500 pesos. Ngayon, tanghalian na lang po ang aabutin ng 500."

Subok na subok ang budgeting skills ng bawat pamilyang Pilipino. Matinding diskarte ang ginagawa ngayon sa kakarampot na 500 pesos na kita ng minimum wage earners sa Metro Manila.

Malinaw ang pangangailangan para sa agarang solusyon.

Sabi ng Philippine Statistics Authority, bumagsak ang ating GDP ng 9.5 percent, pinakamalaking bagsak mula nung 1946.

Itong bagsak sa GDP kinakabahan tayo dahil ang ibig sabihin nito, declining production. Less production means less jobs, which is tantamount to fewer people having income para meron silang pambili ng pagkain.

Ano pa ang ibig sabihin nito para sa mga ordinaryong mamamayan? Para sa mga mamimili, para sa ating sektor ng agrikultura at paggawa, our Senate Resolution seeks to find an explanation for the rising food prices, and to find the necessary interventions.

We also want to find out: Ano nga ba ang nasa likod ng pagtaas ng presyo ng bilihin? Ito ba ay natural causes or artificial in nature or both? Are there people behind price hikes? And what can we do about it?

Ano ba ang ating inventory ng meat and meat products? Tama ba na magkaroon ng price ceiling? Ito ba ay masasagawa at ma-i-implement?

Do we need to import in amounts as proposed? How much volume can the local economy absorb to stabilize prices?

In June 2014, less than two weeks into my stint as Food Security Secretary, the nation faced a lack of rice supply that led to spiraling rice inflation. Dumadaing ang ating mamimili sa mataas na presyo ng pagkain noon. We immediately put in place three strategic interventions to address the situation. Which in turn saw the stabilization of rice prices from 15-percent rice inflation to 0.8-percent rice inflation in less than one year according to the PSA.

These were the following interventions:

1. We increased the supply of NFA rice in the market in a period of two months by 75 percent. In other words, halos dinoble ang supply ng bigas sa urban centers ang NFA rice.

2. We created an inter-agency task force composed of the NFA the DTI, the NBI and the PNP-CIDG. And based on the Price Act and the NFA PD No. 4, we went after profiteers, unscrupulous traders, and even a number of NFA managers that led to the revocation or suspension of permits of traders, the filing of cases against profiteers, and hoarders and even NFA personnel involved in diversion and re-bagging. These cases were filed in Regions 3, 4, 5, 6, Caraga, and NCR. Hindi natin pinalampas ang mga mapagsamantala.

3. A transparent and competitive rice importation that saw the first ever failed NFA bidding in 42 years as we rejected high priced bids of rice imports. This rejection and the lower purchase of rice led to lower priced rice imports and led to the stabilization of rice prices and saved the government a total of 6 billion pesos of rice importation in 2014 and 2016.

The Price Act or Republic Act 7851 empowers the government to augment supply in the market to ensure ample supply and address demand, punish unscrupulous traders and profiteers, and going after and ensuring precisely proper importation of goods, in this case, meat.

We have in our hands the duty and opportunity to do something and help remedy the situation. Hindi tayo inutil.

Tayo naman ang dumiskarte para sa mga solusyon na hinahanap ng ating mga kababayan.

In closing, 'ika nga, sa ganitong sitwasyon kung saan tayo ay nasa laylayan, isang direksyon lang ang dapat tunguhin. Political will ang kinakailangang ipatupad. Gaya ng motto ng aking mga kapwa Iskolar ng Bayan: There is nowhere to go but up -- para sa ating kita at kabuhayan, hindi sa presyo ng mga bilihin.

Maraming salamat at magandang araw po.

News Latest News Feed