Press Release
February 23, 2021

Gatchalian seeks immediate, smooth distribution of Bayanihan 2 subsidies for displaced teachers

Emphasizing that displaced teachers and non-teaching staff have waited long enough to receive their aid, Senator Win Gatchalian is calling on the Department of Labor and Employment (DOLE) to accelerate the distribution of financial aid allotted for teachers and non-teaching personnel under the Bayanihan to Recover As One Act (Republic Act 11494) or Bayanihan 2.

"Bakit inabot ng ganitong katagal ang ayuda para sa mga guro?" asked the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, who pointed out that the education sector should have been prioritized because it is one of the most battered by the COVID-19.

"Ang ayudang nakalaan sa ilalim ng Bayanihan 2 ay matagal nang hinihintay ng mga guro at mga non-teaching personnel na nawalan ng trabaho. Ngayong tuloy tuloy pa rin ang tanggalan sa maraming upisina at mayroon nang bagong variant ang COVID-19, marapat lamang na maipaabot na sa kanila ang ayudang matagal nang ipinangakong magpapaluwag sa kanilang mga pasanin," he added.

The Bayanihan 2, which was signed on September 2020, allotted P300 million for the provision of a one-time cash assistance to displaced teaching and non-teaching personnel in private and public elementary, secondary, and tertiary education institutions. Part-time faculty in State Universities and Colleges (SUCs) who have lost their jobs or who have not received their wages are also entitled to receive these subsidies.

In the basic sector education alone, some 4,488 teachers are affected by the suspension of operations in 865 private schools, the Department of Education (DepEd) reported last September. The Commission on Higher Education (CHED) also reported last May that some 50,000 part-time lecturers of private colleges and universities working on a "no work, no pay basis" need financial aid.

While Gatchalian admits that the funds are not enough to ease the burden of displaced teachers and non-teaching staff, he urged DOLE to iron out the final guidelines with CHED and DepEd to avoid the same woes as the distribution of aid under the Social Amelioration Program.

Last December, President Rodrigo Duterte signed Republic Act 11519, which extends the validity of funds under Bayanihan 2.

# # #

Gatchalian: pamamahagi ng ayuda sa mga guro sa ilalim ng Bayanihan 2 dapat madaliin

Matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Labor and Employment (DOLE) na agaran nang ipamahagi ang ayudang inilaan ng Bayanihan to Recover As One Act (Republic Act 11494) o Bayanihan 2 sa mga guro at non-teaching staff na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID-19.

"Bakit inabot ng ganitong katagal ang ayuda para sa mga guro?" tanong ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture. Dagdag ng senador, dapat tinutukan ang sektor ng edukasyon lalo na't isa ito sa mga pinaka-apektado ng COVID-19.

"Ang ayudang nakalaan sa ilalim ng Bayanihan 2 ay matagal nang hinihintay ng mga guro at mga non-teaching personnel na nawalan ng trabaho. Ngayong tuloy tuloy pa rin ang tanggalan sa maraming upisina at mayroon nang bagong variant ang COVID-19, marapat lamang na maipaabot na sa kanila ang ayudang matagal nang ipinangakong magpapaluwag sa kanilang mga pasanin," ani Gatchalian.

Sa ilalim ng Bayanihan 2 na nilagdaan noong Setyembre 2020, may tatlong daang (300) milyong pisong nakalaan bilang one-time cash assistance sa mga teaching at non-teaching personnel sa mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya, high school, at kolehiyo. Kasama rin sa mga mabibigyan ng ayuda ang mga part-time na guro sa mga State Universities and Colleges (SUCs) na nawalan ng trabaho o kaya ay hindi nakatanggap ng kanilang sahod.

Sa basic education sector, mahigit apat na libong (4,488) mga guro ang apektado ng suspendidong operasyon sa halos siyam na raang (865) mga pribadong paaralan, ayon sa ulat ng Department of Education (DepEd) noong Setyembre 2020. Noong Mayo 2020, matatandaan namang iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na may limampung libong (50,000) mga part-time lecturers sa mga pribadong kolehiyo at mga pamantasan ang nangangailangan din ng tulong pinansyal. Ito ay dahil nagtatrabaho sila sa ilalim ng "no work, no pay basis."

Bagama't aminado si Gatchalian na hindi sapat ang pondo upang maibsan ang pasanin ng mga guro at mga non-teaching staff na nawalan ng trabaho, hinimok niya ang DOLE na makipagtulungan sa DepEd at CHED na gawin na ring pinal ang mga pamantayan sa pagpapamahagi ng ayuda. Aniya, dapat maiwasan ang parehong mga suliraning naranasan sa pagpapamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Noong nakaraang Disyembre naman ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11519 para palawigin ang pagiging epektibo ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2.

News Latest News Feed