Press Release
February 22, 2021

Gatchalian: Strict health protocols should remain under MGCQ

Strict implementation of the minimum health protocols should remain in Metro Manila and in all areas placed under general community quarantine (GCQ) should there be a shift to less stringent modified general community quarantine (MGCQ) by March, Senator Win Gatchalian said.

"Kung ako ang tatanungin, ako sang-ayon ako na mag MGCQ na tayo. Mayroon na tayong kakayahan at alam na natin ang gagawin kung mayroong nagkasakit o may nag-positive sa COVID-19. Mayroon na tayong kakayanan. Sanay na tayo," Gatchalian said, adding that local government units (LGUs) are now adept in handling the pandemic following the outbreak last year of the deadly coronavirus disease, with the emergence of testing centers and even the emergence of needed software application program for easier contact tracing in their respective localities.

"Ang pinaka importante dito sakaling mag-MGCQ na tayo ay tuloy pa rin yung social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Hindi pwedeng tanggalin yan. Pero pwede nang buksan nang dahan-dahan ang ating ekonomiya dahil isa lang ang gamot para umangat ang ekonomiya natin-buksan natin para pwede nang makapagtrabaho ang marami nating mga kababayan. Pero hindi naman natin pwedeng biglain. So itong MGCQ from 50% gawin nating 70% at tingnan muna natin doon kung ano ang epekto," he added.

National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Director General Karl Chua proposed to President Duterte to place the entire country under the most lenient quarantine status citing the need to revive the ailing economy of the country and mitigate sickness, hunger, poverty, job and income losses that are rising.

Chua likewise proposed the increase of public transport operations from 50 percent to 70 percent and gradually expand the age group allowed to go out. The NEDA Chief also recommended the resumption of face-to-face classes in low-risk areas which Gatchalian has been campaigning for months now.

# # #

Gatchalian: Mahigpit na health protocol sa ilalim ng MGCQ dapat manatili

Dapat manatili ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na nasa ilalim ng general community quarantine (GQC) sakaling ipatupad ang mas mababang antas ng quarantine o modified general community quarantine (MGCQ) pagdating ng Marso, ayon kay Senador Win Gatchalian.

"Kung ako ang tatanungin, sang-ayon ako na mag MGCQ na tayo. Mayroon na tayong kakayahan at alam na natin ang gagawin kung mayroong nagkasakit o may nag-positive sa COVID-19. Mayroon na tayong kakayanan. Sanay na tayo," ani Gatchalian.

Ipinunto ni Gatchalian ang kakayahan ng mga local government units (LGUs) na matugunan ang hamon ng COVID-19 pandemic na nagsimulang manalasa noong nakaraang taon. Dumami na rin aniya ang mga testing centers sa bansa pati na rin ang pagkakaroon ng software application program kung saan napapadali na ang contact tracing.

"Ang pinaka importante dito sakaling mag-MGCQ na tayo ay tuloy pa rin yung social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Hindi pwedeng tanggalin yan. Pero pwede nang buksan nang dahan-dahan ang ating ekonomiya dahil isa lang ang gamot para umangat ang ekonomiya natin-buksan natin para pwede nang makapagtrabaho ang marami nating mga kababayan. Pero hindi naman natin pwedeng biglain. Kaya itong MGCQ, mula 50% gawin nating 70% at tingnan muna natin doon kung ano ang epekto," saad ni Gatchalian.

Inihayag ito ni Gatchalian matapos irekomenda ni Acting National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Karl Chua kay Pangulong Duterte na napapanahon na para isailalim ang buong bansa sa pinakamaluwag na quarantine status upang pasiglahin ang naghihingalong ekonomiya ng bansa at mapagaan ang patuloy na tumataas na bilang ng mga nagugutom, naghihirap at nawalan ng kabuhayan o trabaho sa bansa mula noong magpatupad ng lockdown measures.

Iginiit din ni Chua ang pangangailangan ng pagkakaroon ng sapat na pampublikong transportasyon. Mula sa 50 porsyento ay inirekomenda niyang buksan ito ng hanggang 70 porsyento. Pati ang pagpapalawig ng edad ng mga maaring makalabas ng bahay ay kasama rin sa kanyang rekomendasyon.

Sinabi rin ng NEDA Chief na mas mainam na payagan na rin ang panunumbalik ng face-to-face classes sa low-risk areas na siya ring matagal nang isinusulong ni Gatchalian.

News Latest News Feed